27- TRAITORS!!

1.8K 37 1
                                    


Napaiyak na sya habang nakatingin sa lalaking nasa harap nya, ang lalaking nagpasaya sa kanya ng kahit panandalian lang.. Pero para syang ginawang tanga ng lalaking nasa harap nya,

Inamin nito sa kanya na.. Werewolf din ito katulad nya, simula ng makita nya ito sa Library, ang araw na sinaktan ni Marius ang Puso nya, si Zack ang unang nagpawala ng sakit kahit kakaunti lamang..

Pero bakit ganun? Bakit lahat sila nagsisinungaling sa kanya? Ang una ang Lolo nya, ang Lolo nya na akala nya kakampi nya pero hindi naman pala, pangalawa ang lalaking Mahal nya.. Niloko at sinaktan sya nito na kahit labag man sa loob nya.. Pinilit nyang maging tanga para iparamdam pa din nito na kahit hindi sila magkasama ay Mahal na Mahal nya pa din ito pero hindi natinag ang lalaki. Sinaktan pa din nito ang puso nya lalo na't harap harapan pa.. Manhid na kung Manhid pero bakit ganun? At pangatlo ang lalaking nasa harap nya ngayon. Kahit sa kaunting panahon na kasama nya ito, pinasaya sya nito, inaalis nito ang mabigat na nakadagan sa dibdib nya..

But they all betrayed her.. They betrayed her from all the truth, bakit ganun na lang nila kadaling magsinungalinh mula sa kanya, he tears starting to fall no in her cheeks hind pa din sya makapaniwala na Bampira at hindi isang Taong Asong Lobo ang lalaking nasa harap nya.

Kitang kita nya ang Pula nitong mga mata habang nakatingin sa mga mata nya, ito pala ang nakita nya kanina.. Naging Bampira ito pero iniligtas pa din sya nito.

Mabilis ang biglang paglapit nito sa kanya. Hinawakan nito ang braso nya at walang kagatol gatol na bigla sya nitong hinagis na para lang syang papel kung ituturing.

Ilang puno ang nabali ng katawan nya hanggang sa bumagsak sya sa lupa.. Sobrang sakit ng katawan nya lalo na ang likudang bahagi nya, hindi nya alam kung bakit ganun ang ginwa nito sa kanya, hindi ba sya nito naalala? O nakikilala man lang

Tuluyan nanamang umagos ang mga luha nya hindi dahil sa takot kundi dahil sa ginagawa sa kanya ni Zack. Itinuring na nya itong kaibigan kahit saglit pa lang silang nagkakakilala.

"Wala akong kaibigang kagaya mo." Isang salitang nagbigay ng ilang ilang boltaheng kuryente sa buong katawan nya, at tila binuhasan sya ng isang baldeng malamig na tubig dahil sa lamig ng pagkakasabi nito sa tenga nya.

Napahikbi sya ng bigla nitong hablutin ang kanang braso nya naramdaman nya ang biglang pagbaon ng kuko nito sa kanyang balat para mapahikbi pa sya lalo.

"Tandaan mo. Wala akong Kaibigang Asong Lobo katulad mo" sabi nito sa kanya, kinuha nito ang leeg nya at walang pasubaling hinihagis nanaman sya nito. Makailang puno nanaman ang nabalian ng katawan nya hanggang sa bumangga ang likod nya sa katawan ng isang puno at malakas na bumagsak ang masakit nyang katawan sa lupa. Dahan dahan syang tumayo at hinawakan ang kanyang brasong may sugat dahil sa ginawa nito sa kanya.

Hinubad nya ang kanyang jacket hangga't hindi pa nadating si Zack. Itatali na sana nya ang braso nya ng hawakan ito ni Zack, na hindi nya alam kung saan nanggaling.

Agad diniinan ng lalaki ag pagkakahawak nito sa braso nya dahilan para mapasigaw sya sa sakit!

"Ahhh!" Sigaw nya. Kulang na lang ay baliin ni Zack ang braso nyang hawak hawak nito.

"Masakit ba ha? Masakit ba!?" Sigaw nito sa kanya pero mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman nya.

"Zack! Please! Bitawan mo ako!" Umiiyak na pagmamakaawa nito sa lalaki pero parang bingi lang ito habang nakatingin sa kanya dahil mas diniinan nito ang pagkakahawak sa braso nya, feeling nya ay ang dami dami ng dugong lumalabas sa braso nya.

Napasigaw nanaman sya sa sakit. Naaalala nya ang ngiting laging ibinibigay nito sa kanya, ang init ng yakap na lagi nitong pinapadama sa kanya. Dahan dahan nyang tinignan ang mga mata nito.

WOLF SERIES 1: A Deadly Alpha Meet His LunaWhere stories live. Discover now