4: Masungit pala

5 0 0
                                    

9:30 na nang magising ako.nakapikit parin ako pero gising na ang diwa ko.
Konting inat sa kanan,inat sa kaliwa,
Kamot sa tyan...nakakagutom rin pala.

Naririnig ko ang maingay na telebisyon sa sala. Grabe naman mag movie marathon to si ate!napaka-aga !Ang lakas! Duon talaga ako nagising ehh !

Napakamot ako ng ulo. Nakapikit parin ako habang kinakapa bawat side ng hinihigaan ko.hmm,nasan na ba salamin ko? Patuloy parin ako sa pag-kapa nang may nahawakan akong mukha ng bata....ang lambot naman!

Ayy shet! Si Ethan!! Napabalikwas ako nang makita ko ang kamay kong nasa mukha nya.agad ko naman yun tinanggal dahil baka hindi makahinga.

Nasan na ba kasi salamin ko?

Tumayo ako at pumunta ng kusina para uminom ng tubig.

"Ate??"

Walang sumagot?nasan na yun?ah!baka nasa sala!

"Teh!?"

Inubos ko muna yung iniinom ko at tumawag uli ng isang beses.

"Tehh!? Wohhoo ! " wala talaga! Nasa sala yun malamang dahil ang lakas ng pinapanuod nya. Kitang tulog pa si Ethan ehh naku naman.

Habang dumadaan ako sa hallway papuntang sala ay nakita ko ang repleksyon ko sa isang gilid.

Naniningkit mata ko at gulo gulo buhok ko .malamang! Bagong gising eh! Nakapajama nga ko eh! Hahahah baliw nanaman ako.

Humakbang ako ng isa at muli akong napangiwi. Hinilot hilot ko ang tuhod ko.masakit parin pala staka para syang nagkabukol.

Mamaya ko na nga to papansinin.
Yung salamin ko ang mahalaga.

"Awoooohhh!!"
"Aaaaahhhhh!"
"Wooohh!sarap nang pagkahati!"

Huh? Horror ba pinapanood ni ate?
May sigawan eh!ang nakapag-tataka lang ...lalaki ang sumisigaw. Imposible namang si kuya Eric? Nasa trabaho na yun ah.

Sinara ko ang kwarto kung saan nakahiga si ethan. Totopakin to kapag Kulang ang tulog.

At dumiretso na ako ng sala.

***boooogggssshhh***

"Ahhh!!! Ang lupeet!"

"ATE ! Nakita mo ba salami----"

"Aaaahhhh multo!!"
"Shiiiit nasa likod mo Aedrel!"

Huh!?pinagsasabi ng mga to?

Lumaki mata ko nang makita kong hindi si Ate ang nanunuod.kundi tatlong lalaki.

"Multo sa likod ko?" Pagtatanong ng isang lalaking nakatalikod .tumango ang dalawa pang lalaki na gulat na gulat ng makita ako kanina. Kahit ako gulat!lalo na ng mapansin kong familiar silang lahat sakin at ang lalaking nakatalikod sakin ngayon.

Napatigil din ako sa kinatatayuan ko nang lumingon yung lalaking nakatalikod kanina.halatang gulat din sya ng makita ako!!

Shheeeemmayyy!

Agad akong pumasok ng kwarto . Hindi parin makapaniwala sa nakita ko.nananaginip ba ko? Bakit sila nandito sa bahay? Nasan si ate?

At ang nakakahiya pa, sabog ako nung makita nya ako! Baka nga may tuyong laway pa ko!kainis naman ohh!

Hooo!yung puso ko! Kalma lang! Baka magka-heart attack.....

BAKIT BA KASI SILA NANDITO!!!

Ayy oo nga pala.taga dito pala sila! Pero, kakauwi lang kagabi ah! Di ba sila napagod sa byahe?sa apat na oras na nakaupo ka? Paniguradong maga ang pwet mo! Di ba sila nagpahinga ?

A Secret Worth TellingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon