28- LUNAR ECLIPSE

4.4K 91 41
                                    


U N - E D I T E D !!!

(Paintindi na lang guys Thank you!)

Kaunting oras na lang ang natitira. At matutupad na ang Propesiya. Nakalibing sa isang malalim na bangin ang Pinaka Pinuno ng mga Rebeldeng Bampira, Asong Lobo at iba pang creatures na hindi kayang sumunod sa kani-kanilang mga totoong pinuno. Nakatanaw lang sila sa babaeng nakahiga sa malaking bato, nakatali ang magkabilang kamay at hubo't hubad. Hindi na sila makapag hintay na muling mabuhay ang Pinunong matagal na nilang inaasam na Mabuhay dahil ito lamang ang magbibigay sa kanila ng kakaibang lakas.

At nangyari na.. Dahan dahang dumilim at lumakas ang hangin. Nagsimula ng magsalita ng ibang lingguwahe ang mga taong nakaroba na nakapalibot sa gilid nya. Nagsasalita ang mga ito at hindi nya iyon maintindihan.

Agad syang napabaling baling at parang isang makalas na pwersa ang biglang lumukob sa kanyang katawan. Dahan dahang lumalakas ang hangin at napapikit na sya ng mariin at malakas na sumigaw.

"AAAAHHHHH!" Isang sigaw na halos nagpasaya ng sobra sa mga rebeldeng nakakuha at nakakakita sa kanya ngayon. Agad nyang naramdaman ang init sa kanyang katawan na parang sinusunog ang kanyang mg laman. Napadilat sya at sa pagkakataong iyon. Lumabas ang totoong kulay ng kanyang mga mata.

A Red Voilet Eyes.

Napasigaw ulit sya at hindi na nya alam ang gagawin ng maramdaman nya ang Lobong nais kumawala sa kanya. Hindi nya maipaliwanag ang sakit na nadarama nya, dahan dahang humaba ang kanyang mga kuko sa kamay at paa, at ang mahahaba nyang Pangil ay nagsisimula ng lumabas.

Pero ang pinagbago lang, naging iba na ang kanyang mga mata, naghahalo ang mga mata nya sa tatlong kulay, kulay Pula, Asul, at Lila.

Napasigaw nanaman sya sa sakit dahilan para mas mapaliyad sya. Hindi na nya kayang ipagpatuloy pa ang nararamdaman nya ng sumigaw ulit sya.

Itinaas ng mga taong nakaroba ang kani-kanilang mga kamay at walang ano-ano'y hiniwaan nila ang kani-kanilang Kanang mga palad at tumulo ang dugo nito sa katawan ni Selena at malakas na binanggit ang mga wika na..

"ĒOWER BLŌD! BLŌD! IST THĒ ĀN UNTI ĀNLĪC CAĒG TŌ REISEN ONGĒAN ŪRE HLĀFORD!!!!"

Isang malakas na Kulog at Kidlat ang biglang paumailanlang sa madilim na kalangitan. Dumilim na at mas lalong nagwala ang katawang tao ni Selena. Siyang siya naman ang mga Rebeldeng mga Bampira at Asong Lobo na nakapalibot sa malaking bato na yun. Agad na nagliwanag ang batong hinihigaan ng dalaga. Hinawakan ng mga taong nakaroba ang kanyang dalawang kamay at kanyang dalawang paa. Tumirik na ang mga mata ng dalaga habang nagwawala ang katawan nya. Agad na hiniwaan sa palapulsuhan ang Dalaga at pinatulo sa nakaukit sa batong yun. Ng tumulo ang isang butil ng dugo sa kanyang palapulsuhan biglang lumiwanag ang batong iyon at mas lalong nagwala ang kanyang katawan. Sumigaw ng sumigaw ng dalaga habang liyad ito ng liyad.

Nagsilayuan ang mga taong nakaroba. Dahan dahang lumutang ang katawan ni Selena at doon na nakita kung anong nakaukit sa batong yun.

Isang simbolo ng isa sa mga mas malakas na Pinuno ng mga Werewolves. Isang LYCAN WEREWOLF Na naging isang Rebelde.

Nakalutang lang ang katawan ni Selena hanggang sa bumaba ang ukit na simbolo sa bangin. May usok na lumalabas sa katawan na Selena na pumupunta sa Bangin at paikot ikot ito. Dumami na ang mga ukit na ito sa isang malaking bangin. Kita na sa ilalim ng bangin ang libingan ng isang LYCAN WEREWOLVE.

Nadama ng mga Bampira na may paparating, nagsilingunan silang lahat pero ang mga taong nakaroba ay nanatiling sa kanilang kinatatayuan habang pinagmamasdan ang katawan ni Selena at lalo na ang bangin kung saan nakalibing ang kanilang pinuno.

WOLF SERIES 1: A Deadly Alpha Meet His LunaWhere stories live. Discover now