Waah!! Ayan na ikikiss na ako ni Carlo!! Waahh!! (Siya yung crush ko sa school ehh) Ayan na!!
5…………
4…………
3..............
2..............
"Athena!!" Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga. Sayang yun nayun ehh.
Grabe talaga tong si tyang mang gigising nalang may kasama pang sampal psh. Ang sakit kaya.
"Oohh ano pang tinutunganga mo diyan!! Bilisan mo dyan at mag luto ka na!!"Dali Dali na akong bumaba at nagluto na. Pag ako di nakapagtimpi lalagyan ko na ng laway tong pagkain niya ehh.
Ang sama talaga porket matandang dalaga na. Hindi na palambot wala kasing asawa ehh.
Siya ang Tita ko hindi ko siya kadugo kaibigan lang siya ng tunay kong nanay. Kaso patay na daw siya. Dahil sa sakit.
Kung hindi nga lang daw siya nakapag promise kay nanay hindi daw niya talaga ako aalagaan ehh. Tss alam ko namang natatakot lang siyang multuhin siya ni nanay ehh.
Nga pala. I'm Athena Ella Oden. 17 years old na ako and I'm confidently smart with a heart. Wag nalang beautiful di naman kasi ako ganon ehh.
Ewan ko ba nakita ko naman si nanay sa picture at sobrang ganda nya. Tas ako mukhang nilamukos na papel. Siguro mana lang ako sa tatay ko.
"Tyang luto na!!"Sigaw ko sa kanya ng matapos na ako sa pagluluto. Mabilis naman siyang umupo sa upuan tapos nagsimula ng kumain. Uupo na sana ako ng biglang alisin ni Tyang ang upuan kaya napaupo ako sa sahig.
"Araayy!" Daing ko habang nakahawak sa pwetan. sheet kasi sobrang sakit kaya.
Tiningnan ko si Tyang pero parang wala lang sakanya naka ngiti pa nga sya habang kumakain ehh. Bang sama talaga ng ugali sarap niyang dalhin sa amazon river tapos ipakain sa piranha ehh.
Di na ako kumain at ginawa nalang ang morning rituals ko.
Pagkatapos kong gawin ang kailangan kong gawin naglakad na ako papuntang school.
"Children of Jesus" basa ko sa tapat ng gate ng school na pinapasukan ko. Tss Children of Lucifer dapat yan ehh. Pano ba naman puro bully ang nandyan. Tas yung iba naman puro pag mamayabang lang ang alam na gawin.
"Eww nandyan na yung geek!!" Mg1 (maarteng girl)
"Yuck ang panget niya talaga!!" Mg2
"Oo nga tara na baka mahawaan tayo nyang panget nayan!!" Mg3. At sabay sabay silang umalis ng mga kaibigan niya.
Hambalusin ko sila nga mga libro ko ehh. Ang aarte hindi naman nakakahawa ang pagiging panget no.
Nandito na ako sa harap ng room ko. Haay nako ano kaya ang pasalubong ng mga demonyo kong kaklase sakin? Hinintay kong dumating ang teacher.
Yes nandito na si Ma'am. Binuksan ko ang pinto pero di ako pumasok.
*splash*
Hay sabi na nga ba may surpresa na naman sila ehh.
"Who did this!!" inis na sigaw ni ma'am sa mga kaklase ko natigilan naman sila at tinuro si Linda. Siya ang no.1 bully dito.
"Go to the office now" inis na sabi ni ma'am na sinunod naman niya. Pero bago siya maka alis inirapan muna ako . tss siya naman may gawa non ehh.
YOU ARE READING
MAGEA UTENTI ACADEMY: Birth Of The New Queen
Fantasyshe came from the mortal world. always being bullied. always feeling pain from her classmates and from her tita. She is a true mortal but a special one, a different one But when the right time comes, she'll transform herself to a Goddess beauty. ...