Magical Necklace

611 26 6
                                    


Thanks po sa support!! Pwede nyo pong I comment yung gusto nyo pong mangyari sa next update thanks!! And sorry for the late update marami po kasing school projects ehh.

-----------------------------------------------------------

Athena's POV

"Athena gising na. Bangon ka na dyan."

Kainis naman ang aga aga pa ata ginigising na agad ako ni Daniella. Atsaka wala naman pasok ah. Kainis.

Patuloy parin siya sa pagyugyog kaya hinarap ko na siya.

"What?!" Ani ko sa iritadong boses. At pinanlisikan ko na sya ng mata. Yumuko naman siya na parang natatakot sa tingin na ipinupukol ko sakanya.

"N-nadyan a-ang roy-yalti-ies" pagkasabi niya noon ay tumakbo kaagad siya at umalis ng kwarto ko.

Bakit sila nandito? Natigilan ako sandali at inisip kung bakit sila napunta dito. Ahh oo nga pala pupunta nga pala kami sa mall ngayon. Tss bakit ko ba nakalimutan.

Tumayo na ako at pumunta sa restroom para maligo.

Tapos na akong maligo kaya nag-ayos na ako at sinuot ang nerdy glasses ko.
Tsaka bumaba. Nakita ko silang nakaupo habang nakikipag- usap kila Kyla at Daniella.

Napag-alaman ko rin na anak pa la ng gobernador-heneral ng air kingdom si Kyla at anak naman ng gobernador-heneral ng water kingdom si Daniella kaya close din sila atsaka ng mga royalties.

Ang mga gobernador-heneral ay ang pinuno ng kawal kaya close din nila ang hari at reyna.

"Athena nandyan ka na pala. Tara na?" Nakangiting tanong ni Flame ng napansin na nandito na ako sa harapan nila.

Tumango nalang ako bilang sagot. Katamad magsalita ehh.

"Kyla, Ella gusto nyong sumama?" tanong nila kay Kyla at Daniella. Agad namang umiling ang dalawa.

"Pupunta pa ako sa library. Magreresearch lang." Sabi ni Kyla. Tumango naman sila atsaka tumingin kay Daniella. Na parang tinatanong ito kung bakit hindi pwedeng sumama.

"Pupuntahan ko si dad. Itretrain niya daw ako para mas lumakas." pag papaliwanag ni Daniella sa kanila. Agad naman silang tumango.

"Okay alis na kami ingat kayo ha. Tara na Athena." tumango lang ang dalawa atsaka ako hinila ni Flame at Jasmine. Di naman halatang excited sila no.

Sinundan nalang kami ng mga lalaki habang nag uusap sila pwera nalang kay Ashton na parang walang pakialam kahit magunaw ang Mundo.

tumigil na sila sa pag-lalakad. Madaming kabayo rito pero may Lima ng may kulay ginto sa taas. Yun na siguro ang sasakyan namin.

Sumakay ang tatlong prinsipe sa mga kabayo nila samantalang si Jasmine ay umangkas sa kabayo ni Aquil. At si Flame naman ay umangkas kay Kairo.

"uhm angkas ka nalang kay kuya Ashton. Athena" ani Flame at tinuro ang Kuya niya na nakatingin lang sa akin. Umiling lang ako bilang sagot tsaka sumakay pa sa isang kabayo.

"I can ride on my own." walang ganang sagot ko. Tinuruan kasi ako ni queen Demetria dahil ito daw ang ginagamit na transportasyon dito.

"Hindi yan gawain ng isang princess." May halong pagka iritang sambit ni Ashton.

"But I'm not a princess" cold kong sabi pabalik sa kanya para syang baliw hindi naman ako prinsesa ehh. Bigla naman siyang nag smirk na ikinataas ng kilay ko.

"Yeah you're right, you're not a princess because you are my queen." Sambit niya habang nakangiting nakakaloko.

Iniwan ko na sila doon na kinakantyawan si Ashton. Para namang kasing tanga bumanat pa. But why the f*ck I'm smiling. Argh I hate this feeling.

Hindi ko na sila pinansin pa at nagpatuloy nalang sa pangangabayo. Tumigil ako ng tumigil rin sila.

Ang mall na tinutukoy nila ay hindi katulad ng sa mundo ng mga tao yung mall dito ay parang tiangge magkakahiwalay ang mga stalls dito.

"Sa bilihan ng damit kami pupunta ni Jasmine." Pagpapaalala ni Flame samin.

"Kaming mga boys dun sa bilihan ng mga sapatos kita nalang tayo dito bago mag tanghali para sabay sabay na tayong kumain." pagbibigay alam naman ni Kairo. Umalis naman agad sila Flame.

Alis na sana ako para maglibot libot ng biglang may humawak sa kamay ko tiningnan ko naman ito. Na nagsasabing tanggalin ang hawak niya sa akin.

"Hindi ako tatablan niyang tingin mo. I just want to warn you, don't talk to anyone especially boys." Aniya gamit ang warning tone. Atsaka umalis. What's happening to him. Ashton is always acting strange. And yes it's Ashton.

Hindi ko na sya pinansin at nagpatuloy nalang sa paglilibot hanggang sa may nakita akong isang jewelry store na luma na. Pumasok ako sa loob at bigla itong naging bago.

Marami rami ang tao na bumibili rito dahil magaganda ang mga palamuti rito at may mga magic rin ang mga yon. Napatigil ako ng makakita ng napaka gandang kwintas. Tignan niyo nalang sa multimedia katamad mag-describe.

"How much is this?" Cold kong tanong sa matanda. Parang siya ang may ari nitong store. Nakita ko namang nanlaki ang mata niya pero napalitan rin ng ngiti. Which I found weird.

" Yan ay ang kwintas ni Queen Demetria walang halaga yan dahil sa iyo nayan. Ipinangako ko sa kanya na ang unang makakakita niyan ay ang magiging bagong magmamay-ari." Naakangiti niyang pagkwekwento na ikinakunot ng noo ko.

"You know queen Demetria? And ano pong ibig sabihin niyo na ang unang makakakita?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

"Kaibigan ko siya. At bago siya mamatay binigay niya sakin yan at nilagyan niya ng spell na ako lang at ang itinakdang pagbigyan nyan ang tanging makakakita ng kwintas na iyan. At ikaw yon kaya sayo nayan." Nakangiting wika niya sabay abot sa akin. Kinuha ko naman yon.

"Ano pong kayang gawin nito?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang kwintas na nakasuot na sa leeg ko.

"It can do anything, isipin mo lang gagawin niya. Kaya rin niyan tawagin ang legendary dragon. At ikaw lang ang nakakakita niyan pwera nalang kung gugustuhin mong makita ng iba." nakangiting sabi niya. Hindi ba siya napapagod ngumiti?

" I'll go now." Pagpapaalam ko ngumiti lang siya kaya umalis na ako roon.

Kaya pala hindi pinag- kakaguluhan ang kwintas na ito dahil hindi siya nakikita ng sino man dahil ako lang at ang matandang yon na kaibigan ni Demetria ang pwedeng makakita.

MAGEA UTENTI ACADEMY: Birth Of The New QueenWhere stories live. Discover now