[Jhima Lalivero]
~~~
"Oh goodmorning, fart-face! That's weird! Did you brush your teeth before coming in? 'Cause you smell totally homeless!"
Yun ang unang sumalubong sakin pagkalabas na pagkalabas ko sa classroom namin. That was Jessica. The campus sweetheart. But definitely out of sweetness!
Napabuntong hininga na lamang ako sabay iling-iling habang naglalakad sa kalagitnaan ng corridors palabas ng campus.
Haay! Ang bait niya noh? Talagang sa paglabas na paglabas ko, pagsasabihan niya pa rin ako ng mga magagandang salita!---Insert the sarcasm.
Tsk! Marami tuloy ang nagtawanan! Pero hindi ko na lamang sila pinagtuunan pa ng pansin. They're just some group of students seeking for my attention!
And, yeah! Fart Face. yan ang isa sa mga favorite na palayaw ng halos lahat ng mga estudyante dito sa akin, ever since nagtransfer ako sa eskwelahang ito. Ewan ko ba? Ako na ata ang tinaguriang "favorite target" ng mga bully dito eh! Maski nga personal background at pamamaraan ng pangungulangot ko inalam narin nila! Tsk! Hindi na makatao, noh? Di naman ako famous eh. Pero bat nila ako ginaganito?
+++
On my way, another hypocritical girl dumped over, with her hypocritical gang. No need to mention the name. She's not even important in my life anyways.
"Hey, Trashy-Jhima! Kailan ka babalik sa orihinal mong bahay? Balita ko, masaya raw dun! Maraming pagkain, overloaded ang mga gamit, at marami pang mga alagang hayop! Yun nga lang, puro daga! Eh diba, dun naman kayo nababagay? Sa dumpster?" Pang-iinis na sabi nung babae habang nagtatawanan sila ng kanyang mga kaibigan.
Napakuyom na lamang ako ng aking kamao at pinilit na pakalmahin ang sarili. Dedma lang ang inabot nila sakin habang tuloy-tuloy lang ako sa aking paglalakad. And finally! Nakalabas narin ako sa loob ng Hell-Oh-Like-University na yun!
Oh, well. Just another usual day filled with torment. Kahit kailan, hindi ko talaga naranasang gumising ng normal at ipagpatuloy ang aking araw na mapayapa at walang gulo na nagaganap.
People just keep on hitting me around! Not with stones, but with words thicker than any stones you can get! It's like, I'm some kind of a celebrity or something. Isang celebrity na nakagawa ng scandal, na kahit saan ka magpunta ay talagang ikaw ang gagawing talk of the town! Ang saya ng buhay ko diba? Sikat ako! Woohoo! I'm proud of that!---again with the sarcasm?
"Jhima!" Narinig ko ang pamilyar na busina ng isang kotse, coming from ahead. And by that, nakita ko rin ang isang pamilyar na lalakeng tumatawag sa aking pangalan habang kumakaway.
At least somehow, someone's making me smile for a bit.
"Oh, kamusta na ang araw mo? Nagkaroon ka ba ng mas maraming kaibigan?" Bati niya sakin pagkapasok ko sa kanyang kotse. Hessss. Friends daw.
I sighed and gave him a weak smile. "Eto, same routine lang naman. Papasok sa classroom, pagtitripan, pagtatawanan, gagawan ng chismis, and so on to the infinity of the moon! Same old days. Don't ask." Bored kong sagot sa kanya.
Nagtataka kayo kung sino siya? He is none other than Javi Lalivero. My older brother. Akala niyo boyfriend or something ko, noh? Tsk tsk. Kayo talaga! Napaghahalataan ang mapanghusga! He is twenty-five years old, seven years older than me. Big difference, right? But anyway, let me describe him as short as possible.
He's a type of guy every girl would dream of. Gwapo kasi; he has this kind of, seductive blue eyes, killer smile, manly height, fair skin as white as snow. Lahat ng magandang physical aspect, parang na-achieve na nya! But he's also the type of guy every girl would cry for! Bakit? He's not your typical man with a glistening chivalry within him. Bastos, malamig, playboy, suplado—halos lahat na ng negatibo, nasa kanya. Pero pagdating sa akin, kahit isa sa mga nakalista na negatibong pag-uugali sa kanya ay hindi mo makikita. In fact; he's REALLY nice towards me.
BINABASA MO ANG
Behind Crimson Scarlet
KorkuA group of people found themselves stranded on an island, where no one knows about its existing location. As the people stays, they soon finds out that, there is more to that island than what they thought for.
