Worried!?!

523 20 0
                                    

(Athena's Pegasus at the top👆👆)

Athena's POV

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway. And as usual pinagtitinginan parin nila ako.

Karamihan nagbubulungan pero yung iba hanggang tingin lang. Okay nadin yon, at least nabawasan na sila.

Ipinag-patuloy ko nalang ang pag-lalakad ko papuntang classroom at hindi na pinansin ang mga tinging pinupukol nila.

Nakarating na ako ng classroom ng hindi namamatay o nagkakalasog-lasog ng dahil sa mga masamang tingin na ipinupukol nila sa akin.

Pagkapasok ko umupo na agad ako sa upuan ko which is nasa likod.

"Good morning Thena! We missed you!" Nakangiting sabay-sabay na sabi ng mga royalties pwera nalang kay Ashton na tinignan lang ako atsaka bumalik sa ginagawa.

Hindi ko na sila pinansin atsaka palihim na inirapan si Ashton.

Mukha naman silang disappointed dahil I didn't greet them back. Pake ko ba. Bahala sila dyan.

"Well anyway, anong nangyari sa leeg mo? Malaki-laki yung hiwa mo sa leeg ah. Punta ka kaya sa clinic" worried na tanong sa akin ni princess Flame.

Agad akong napahawak sa may leeg ko. Ngayon ko lang napansin na nagka-sugat pala ako. Siguro nakuha ko ito sa unang misyon ko noong isang araw.

Napatingin ako sa harap ko, at makitang nakatingin sa leeg kong may sugat si Ashton.

Bigla siyang tumayo na ipinagtaka namin. Nawala ang pagtataka ko ng bigla niya akong hatakin sa hallway.

Nagpupumiglas ako dahil hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Ngunit masyado siyang malakas at hindi ko naman pwedeng gamitin ang super strength ko dahil mag-kaka-lasog-lasog ang katawan niya dito sa hallway panigurado.

"Saan ba tayo pupunta?!" Naiiritang wika ko sa kanya. Hindi niya ko pinansin at pinagpatuloy ang paghila or should I say pagkaladkad sakin.

Nang dahil sa inis at pagkairita dahil hindi niya ako pinapansin nagawa kong hatakin ang kamay ko. Kitang kita ko ang pagngiwi niya dahil medyo napa-lakas ata yung paghila ko.

"Let's go." Aniya ng makarecover mula sa ginawa ko. Hinawakan niyang muli ang kamay ko at hahatakin na sana pero dahil hindi niya parin sinasabi kung saan kami pupunta. Marahas ko uling kinuha ang kamay ko.

"What's wrong with you?! I said let's go, o baka naman hindi mo naiintindihan. Sabi ko TARA NA!" May halong pagkairita ang boses nito.

"What's wrong with me!? Baka what's wrong with you?! Saan mo ba ako dadalhin huh?! At FYI I'm good at English, actually I'm better than you are!"

Kung siya may halong pagkairita ang boses, pwes ako puro galit na. Sasabihan pa ako na hindi nakaka intindi ng English. Top 1 kaya dun dati.

"We're going to the clinic. I-ipapa-gamot natin yang sugat mo" medyo nautal pa siya sa pabulong niyang sabi pero rinig na rinig ko yun.

"Hindi na kailangan. I can handle myself, at isa pa gagaling din naman ito." walang ganang sagot ko sa kanya.

"No! Hindi ako papayag. Let's go!" Naiinip na sabi niya sa akin.

"Give me one valid reason. Why I should come with you and go to the clinic?" Naiinip na din na sabi ko. Mas masarap pang matulog than having this conversation.

"B-because i-i'm w-worr-ried" pabulong at nauutal na pagkakasabi niya. Mali siguro ako ng narinig kaya pinaulit ko sa kanya.

"What did you just say?"naiinip na tanong ko sa kanya.

"D*mn it!! I said I'm worried!" Pasigaw na sagot niya sa tanong ko. I think I froze when he said that. And he grab that opportunity para dalhin ako sa clinic.

-----------------------------------------------------------
Author:
- I know sobrang ikli and I'm sorry for that. Inaantok na po kasi ako ehh. So goodnight everyone!!

MAGEA UTENTI ACADEMY: Birth Of The New QueenWhere stories live. Discover now