26- Rebel Vampire

1.8K 33 1
                                    

(Mga 10 chapter's na lang yata ang ilalagay ko guys.. Malapit lapit na din syang matapos eh.. Yun lang. And Thank you sa mga Unang nagbasa nito. Then Thank you again to your efforts guys to read my Story and who Vote my Story :) pagtapos nito may ipupublished akong bagong Series.. Which is Series 2.. WOLF SERIES 2: Her Bodyguard Is An Alpha. Chapter 10 na din naman yun eh. Then yun lang Advance Thank you and Thank you sa lahat lahat Guys ;) i Hope suportahan nyo ang Series 2 :* ito na itutuloy ko na :* SARANGHAEYO :))

--

Iniwan na ako ni Zack sa kwarto ko dahil may gagawin pa daw sya. It's Six in the Evening at nasa veranda pa din ako hanggang ngayon, nakatingin ako sa mga pack warriors na nasa baba at maraming ginagawa. Nakikita ko din ang mga batang naglalaro ng apoy.

Napaisip ako, bakit hindi man lang nila sinasabi sakin ang paghahanda na ginagawa nila? Grabehan kasi sila magsihanda eh.

Nahinto ang pag iisip ko ng may kumatok ng tatlong beses sa pinto ng kwarto ko. Tumalikod ako at dumeretso sa pinto. Ng buksan ko ito isang Pack Warrior ang nakita ko.

"Luna Selena.. Pinapatawag po kayo sa Bulwagan." Sabi nya.

"Amm.. Nandoon ba ang Alpha?" Tanong ko. Ayoko kasing banggitin ang Pangalan nya eh. Nasasaktan lang ako.

"Wala po Luna.. Kasa-kasama nya po ngayon si Alyana." Sagot nya sa tanong ko.

Napalunok na lang ako at marahang tumango. Hanggang ngayon magkasama pa din sila? Baka pati sa kama magkasama sila? Teka? Ano bang pakealam ko sa kanila?

"Papunta na ako." Isasara ko na sana ang pinto ng harangan nya ito ng kamay nya.

"Bakit?"

"Ngayon na po agad yun Luna. Wag na po kayo mag ayos. Sasamahan ko po kayong pumunta sa Bulwagan." Sabi nya. Kinuha ko na lang ang itim na Jacket sa maleta kong nasa gilid ng kama at lumabas na kasama ang isang Pack Warrior.

--

Pagkaliko namin sa kaliwang bahagi ay agad kong nakita malawak na bulwagan at ang pitong matataas na kawani na nakaupo sa kanyang kanyang upuan nakapaikot sila sa isang bilog na lamesa (pero hiwa-hiwalay sila at hindi tabi-tabi) Ng makita nila ako ay agad agad silang nagsitayuan at nagsiyukuan para sa pag galang.

"Nako! Wag nyo ng gawin yan! Ayos lang po." Sabi ko at bahagya silang natigilan at nagkatinginan sa isa't isa.

"Ayos lang yun Mahal na Luna.. May mataas kang tungkulin bilang kabiyak ng Alpha kaya kailangan kang Galangin kahit na kaming matataas na Kawani ng Teritoryo ni Alpha Marius." Sabi ng isa sa kanila. Napa yuko naman ako at napatango na lang. Pinaupo nila sa isang upuan sa likod ng isang malaking veranda na kitang kita ang buwan dahil nasa likod ko ito.

Umupo na din sila at tumitig silang nakatitig sakin

"Mahal na Luna, may alam po ba kayo sa mangyayari ngayong gabi?" Tanong ng isang lalaking nasa harap ko. Kitang kita ko ang iba't ibang mata nilang nagliliwanag sa dilim

"Ang mangyayari po ngayon? Ay.. Hindi ko po alam kung anong mangyayari ngayon eh." Sabi ko sa kanila. Agad silang nagulat sa biglaang pagtugon ko sa tanong ng isa sa kanila at nagsitinginan sila sa isa't isa.

"Kailangan namin bantayan ang bawat galaw mo Luna.. Hindi pwedeng malaman ng ibang Werewolf na ikaw na lang ang kaisa isang Werewolve na pwedeng magpatupad sa propesiya dahil mapapahamak tayong lahat. Pati na din ang Alpha." Mahabang sabi ng pinakamatanda sa kanila at nagsitayuan sila at nagsilabasan sa bulwagan na yun.

Dumaan sila sa madilim na Hallway sa kaliwang bahagi ng Teritoryo ng Alpha.

"Kailangan nating sabihin ito sa Alpha at sa mga Pack Warrior upang maiwasan ang biglaang digmaan kung mangyari man yun." Napatayo ako ng marinig ko ang mga salita na nanggagaling sa madilim na hallway. Dahan dahan akong sumilip at nakita kong naguusap silang lahat.

WOLF SERIES 1: A Deadly Alpha Meet His LunaWhere stories live. Discover now