(Prince Ashton at the top👆👆)Athena's POV
" All students please proceed to the gymnasium."
" All students please proceed to the gymnasium. Thank you."
Nakahiga ako sa kama ko ng biglang tumunog ang mga speaker.
Agad akong tumayo at nag bihis ng simpleng pantalon at black T-shirt.
Pagkatapos kong magbihis lumabas na agad ako ng dorm atsaka nag-simulang maglakad sa hallway.
Madami akong nakaka-sabay na ibang estudyante. And as usual pinag-titinginan parin nila ako.
Hindi ko naka-sabay sila Ella, baka nauna na doon dahil mas malapit ang dorm room nila sa exit door.
Agad naman akong naka-punta sa gymnasium. Malaki ito na parang soccer field. May malaki ding monitor sa tuktok nito.
Agad kong nakita sila Flame dahil kuma-kaway siya sa akin. Pumunta naman agad ako sa pwesto nila dahil may bakante pang isa doon.
" Good morning Thena!!" Masayang bati sa akin ni Flame at ni Jasmine. Tango lang ang isinagot ko sa pagbati nila.
" nga pala, dala mo ba yung weapon accessory mo?" Nakangiting tanong ni Jasmine sakin.
Umiling lang ako, dahil di ko naman talaga dala.Dahil naligo ako kaya nakalimutan ko nang suotin ulit.
"Hala! Kailangan mo yun. Ang laban ngayon ay physically. Hindi ka pwedeng gumamit ng powers mo, kundi weapon accessory lang."
Naghi-hysterical na sabi Flame. Kaya pala kami pinatawag dahil mag-kakaroon ng laban.
"Marunong ka bang lumaban physically?" Nag-aalalang tanong ni Jasmine sa akin.
"Yeah" walang ganang sagot ko. Remember guys, nag training ako for two months kay Demitria.
Akmang hihilahin ako ni Ashton ng iiwas ko ang balikat ko mula sa kamay niya.
"Ano na-naman bang problema mo?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Akmang kukunin niya ulit yung balikat ko ng iiwas ko ulit yun.
"What?! We need to go. We will get your weapon accessory." may halong inis narin na sabi niya.
"I can do it by myself. I don't need your help anyway." Naiiritang sabi ko.
"Bu-" hindi ko na siya pinatapos pa at nag-teleport na ako sa kwarto ko.
Pumasok agad ako sa restroom pagdating ko sa room. Nahanap ko din naman ang singsing ko dahil na sa may bukana lang ito.
Nag teleport din agad ako pabalik sa gym ng maisuot ko na ang singsing. Pagbalik ko ay saktong nagsasalita na si headmistress Kira.
"So, as I was saying we are doing this fight to know the top 10 best students here in fighting physically using their weapon accessories."
Nakangiting paliwanag ni hm. Tumahimik narin ang lahat. Naka-upo na ako dito sa lapit ni Flame. Bali nasa itaas namin ang mga boys.
"So now, we will start the fight. Ang unang laban ay bubuoin nina Alexis Ronalds at Luke Mendez."
"Ohh before we start the game, I will announce the reward of the winners. The top 6 and top 7 will have the title of king and queen of this academy. And the top 6 and 7 will be living with the royalties!"
Nakangiting paliwanag ni hm Kira. Agad naman naghiyawan ang lahat ng marinig ang reward na makikitira ang ma-nanalo sa mga royalties.
"Hay sana ako ang manalo!!" G1
"Hay nako pag-iigihan ko talaga. Para makasama ko ang royalties. Lalo na si prince Ashton kyahh!"
"Sorry girls. But I'm sure na ako ang mananalo rito." Nakangising sabi ng bruhang si Wanda.
"Wow cool na reward! Sana ako ang manalo para maka-sama ko ang mga princess" pa-cool na sabi ni B1.
"Si Luke Mendez ay anak ni hm Kira. Para lang malaman mo hehe." Parang kinakabahang sabi ni Flame. Tango lang ulit ang isinagot ko sa kanya.
Kaya pala may pagkaka-hawig sila ni hm. At Mendez pala ang apelyido niya.
Dalawang daggers ang weapon nung Luke samantalang isang modern bow and arrow naman dun sa Alexis.
Nag-simula na silang mag-laban. Kung titignan mo ay mukhang lamang na lamang yung Alexis dahil long-range weapon yung kanya.
Pero dahil sa bilis at stratehiya nung Luke Mendez ay mukhang natatalo pa siya.
Nakakapag-teleport yung Alexis samantalang invisibility naman ang kay Luke. Pero hindi niya ginagamit yun at lumalaban lang siya physically.
Tuloy-tuloy lang ang laban nila hanggang sa makalapit si Luke sa likuran ni Alexis. Agad niyang pinalo ang batok nito gamit ang dulo ng hawakan ng dagger niya.
Agad namang bumagsak yung Alexis atsaka nawalan ng malay. May mga lumapit na medics at kinuha si Alexis.
"And the winner is Mr. Mendez! Congratulations!" Nakangiting sabi ni Hm Kira na parang proud na proud siya sa anak.
Ngumiti naman ito ng pagkalapad-lapad ngunit hindi niya pinansin ang nanay niya. Parang meron silang away ni Headmistress.
Agad na nagtilian ang mga babae nang wasakin nito ang kanyang damit kaya lumitaw ang kanyang 6-pack abs.
Aaminin ko gwapo siya at maputi pero mas gwapo si Ashton para sakin. Wait! Did I just compare him with Ashton?! Uhh. What's happening to me?!
Tititigan ko pa sana siya ng may biglang nag-takip ng mga mata ko gamit ang kamay. At alam na alam kong si Ashton to.
"Tss. Pasikat! Mas gwapo at mas macho ako diyan babe! So stop staring at him, sakin lang." Naiiritang bulong ni Ashton sa akin ng mapansin na tinititigan ko kanina si Luke.
Agad ko namang inalis ang kamay niya sa mga mata ko. Atsaka tumingin ulit sa harap. Kaso lang wala na.
Wala na si Luke doon at iba na ang naglalaban. Syempre babae parin naman ako no kaya gusto ko makakita non. Minsan nga lang ako makakita non ehh sa t.v. pa. Kainis talaga! Sayang!
Agad akong tumingin sa likod atsaka tina-asan ng kilay si Ashton.
"Epal ka talaga ano! Sayang ang ganda na nung view kanina ehh. Epal ka kasi hmmp." naiinis na sabi ko sabay pingot sa tenga ni Ashton.
"Ouch! Fine gusto mo makakita non! Then come with me. Ipapakita ko sayo yung akin, pwede mo pang hawakan!"
Nakangising sabi ni Ashton at akmang hahawakan ako pero umiwas uli ako. Agad namula ang mukha ko ng mag sink- in sakin yung sinabi niya.
"Hahaha. You're blushing!" Nakangiting aniya. Agad kong iniwas ang mukha ko para di niya mapansin ang pamumula ko.
"Hindi ako namumula, mainit lang talaga dito." defensive na sabi ko sakanya.
"Ohh. You know what. This gymnasium is air conditioned. Tapos maiinitan ka pa." nakangising sabi niya. Medyo napahiya naman ako don.
Kung nagtataka kayo kung bakit walang ibang nakakarinig sa amin ay dahil maingay sa buong gym. Bakit kaya bang daldal ni Ashton ngayon? Nawawala tuloy ang pagiging cool ko.
"Ehh.. Teka nga ano bang pake mo. E sa naiinitan ako ehh." naiiritang sabi ko sa kanya. Narinig ko siyang tumawa pero mahina lang.
"Fine. Sabi mo ehh." nakangisi paring sabi niya. Ewan ko ba pero parang mas gwapo siya ngayon. O ako lang?
Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy nalang ang panonood sa laban sa gitna.
F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
DMarami na ang natapos at iilang studyante nalang ang natitira kasama na ako don at ang royalties. Ang leading ay si Luke Mendez.
" At ang next na mag-lalaban ay sina...
------------------------------------------------------
AN:
Pabitin effect muna para maganda. Haha😁😁😁
YOU ARE READING
MAGEA UTENTI ACADEMY: Birth Of The New Queen
Fantasyshe came from the mortal world. always being bullied. always feeling pain from her classmates and from her tita. She is a true mortal but a special one, a different one But when the right time comes, she'll transform herself to a Goddess beauty. ...