5-The Past Nightmare

2.8K 50 0
                                    

(8 year's Ago)

"Oy! Xian! Bakit ba ako nilalandi ni Bakla ha? Lalaki kaya ako! Nakakadiri!" Pagmamaktol ng isang batang babae sa kaibigan niyang si Xian.

Ngumiti lang ang batang lalaki at inakbayan sya.

"Lalaki Ka man sa kanilang paningin.. Babae pa rin ang nais isigaw ng puso ko sakin" nagulat naman ang  batang babae sa sinabi ng kaniyang kaibigan kaya dali-dali nya intong sinabunutan sa buhok.

"ARAY! PHOEBE! MASAKIT! ARAY KO! BITAW NA!" pero hindi nya pa rin binibitawan ang buhok ng batang lalaki kaya mas hinila nya pa ito.

"ARAYYYY! PHOEBEEEE! PLEASEE! OUCH! TAMA NA! HINDI NA! SORRY!" bigla nitong sabi at saka nya ito binitawan kaya umatras ito palayo sa Kanya habang sapo-sapo ang uluhan nito.

"Yan ang nababagay sayo Xian! Nakakainis ka! Lalaki nga ako eh! Bakit ba Babae kayo ng babae! Nakakainis." Pagmamaktol ulot nito. At humaba ang nguso.

  Napangiti na lang ang batang lalaki sa iniiasal ng kanyang kaibigan.

"Babae ka naman kasi talaga. Dapat kung lalaki Ka dapat ganito ang mukha mo" at saka itinuro ng batang lalaki ang sariling mukha nya.

Humalagakpak naman sa tawa ang batang babae halos ayaw ng tumigil sa kakatawa.

"Anong nakakatawa?" Tanong ng batang lalaki sa batang babae. Saglit itong tumigil at nagpunas ng kakaunting luha sa kaniyang mga mata.

"Nakakatawa Ka kasi eh! Hahahah! Yung totoo Xian! Anong nakain mo? Hahahah!" Tumawa ulit ito.

Nakatingin lang ang batang lalaki sakanya at lihim itong nakangiti habang nakatitig sa magandang mukha nito.

WOLF SERIES 1: A Deadly Alpha Meet His LunaWhere stories live. Discover now