[Beth Harmond]
~*~
"Andito na po ako!" Pagkapasok ko ng aming bahay ay agad akong dumeretso sa kung saan nakaupo ang aking lolo.
Nagmano ako sa kanya bilang sign ng pagrespeto at tsaka inilapag sa tabi ang kanina lang ay napulot kong poster.
Hindi ko alam kung bakit ko pa dinala iyon... siguro dahil curious lang talaga ako sa kung ano mang pinopromote ng nasa mismong poster.
"Oh iha! Kamusta ang pamamasyal mo?" Tanong sa akin ni lolo habang nakaupo lang sa uswal at paborito niyang upuan.
Bumuntong hininga muna bago sumagot. "Okay naman po. The place is good, the whole neighborhood is cool, and I think the people around here are still the same as usual." Aking pagpapahiwatig sa aking mga nakita't napuna mula sa pagpapasyal ko. "Plus, I met this girl, she introduced herself as Jhima, and she also seems nice, lo." Dagdag ko pa habang nakangiti.
Remembering the girl I just met made me think about her. Kahit papano naman nagawa kong maging komportable sa kanyang presensya even just for a little bit. Though, she looks familiar enough. And to be honest, I'm really having a hard time being comfortable with anyone. Ang weird lang kasi, hindi ako nakakaramdam ng kahit kaunting pagka-ilang doon sa babaeng nagpakilala bilang Jhima.
Throughout our conversation, may napapansin akong lalakeng nagmamantyag sa amin kanina. I can see him hiding behind the great oak tree na medyo may kalayuan lang sa mismong likuran ni Jhima. Pero hindi ko nalang pinansin yung lalake. Tingin ko kasi kapatid iyln ni Jhima. Their faces are matched, and he's probably just looking after her. At kung hindi ako nagkakamali, sila siguro ang magkapatid sa pamilyang Lalivero.
The town's full of secrets & urban legends. Not really your ordinary town, but not a unique one either.
"Lolo, gusto niyo po bang timplahan ko kayo ng kape?" Tanong ko kay lolo, na ngayo'y abalang-abala sa pagbabasa ng isang nobela.
Anong nobela iyon? Siguro "13 Reasons Why." Nang dahil kasi sakin ay nahawaan ko siyang magbasa. Atsaka, malinaw pa naman ang kanyang mga mata, kaya hinahayaan ko nalang muna. Para naman malibang-libang din siya.
"Sige lang apo, maraming salamat." Sagot naman ni lolo Howard saakin, ang kanyang maaliwalas na ngiti ay walang kupas padin.
Agad akong pumunta sa kusina at kumuha ng dalawang tasa. Isang kape para kay lolo at milo naman para sakin. Y'know? Just to beat energy gap?
***
Napapikit muna ako bago tuluyang magtempla ng kape at milo, sabay buntong hininga pa. Umiling-iling ang aking ulo nang maalala ko ang isang bagay na matagal ko nang gustong kalimutan.
Usually, kapag ginagawa ko ang bagay na ito, anim na tasa ang inihahanda ko. Isa para kay lolo, isa para sakin, at tig-iisa rin para kina mama, papa, ate at kuya.
But now... it's only me, kuya, and lolo.
Simula kasi nung tumungtong ako ng highschool, kami na lamang nina kuya at Lolo Howard ang natirang nakatira dito sa pamamahay ng mga Harmond.
My parents? Nevermind...
I'm just not in the fittest mood to talk about them right now...
To tell you this honestly, wala naman talaga ako parati sa mood kapag mga magulang ko na ang isinasali sa usapan. Hindi ako komportable. Problem child? Not exactly. Self-problematic, no. Familial status? You know the buzz to the answer.
BINABASA MO ANG
Behind Crimson Scarlet
HororA group of people found themselves stranded on an island, where no one knows about its existing location. As the people stays, they soon finds out that, there is more to that island than what they thought for.