[Beth Harmond]
×××
Ku-Kuya?" Utal kong tawag sa kanya sapagkat damang dama ko na ang takot na bumabalot saakin.
Walang ano-anoy dumeretso lang siya sa pagpasok ng aming bahay. Agad siyang kumuha ng isang tuwalya at ginamit iyong pamunas sa kanyang basang katawan.
"Oh! Iho ano nanaman bang nangyari sayo?!" Alalang-alala na tanong ni Lolo kay kuya. "Nakipagbugbugan ka nanaman ba sa mga lasinggerong nasa kanto?" Sunod-sunod na tanong ni lolo na halatang naguguluhan na siya.
Imbis na sagutin ay hindi niya lang pinansin si lolo, bagkus ay bigla nalang niyang inagaw ang sana'y iinumin kong Milo!
Nagulat ako sa ginawa niya, pero hindi ko iyon pinakita. "Kuya, ano pong ginagawa mo dito?" I asked him in a concerned voice.
"Obviously, dito ako nakatira. Bakit? Gusto mo bang umalis nalang ako?" He answered rather in a brash way. I didn't mind that and continued talking to him in my calm voice.
"H--Hindi naman po sa ganun kuya. Alalang-alala na nga ho kami ni lolo sayo eh." Sabi ko. "K-Kamusta na nga pala si... ate Veronica?"
Natigilan si kuya sa sunod kong itinanong. Biglang tumalim ang kanyang titig. Nakatuoi ang kanyang bibig na pawa bang nagtitimpi. Nakakuyom ang isa niyang kamao. Walang sabi-sabi ay inihagis ni kuya ang tasang inagaw niya saakin. Tumama eto sa matigas na pader. Kalat-kalat ang mga bubog sa malinis na sahig. Ramdam ko ang pagkabog ng aking dibdib dahil sa kanyang inasal. Kahit si lolo ay nabigla. Ano ba ang nangyayari kay kuya? Ginalit ko ba siya?
"Ang babaeng yun!!!" Sigaw niya. "Walang hiya siya! Sinungaling siya! Sinungaling!!!"
Ganon na lamang ang gulat at pangamba namin ni lolo sa pagwala ni kuya sa buong bahay. Tinataob niya ang mga gamit. Nagsisisigaw.
Aaminin ko, takot na takot na ako sa ginagawa ni kuya. Parang hindi siya ang kaharap ko ngayon. Para siyang isang mabangis na hayop sa kagubatan na gustong kumawala sa kanyang kulungan.
"Kuya! Tama na!"
"SINUNGALING SIYA!!! MANLOLOKO!!!"
Sinubukan ko siyang lapitan upang pakalmahin, pero hindi parin siya matigil sa pagiging histerikal.
Wala na akong nagawa na iba pa. Mali na kung mali, pero eto lang ang paraan para maibalik siya sa katinuan. Ipinakawala ko ang aking palad at hinayaan ito na dumapo sa kanyang pisngi ng malakas. Natigilan si kuya, titig na titig siya sa aking mga mata.
Maya-maya lang ay nauwi ang kanyang pagwawala sa isang hagulgol na iyak, hanggang sa mapaupo na lamang siya sa sahig habang mariing sinasabunot ang kanyang buhok.
"T-tahan na kuya. Pasensya na." Magaan pero may kasamang utal kong sambit sa kanya habang haplos-haplos ang kanyang ulo.
I continued to comfort him, and asked why is he feeling this way. Pero maging kami ni lolo ay nagulat sa sunod na naisagot ni kuya.
"S--Si Veronica! Nagsinungaling siya! Hindi ako ang ama ng kanyang dinadala kundi si Jason!"
Parang nadurog ang aking puso. Bakit iyon magagawa ni ate Veronica? Hindi maaari!
Niloko lang nila ako Beth! Pinagmukha lang nila akong t*nga! Mga hayop sila!" Gigil na wika ni kuya habang nakayakap saakin.
"Shh...shh... tahan na kuya, tahan na." I lulled beside his ear.
Hindi kami makapaniwala ni lolo Bestfriend niya noon pa si kuya Jason, at si ate Veronica naman ay ang babaeng matagal na niyang minamahal, na sa pag-aakala namin ay nagsanhi ng bunga, pero kasinungalingan lang naman pala.
BINABASA MO ANG
Behind Crimson Scarlet
TerrorA group of people found themselves stranded on an island, where no one knows about its existing location. As the people stays, they soon finds out that, there is more to that island than what they thought for.
