" Ehrigail!! "
"Po? " sigaw ko malapit sa hagdan. Hala suklay dito toothbrush doon. Pulbo nalang kulang! Asan na ba yun?
"Bilisan mo kumilos! Anong oras na!!! Hindi ka parin tapos!!! "
Sa wakas nahanap ko rin ang pulbo. Hmmmm... Aish! Yung lipgloss ko!
"Opo.. Baba na po! "
"Ilang beses mo nang sinabi yan ehh!!!! Ang bagal mong kumilos jusko! "
Mamaya na nga lang ako mag aayos! Malelate na kami! Lagot ako neto kay tita.
Di bale sa loob nalang ako ng kotse mag aayos.Kinuha ko na ang backpack ko at saka bumaba ng hagdan. Lahat sila nakatingin sakin mukhang ako na lang ata hinihintay nila. Si tita naman napailing na napatingin sakin habang naka cross arms.
"Hehe. Tara na po? "
"Sure ka na wala kang naiwan? " tanong ni tita.
Tumingin ako sa mga dala ko. Lahat Naman nadala eh.
"Wala na po" sabi ko
Ano kaya yun?lagi na tuloy ako nagiisip kung may naiwan ba talaga ako.sana naman wala.
Lumabas na kami ng bahay at dumiretso sa loob ng van,pupunta nga pala kami sa antipolo meron kasing camping at fellowship na gaganapin doon. Kasama namin ang ibang churches kagaya ng Caloocan,taguig,angeles atbp.marikina naman ang church namin at pupunta kami ng antipolo dahil yun ang meeting place.born again kasi Ang religion namin at ginagawa namin ang fellowship para magkakilala lahat-lahat.ang pangit naman sa isang church kung hindi kayo magkakakilala diba?nagsisimba kayo tapos walang kibuan?
Pero eto palang ang una kong sama dahil naboboring ako lalo na kapag fellowship?hindi talaga ako sumasama
Napilitan lang ako ngayon dahil sa dalawa kong bestfriend. Di daw kami matatawag na Trikulets kung wala ako,
As if naman na makulit ako! Mga eng-eng talaga!Kahit konti lang kami sa loob ng van ay dito ako umupo sa pinaka dulo . Nasa harapan si tito dahil sya ang nagmamaneho at katabi nya si tita.
Sa gitna naman ay sina kuya vhon,at ate Marv na ngayon ay nagkakantahan.basag na nga po eardrums ko di pa kami nangangalahati sa byahe kainis!
Kaya ayoko tumabi sa kanila eh!"Ooooh Vercace on the flooooor!oohhhhwhoaahhhhhohhh take it out for me for meee for meee now girrrrl!--" Birit ni ate Marv
Susko napaka sintunado!
Sinabayan pa ni kuya vhon ng beatbox nya! Maganda naman ang pagkaka beat nya...kaya lang sablay si ate Marv hindi nakakasabay yung beat eh!
Tinakpan ko ang tenga ko ng earphones dahil sumakit ulo ko naknang!!
"Teka nga ! Teka nga!"
Napahinto sa pagbi-beat si kuya vhon dahil pinigilan sya ni ate marv....na ipinagtataka ko.
"Bakit?" Tanong ni kuya
"Sintunado beatbox mo!!ayusin mo naman!" Pagrereklamo ni ate marv sa kapatid nya.napakamot kamot nalang tuloy si kuya vhon at tumango na lang.
Hmp!sintunado daw! Bahala nga sila dyan! Makapag-patugtog na nga lang!Tumingin ako sa bintana at nakita kong pumapatak ang mga ulan.ang aga naman para umulan!may fellowship pa naman mamaya tapos maulan!kumanta kasi si ate marv eh
BINABASA MO ANG
A Secret Worth Telling
Teen Fiction"GUSTO KITA! " dalawang salita na hindi ko masabi-sabi sa harapan mo. Syam na letra na hindi mabigkas-bigkas ng bibig ko. Natatakot ako na mawala ka pero wala akong magawa para pigilan ka. At wala akong karapatan dahil hindi kita pagmamay-ari. Gust...