2: Boy hunting?

3 0 0
                                    

"Oy Alexis! Bumangon ka dyan maguumpisa na fellowship sa baba!"
Dinaganan ako ni Hazel na akala mo sobrang gaan.

"Mauna nalang kayo"

Walang gana kong sabi. Naiinis parin ako sa sarili ko na naiwan ko ang eyeglasses ko at sa halip ay pulbo ang dinampot ko. Ayokong bumaba dahil magmumukha akong bulag na nangangapa.

"Sobrang labo na ba talaga mata mo?"tanong nya ulet na hindi parin bumabangon sa likod ko.

"FYI, 300 po grado ko "

"Nandito naman kami ni joshua ah, aalalayan ka namin "

"Duhhh!!,ginagawa mo atang bulag si alexis!" Sabi naman ni joshua na kumakain sa di kalayuan.

"Tumahimik ka nga!!! Alalay lang naman ehh!....so ano? Tara na bes?"

Nagtalukbong ako ng kumot.ayokong bumaba na walang suot na salamin!

"Kayo nalang ni Joshua "

"Aiish!sige na! Bagot na bagot na ako! Gusto ko na makakita ng mga cuties!"

Napairap ako.walang ibang inisip ang babaeng to kundi lalaki!

"Sus! Buti sana kung magugustuhan ka nila!"-Joshua

"Talaga! Ganda ko kaya!"-Hazel

"Mama mo lang nagsabi nyan " natatawang sabi ni Joshua.

Hmmm.. ayoko sanang bumaba kaya lang naisip ko na hahanapin ako nila tita at magagalit yun kapag di nya ko makita. Baka isipin nun na sumama lang ako para mag lakwatsa.

Kaya naman bumangon nako at binuksan ang backpack ko para magpalit ng damit.hinayaan ko nalang si Hazel at Joshua na magbangayan dahil lalo lang ako maiinis...mahirap na.

Pero saan ako magbibihis? Walang cr ang kwarto nato at puro kagamitan lang ito na pang eskwela. Ayoko naman lumabas dahil di ko rin naman alam kung nasan mga cr dito.

Kaya naman pinatigil ko muna ang dalawa sa pag aasaran nila at baka magkatuluyan lang.joke! Pinabantay ko lang sa kanila yung dalawang pinto ng classroom habang nagbibihis ako,baka kasi biglang may pumasok at naka bold star ako.

Sa isang room kasi na ito sama-sama lahat ng mga youth ng marikina.youth!alam nyo naman yun diba? Lahat ng mga kabataan na tulad naming tatlo ay sama-sama sa kwarto na ito. Kaya lang bumaba na yung sampu at kaming tatlo nalang ang natira.

"Tapos ka na magbihis? " pagtatanong ni joshua na hindi inaalis ang tingin sa labas.naku subukan nya lang tumingin dito at dudukutin ko mata nya.

"Tch.wait lang naman!di ko pa nga nalulusot kamay ko oh!"

"Bilisan mo bes!! Ang bagal mo! Kanina pa kami nakatayo dito! " reklamo nya...sino pa ba? Edi yung babaeng mahilig sa cuties daw kuno.

*********
Nakababa na kami ng building at naglakad papalapit sa isa pang building kung saan ginaganap ang fellowship. Paniguradong aantukin ako neto dahil nag sesermon na sa harap ang pastor.
Good thing nakahanap kami ng upuan na pwede kami magtabi-tabi . Nasa gitna nga lang ako at baka mag-away ulit ang dalawa.pangalawa kami sa dulo at wala pang nakaupo sa likod siguro may iba pang hindi nakakarating.

Nakaupo na kaming tatlo .sa di kalayuan ay nakita ko sila tita sa kabilang row pero nasa gitna sila.

Tahimik kaming nakikinig sa harap nang bigla akong makaramdam ng antok.wala pa kaming isang oras dito bumabagsak na talukap ng mata ko.
Kinalabit ako ni Joshua at inalok nya ko ng snowbear na candy.

"Pampagising hahaha"

"Shhhh"
Napatingin kaming dalawa ni Joshua kay Hazel.

"Sus!! May pa shhh ka pang nalalaman eh hindi ka naman nakikinig! Tingnan mo yang mata mo kung saan saan nakatingin!" Pang-aasar ni Joshua sakanya.

A Secret Worth TellingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon