3:Biglaan?!

5 0 0
                                    

Nagkaroon kami ng konting Bonding bonding ni Ate abie.nagulat nga sya na hindi ko suot ang salamin ko at natawa sya ng sabihin kong nakalimutan ko sa bahay.hindi daw sya makapaniwala dahil yun nga daw ang lagi kong naaalala kahit saan ako magpunta.

Hindi lang naman si ate Abie ang nakapansin na hindi ko suot salamin ko. Halos lahat nga ng kakilala ko dito ay tumitingin sakin.kesyo mas mukha daw akong bata tignan kapag walang suot na salamin,kesyo mas bagay daw sakin walang salamin....hay para akong naging instant artista kahit sa loob ng kwarto namin eh tinititigan ako. Remember may sampu pa kaming kasama diba? Kaya ayun!

Promise! sa tanang buhay ko na nagsusuot ako ng salamin ay ngayon ko lang nakalimutan suotin!ngayon pa talaga!haiisht!

Tapos na yung fellowship kaninang  4:00 at 5:30 na ng hapon ngayon. naglibot-libot muna kaming tatlo at nakita namin ang iba na gumagawa ng tent.yung iba naman nag-iihaw.nakakagutom nga ehh..

Si Hazel walang ibang ginawa kundi ang magtitili pag may nakitang gwapo.
Na kinaiinis naman ni Joshua.

Hmmm...speaking of gwapo ? Hindi ko na sya nakita simula kaninang tanghali.sa likod parin naman nakapwesto mga kasama nya,pero wala sya.

Hindi ko na iyon makikita.sa lawak ba naman ng lugar na ito? Imposible!

Naisipan kong puntahan ang kwarto nila ate Abie.tinuro naman nya sakin yun nang magkausap kami kaninang tanghali.nandun kaya sya?baka nasa kwarto pa sya nila tita.nakakatuwa nga dahil nasa ibaba lang ng kwarto namin ang kwarto nila.bali nasa second floor sila kasi third floor yung amin eh.

Umakyat kaming tatlo sa ikalawang palapag ng building.

"Baka makaistorbo lang tayo? Hindi lang naman sila ang tao dyan!may kasama silang ka church mate nila!"
Sabi sakin ni Hazel.

Oo nga no? Pero sabi ni Ate Abie puro daw kasing edad namin kasama nila.sya daw kasi nagbabantay baka daw gumawa ng kalokohan.

"Puro naman daw kasing edad natin e.hindi yun nakakahiya "

"Hah?talaga bes? ....may mga boys ba?"
Napasapo nalang ako sa mukha.nakalimutan ko nga pala na si Hazel to.tch! Tch!

"Edi ibig sabihin nandito din yung chicks na nakita ko?naks naman! Destiny!" Papalakpak na sabi ni Joshua .

Pag-uumpugin ko sana tong dalawang to nang bigla akong may naalala. At pumasok agad sa utak ko ang katanungang....

'Ibig din bang sabihin nun eh nandito din sya?'

OMO!!!!

Ayyyy...kalma wooh kalma..

Napaka slow ko talaga! Kasama nga pala nila ate abie yung mga nasa likod namin kanina at isa na sya dun!

Agad bumilis tibok ng puso ko lalo na nang palapit kami ng palapit sa kwarto na tinutuluyan nila ate.

Nasa tapat na kami ng pinto.lahat ng pinto sa mga kwarto ay nakabukas maliban kena ate. Sarado na ito at tahimik na sa loob.nakasara din ang apat na bintana sa labas. Ang aga nila matulog kung ganun?

Kakatok na sana ako nang kusa na itong bumukas.ay hindi pala,may nagbukas kaya lalong kumabog puso ko.pero nahimas masan ako nang makitang si ate lang pala.

"Oh!Ehrigail! "

"Ahh hi ate, nakaabala ba kami?"
Tanong ko.
Tumawa naman sya.

"Hindi no!hahaha Pupunta nga dapat ako sa kwarto nyo kasi kakausapin kita e nandito ka naman lang kaya pumasok na kayo! Sa loob tayo mag-usap."

A Secret Worth TellingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon