Prologue

11 0 0
                                    


Nang makita ko ang eksenang yun, para akong pinag-babaril ng ilang beses. Namanhid ang dibdib ko at naiinis ako dahil hindi ko man lang magalaw ang mga paa ko. Para itong nakadikit sa sahig na kahit isang hakbang paatras ay di ko magawa. 

Kahit nasasaktan ako sa nakikita ko ay nakatitig lang ako sa kanilang dalawa.  habang ang babaeng yun ay yakap-yakap ang lalaking matagal ko nang minamahal.

Aamin na sana ako pero ito ang nadatnan ko.

Ito ba ang binigay na sign para tumatak na sa isipan ko na.. Wala talaga syang nararamdaman para sakin?

Siguro nga... 

Dahan-dahan akong umatras at bumaba ng hagdan para hindi nila ako maramdaman.
Nang makababa ng rooftop ay dire-diretso na ang takbo ko
Nakasalubong ko pa ang bestfriend ko at nabangga ko ang pinsan ko. Pero para bang nawalhan ako ng gana na bumalik pa para mag-sorry sa kanila dahil gusto ko tumakbo at mag-isa.  Hindi ko alam ang lugar na pinagdalhan ng paa ko
Naramdaman ko na lang na tumigil ako sa kakatakbo at duon tuluyan nang bumagsak ang aking luha.

"Dapat kasi hindi ka nagmahal ng gwapo ehh haha"  pagpapatawa ko sa sarili ko para maibsan ang sakit.

Pero bakit ganon? Lalo akong umiiyak?! Haha sobrang sakit pala talaga magmahal ngayon ko lang narealize!

Pero hindi naman to mangyayare kung hindi ko sya nakilala non!

Ang sakit!!!!!

"Yan ang mahirap sayo eh!! Assuming ka kasi!!!!???! "
Panenermon ko sa sarili ko.
Idinuro ko ang mukha ko gamit ang hintuturo ko.

"Ang laki mong tanga Alexis! "
Humagugol uli ako.

Tumingin ako sa paligid.
Nasa parke pala ako dahil may nakikita akong mga slides tapos duyan.dumampi sakin ang malamig na hangin, tumingin ako sa taas at Bumungad sakin ang madilim na langit. Nakikita ko ang buwan at ang mga bituin na nagsisilbing ilaw ko ngayon. Tumulo ulit ang luha ko nang maalala ang nangyare.

Bakit ba ko nagkakaganito?
Wala akong karapatan magselos dahil hindi ako yung girlfriend!

Ang sakit lang... Ang saklap

"Nandito ka lang pala... "
Nagulat ako sa taong lumapit sakin. Habol nya ang kanyang hininga at lumingon sa akin.  Hindi ko pa napupunasan ang mga luha ko. Ayoko pa naman na malaman nya na sya ang iniiyakan ko. Mas lalo akong magmumukhang tanga sa harapan nya.

At paano nya nalaman na nandito ako?

Gulat lang akong nakatitig sa kanya.nakita nya siguro na may luha ako kaya umupo sya at lumapit sakin. Tinignan nya ko sa mata ng may pagtataka. Umiwas nga ako ng tingin.. Nakakailang e.

"Bakit ka umiiyak?"

Nag-uumpisa na syang magtanong. Anong sasabihin ko?

"Uhhh... Napuwing" garalgal na sabi ko. Lumapit pa sya sa harapan ko kaya yumuko ako pero gamit ang kaliwang kamay, hinawakan nya ang baba ko at itinaas ito....

Naramdaman ko na namula ako nang magkatinginan kami. Naging seryoso ang mukha nya.

"Napuwing. "

Hindi patanong ang sinabi nya pero alam kong hindi sya naniniwala. Alam nya talaga na nagsisinungaling ako.

I stare blankly in him,
while tears came out of my eyes again. Feeling my heart breaking into pieces.

Ang kaninang seryosong niyang mukha ay napalitan ng pag- aalala.

"Hey, what's wrong? "
Pagtatanong nya ngunit hindi ako nagsalita.

"Nag-away nanaman ba mama at papa mo? Next time wag kang lalabas ng bahay lalo na sa gabi. Buti nalang tinanong ko pinsan mo at nalaman ko na lumabas ka.
Kaya lumabas din ako buti nakita lang agad kita. "

Pilit kong wag tumingin sa mga mata niya para hindi ko na isipin na may concern siya sa akin.. Siguro nga meron pero sa tingin ko hanggang friend concern lang sya...

Ang akala nya mama at papa ko ang dahilan. Hay, okay at least hindi nya malalaman.

Kung alam nya lang kung gaano ako nag-handa para umamin sa kanya tapos makikita ko sya na may kasamang Iba.

"Kanina mo pa ko di iniimik,
Magsalita ka naman"

Pinunasan niya yung luhang nasa pisngi ko na kina bigla ng puso ko at nag umpisa ulit itong tumibok ng mabilis.

"Aedrel.... "

Binigkas ko ang pangalan nya.

"Hmmmm? "

Pero hindi ko na kayang itago pa. Mas lalo lang akong masasaktan.... Malulungkot..
Aasa....

Yinakap ko sya ng sobrang higpit. At itinanday ko ang mukha ko sa balikat nya.
Alam kong nagulat sya sa ginawa ko dahil hindi agad sya nakagalaw.

"Alexis... Uwi na tayo"

"Ayoko"

"Hinahanap na tayo ---"

Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya. Parehas kaming gulat.

"Mahal kita"

A Secret Worth TellingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon