Chapter 29 – The Organization
Criza (Ciel)
"Good afternoon everyone!" masayang bati ko nang madatnan ko ang pamilya ko sa dining room na nagmemeryenda.
"Good afternoon din, Princess," si Mom ang unang sumagot saka ako inalalayan paupo sa upuang katabi niya. Si Laquian ay katapat ko, habang si Dad ay nasa gitna namin.
"Kamusta? Balita ko nagbakasyon kayo ni Reeam," tanong ni Laquian.
"Ah, oo. Kaninang umaga lang kami nakauwi, tatlong araw din kaming nanatili doon," nakangiting sagot ko.
Hindi na kami lumabas ng treehouse sa last day namin. Nanatili na lang kami doon para magpahinga. Sinubukan ang jacuzzi, nag-take ng pictures, nagbiruan at nagkwentuhan. Nagpadala na lang rin kami ng pagkain doon kada oras ng pagkain. Hindi nakakabagot, dahil 'yong magandang view pa lang, maaaliw ka na.
Gaya ng sabi ko kanina, kaninang umaga lang rin kami nakauwi. Kaya tulog ako buong umaga at ngayong hapon lang bumangon. Hinatid niya ako, pinili kong huwag matulog sa byahe para samahan siya. Nagkantahan na lang kami para hindi antukin.
Hindi pa siya nagpaparamdam ngayon, siguro tulog pa o may inaasikaso. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may mga negosyo na siyang pinapatakbo.
"Ikaw, buti nandito ka? Dapat kasi dito ka na lang din tumira, para sama-sama na tayo," sabi ko naman kay Laquian.
"Araw-araw namin siyang pinipilit ng Dad mo na dito na tumira. Pero wala pa rin," malungkot na sabi ni Mom. Si Dad ay nakatingin at nakikinig lang sa usapan namin.
"Hmm? Hinihintay ko lang naman na si Princess mismo ang magsabi na dito na ako tumira," seryosong sabi naman ni Laquian.
"Ibig sabihin dito ka na titira?!" excited na tanong ko nang ma-realize ko ang sinabi niya.
"Yes,"
"Oh my goodness! Thank you, Princess, dahil napapayag mo ang Ate mo na dito na tumira," tuwang-tuwa na sabi ni Mom.
"Ipapaayos ko na ang magiging kwarto mo," sabat ni Dad.
"No problem. Pero bukas na ako lilipat dito. Aayusin ko muna ang mga gamit ko sa bahay pagkatapos nating mag-usap ngayon," dahil sa sinabi niyang 'yon, biglang naging seryoso ang atmosphere sa pagitan naming apat.
Dahil rin sa sinabi niyang 'yon, bumalik sa alaala ko ang huling sinabi ni Dad bago kami umalis ni Nique noong nakaraang araw.
"Mag-uusap tayo pag-uwi mo, Princess,"
Napakunot ang noo ko at napapikit kasabay ng pag-iling.
Bakit nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na 'yon? Masyado akong nadala sa sayang naramdaman ko mula sa bakasyon namin ni Nique. Pati na rin sa desisyon ni Laquian ngayon na dito na siya titira.
"Kumain na po muna tayo, saka po natin pag-usapan ang mga bagay na dapat pag-usapan," seryosong sabi ko pagkamulat ko ng aking mga mata, saka nagsimulang kumain kahit nawalan na ako ng gana.
Nandito kami ngayon sa office ni Dad. Ganito siya ka-dedicated sa trabaho niya kaya mayroon siyang sariling office dito sa bahay. Hindi kasi maiiwasang may naiuuwi siyang trabaho.
Dito kami mag-uusap ng mga bagay na dapat naming pag-usapan. May mini living room dito. Nasa mahabang sofa nakaupo si Dad, katabi niya sa Mom. Ako ay nakaupo sa single sofa sa harap nila. Si Laquian ay nakaupo sa single sofa rin sa gilid namin.
"Hindi pa ba tayo magsisimula?" pagbasag ni Laquian sa katahimikan. Ilang minuto na rin kasi ang nakakalipas magmula nong pumasok kami dito.
BINABASA MO ANG
BOOK I: Touch Her and You'll be Dead
ActionUNDER FINAL MAJOR REVISION Kasabay ng pagtatagpo nila ay ang simula ng kanilang pakikipaglaban. Sa una, magkasama pa silang lumalaban. Sa huli, sila na mismo ang maglalaban. Reeam Dominique Imperio Criza Louise Velmon ayemsiryus2018