First Mission

596 24 2
                                    

(👆Athena's armor👆)
please comment po kayo kung may gusto kayong ipabago and icomment nyo rin po yung gusto niyong mangyari sa next chapter. and sorry for the typographical errors.😊😊

-----------------------------------------------------------

Athena's POV

++ Dream++

"Athena" nandidito na naman ako sa napakagandang garden. Which is queen Demitria's place. Ano na naman kayang kailangan niya?

"What do you want?" May halong iritang pagkaka-sambit ko. Ang sarap sarap na kasi ng tulog ko nangbabagabag pa ng tulog.

"I will give you you're first mission" aniya. Mission? Meron pa palang ganon? Ano naman yon?

"What is it? Anong kailangan kong gawin?" Determinado kong sagot. Well sa tingin ko kaya ko naman gawin yung ipapagawa niya.

"Come with me" Aniya atsaka naglakad papunta sa bahay niya. Tahimik na sumunod ako sa kanya.

Narating na namin ang bahay niya kaya pumasok na ako. Atska umupo. Hindi ako nagsalita at hinintay nalang siya na ipaliwanag sa akin ang dapat kong gawin.

"Pumunta ka sa tuktok ng red mountain ( it's a volcano.) sa fire kingdom atsaka ka tumalon sa loob non." ani Demitria tsaka uminom ng kape. Umiinom din pala ng kape ang mga multo?

"Then?" Naiinis na tanong ko bakit kasi kailangan pang tumigil? Kainis ehh.

"There you can see their laboratory. Patayin mo ang lahat ng mga alagad 'niya' sa laboratoryo nayon. Tapos hanapin mo yung kanilang formula book atsaka mo sunugin. At kapag nagawa  mo na ang lahat ng yun pasabugin mo na yung laboratory siguraduhin mo na walang matitira na kahit na ano at kahit na sino." Aniya na ikinakunot ng noo ko.

"Anong meron sa formula book nayon at kailangan ko pang sunugin?" Nagtataka kong tanong

"Ang laman ng formula nayon ay ang makakabuhay sa mga patay at ang formula sa pagiging immortal. Malapit na nilang makumpleto ang formula at pag nangyari yon gagamitin 'niya' yon sa sarili 'niya' at pagnangyari yon

maslalakas 'siya' at magiging immortal kaya mahihirapan kang malabanan 'siya'." Mahabang litanya niya. Tama siya mas mahirap patayin ang nilalang na walang hanggan ang buhay.

Wala din kasing kapangyarihan na kayang bumuhay sa patay ang nag-eexist sa mundong ito. Dahil kahit naman magical ang mundo na ito, everything and everyone has its limitations.

"Kung ganon I will do my best to accomplish my first mission." Determinadong sabi ko na ikinangiti naman niya.

"Ay wait use this" aniya at ibinigay sakin ang isang whistle. Whistle? Aanhin ko naman ito?

"For what?" Naguguluhang tanong ko. What's the purpose of this whistle?

"Use that to call your new Pegasus." Aniya na ikinangiti ko. Pegasus. Sounds interesting.

"You can go now" huling salita na narinig ko sakanya  kasabay ng pagkain sakin ng dilim.

Napabalikwas ako ng bangon nang magising ako mula sa panaginip nayon.

Tiningnan ko ang orasan na nasa ulunan ng higaan ko. And Tama lang para maisagawa ang aking misyon because it's only 12:27 in the morning ang I guess makakabalik ako rito before the sunrise.

Tumayo na ako at pumasok ng restroom atsaka naligo para maka-alis na.

Pagkatapos kong maligo nagsuot ako ng jacket na may hood and simple pants.

Lumabas na ako ng dorm at pumunta na sa gate ng academy. Napaisip naman ako kung paano ako makakalabas ng academy at kung paano ko maalalagpasan ang gate.

Napatingin ako sa dahon na lumipad sa harap ko at bumagsak sa baba ko kaya hindi sinasadyang napatingin ako sa kwintas na nakasabit sa leeg ko

Hinawakan ko ito atsaka pumikit inisip ko na gusto kong makalabas ng academy.

"Lingavour" yun ang unang salita na lumabas sa bibig ko. Kaya't ng  mapamulat ako ay nasa labas na nga ako ng academy.

Hindi kasi gagana ang teleportation upang makalabas at makapasok ng academy dahil meron itong protection spell.

Nilabas ko na ang whistle na ibinigay sakin ni Demitria. At pinatunog ko na ito. Sa hindi kalayuan nakita ko na ang bago kong Pegasus.

Sumakay na kaagad ako ng lumapag na ito sa lupa. Agad ko naman ito pinalipad para makabalik ako ng maaga.

Narating ko kaagad ang red mountain sa tingin ko inabot lamang ako ng 1 oras papunta rito dahil sa bilis ng Pegasus ko.

Pagkarating ko sa tuktok binanggit ko ang spell na sinabi sa akin ni Demitria dahil kung hindi ay malamang matutunaw ako sa lava.

Pagkababa ko nakita ko ang entrance papasok sa laboratory. Nagpalit muna ako ng damit na katulad ng sa mga nilalang rito atsaka nagsuot ng face mask para di nila ako mamukaan.

Maraming mga tao ang nadatnan ko sa loob. Lahat sila ay may kanya kanyang ginagawa.

Pumasok ako sa isang office na may nakalagay na head scientist's office. Pumunta ako sa mesa na maraming kung ano anong papel.

Kasalukuyan kong hinahanap ang formula book dito sa lamesa ng marinig ko ang pagpihit ng seradura ng pinto.

Kaagad akong nagtago sa ilalim nang lamesa kasabay non ang tunog ng mga takong ng sapatos ng babae.

Agad kong tinulak ang upuan nito ng umupo na siya. Atsaka siya sinipa sa mukha. Humandusay naman siya sa lupa. Ngunit hindi siya nawalan ng malay.

"Ice needles attack her" sigaw ko kasabay ng pagkawala ng mga ice needles sa kamay ko papunta sa direksyon niya.  Agad naman siyang umilag. Mabilis siya mukhang magiging masaya to ah.

Inambahan niya ako ng sipa sinalag ko naman ang aking mga hita. Sinampal ko siya ng malakas na halos umikot na ang ulo niya sa lakas.

Naramdaman ko ang pag-iiba ng damit ko at naging armor ito ganun din sa kanya na parang kinulang sa materyales sa sobrang iksi.

Napangisi ako ng makita ang pag-punas niya ng dugo sa kanyang labi at ang marka ng kamay ko sa pisngi niya.

Tumagal ang labanan namin at ni hindi niya man lang ako nahawakan samantalang ako ay lagi siyang natatamaan. Mukha na nga siyang bugbog sarado dahil sa dugo niya sa mukha.

"Dark smoke bomb" pagka-sabi niya non ay lumabas ang itim na usok sa kamay niya. Agad ko itong iniwasan.

"Using your power ehh" nakangiting nakakaloko na sabi ko. Sayang nag eenjoy pa naman ako.

"Ice poison" sigaw ko tsaka siya pinaulanan ng ice poison naiwasan naman niya ito ngunit hindi niya alam na gumawa ako ng invisible ice needles sa likod niya kaya naman tinamaan siya noon atsaka siya bumagsak sa lupa.

Tinignan ko ang aking relo at 2:30am na pala masyado pala ako nawili sa pakikipaglaban sa kanya at hindi ko na namalayan ang oras.

Agad kong hinanap ang formula book at nakita ko rin naman yon. Sinunog ko yon pati narin ang lahat ng mga papel sa office nayon.

Lumabas ako ng opisina nayon gamit ang invisibility. Umakyat ako sa tuktok.

"Ice smoke." pagkabanggit ko non ay napatingin sila saking lahat may ibang dapat tatakas. But too late dahil kumalat na ang smoke na kapag nalanghap mo ay titigas ang puso mo at titigil sa pagtibok.

Nang masiguro ko na nasunog ko na ang lahat ng papel at namatay na ang lahat ng tao sa laboratoryo ay mabilis ko itong pinasabog atsaka ako nag teleport sa paanan ng bulkan.

Tinawag ko na agad ang aking Pegasus at umalis naron. Nakita ko pa ang pag sabog ng bulkan sa malayo.

Pagkabalik ko sa school nagteleport agad ako sa kwarto ko atsaka humiga. Ngunit bago matulog ay tinignan ko muna ang oras at sakto lang it's 5:00 in the morning may tatlong oras pa ako para makatulog.

😴😴😴

MAGEA UTENTI ACADEMY: Birth Of The New QueenWhere stories live. Discover now