5: Goodbye For Now

3 0 0
                                    

Mabilis na dumaan ang ilang mga araw at sabado ngayon.bukas linggo na at uuwi na ako sa amin dahil new year na at malapit na ang pasukan.

Namasyal kami kanina nila Ate kasama ang mag-ama nya. Bumili rin ako ng pasalubong para sa dalawa kong baliw na bestfriends.napaka-sweet nga nila eh, tatawag sila para ipaalala yung pasalubong oh diba?

Nag foodtrip din kami pero this time nadagdagan na kami.kasama na namin yung tatlong lalaki.nag Ramen house kami dahil libre ni kuya Eric.

"Ang sarap ng Ramen nila ah! "

"Nakatatlong mangkok ka na nga eh! Hinay-hinay lang Jeth!" Natatawang sabi ni Jeremy sa kanya.

"Ikaw Alex? Gusto mo pa?"tanong ni Kuya Eric. Umiling ako.

"Busog nako kuya. Si Ate tanungin mo Mukhang gusto pa nya eh haha " sabi ko.

"Oo sweet! Gusto ko pa ! Order ka pa isa!"pag re-request ni ate.si kuya Eric naman napailing na tumingin sakin.

"Takaw ng pinsan mo Alex.laging butas bulsa ko dyan kapag kumakain kami eh " pagrereklamo nya sakin. Tumawa nalang ako.

"Hoy! Narinig ko yun ah! Eh ang liit ng mangkok eh! Nakakabitin!"sabi ni ate habang sinusubuan naman nya si Ethan na nakaupo sa tabi nya.

"Osya sige. " sabi ni kuya at lumakad na papuntang counter.sumunod naman na tumayo sina Jethro at si Jeremy na pupunta ng restroom. Hindi sila halatang close no? Pati papuntang restroom sabay sila.

"Ayt! Nakalimutan ko magpadag-dag ng drinks!wait lang ah? Dyan muna kayo " nakangiting sabi ni Ate at umalis na.

Kaming tatlo nalang ni Ethan at nung KATABI ko ang natira. Mainit parin ulo ko sa kanya sa totoo lang.

Tahimik lang kaming kumain nang biglang sumulpot si Ate.

Sabay kaming napatingin ni Aedrel sa kanya.si ate nakangisi nanaman sakin,lalo lumaki ngisi nya nang tignan nya katabi ko.

"Ahihihi,nakalimutan ko si Ethan. Dyan lang kayo ahh? Oy Aedrel! Bantayan mo si Alex ha?baka mawala hahaha" binuhat nya si Ethan at tuluyan nang pumunta kina kuya Eric. Hay! Kung di ko lang sya Pinsan malamang nakurot ko na yon gaya ng ginagawa ko kila Joshua.

Nakita ko naman ang pag-iling ni Aedrel at ayoko nang alamin kung bakit dahil baka sungitan lang ako ulit.

Hindi kami nagkibuan.dire-diretso lang ang kain ko mga bes.

"Paabot ng patis?" Huminto ako sa paghigop ng noodles.tumingin ako sakanya.himala at kinausap nya ko.

"Yung patis pakiabot."ulit nya. Ako naman hinanap si patis na nasa gilid ko .inabot ko yon .patis? Bakit may ganito dito? Linalagyan ba ng ganito yung ramen?

"Tch.tagal!amin na nga!" Pagrereklamo nya.wow!sya na nga tong nakikisuyo sya pang may ganang magmasungit!

"Oh eto na! Mag-intay ka! Kakakuha ko lang eh!"

Inabot ko sa kanya yung patis ng nakasimangot at kinuha naman nya iyon. Napapasimangot ako sa lalaking to talaga! Lalo lang tuloy ako nainis may ghaad! Aalis na ko bukas hindi na kita makikita tapos yan pa pinapakita mong ugali sakin!

Tinitignan ko yung ginawa nya sa patis. Langya tong lalaking to! Ramen linalagyan ng patis? Ano nang lasa non?

"Tingin tingin mo dyan?" At ayan nagsungit nanaman. Nakita nya kasi akong nakatingin.pasalamat talaga sya at mahaba pasensya ko grrr!

"Bakit mo linagyan ng patis? Maalat na yan." Kalmadong sabi ko kahit gusto ko na syang awayin.

"Pakielam mo ba? Matabang eh."
Tapos hinalo na nya yung Ramen para kumalat yung patis pagkatapos humigop na sya. Yiii! Corny ng taste nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Secret Worth TellingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon