Chapter 35 – The Abduction
Reeam (Nique)
Napahinto ako sa pagtakbo palabas ng building nang may humarang sa dinaraanan ko. Nang makita ko ang mga baril na hawak nila agad akong nagtago sa likod ng concrete post.
*RATATATATATAT*
"Shit," usal ko nang magsimula silang magpaputok habang pilit kong pinagkakasya ang sarili ko sa concrete post na pinagtataguan ko.
Nang humupa ang pagbaril nila, naramdaman kong may papalapit sa akin kaya sinalubong ko 'to. Agad kong hinawakan ang baril nito at binigyan ng malakas na sipa sa sikmura dahilan upang mapalayo siya at mabitiwan ang baril. Kinuha ko ang baril sa bewang ko saka siya binaril sa ulo.
"BARILIN NIYO!" sigaw ng isa sa kanila kaya agad akong nagtago muli sa concrete post. Ibinalik ko sa bewang ko ang baril na hawak ko at iniayos naman ang baril na nakuha ko mula sa lalaki.
*RATATATATATAT*
"Bahala na," usal ko saka nag-dive at nagpa-slide sa sahig habang binabaril pabalik ang mga armadong lalaki. Hindi nila inaasahan ang gagawin kong 'yon kaya wala sa akin ang tutok ng mga baril nila. Malaya ko silang nababaril hanggang sa lahat sila ay bumagsak na sa sahig. Agad kong itinapon ang baril. "Hmp!" usal ko nang mag-kip up ako saka muling tumakbo palabas ng building.
Tumigil ako sa pagtakbo nang makarating ako sa school grounds, nilibot ko ang paningin ko. Pilit naghahanap ng bakas ni Ciel. Pero hindi 'yon naging madali dahil napakagulo ng paligid. Nagkalat ang nagtatakbuhang mga estudyante, mga armadong lalaki at nakarating na rin ang sub-reapers. Para akong nasa gitna ng isang gyera. Kaliwa't kanan ang laban. Pinapainit ng tanawing 'to ang ulo ko. Ang eskwelahan ko... dito pa talaga nila nagawang manggulo!
"Ah!" ingit ko nang bumagsak ako sa sahig dahil sa tumamang bala sa braso ko. Inilibot ko ang tingin ko upang hanapin ang may gawa nito, pero wala akong makita. "Shit," nakalimutan kong may mga sniper na nakakalat sa paligid. Hindi ako pwedeng huminto sa pagkilos. Kung hindi magagawa na naman nila akong barilin. Kaya agad akong tumayo at muling tumakbo. Hindi ko ininda ang tama ko sa braso. Ang mas importante dito ay si Ciel!
Naramdaman kong muli ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ko.
Leeam calling...
"Babygirl, where are you?" tanong nito sa akin.
"Listen to me, Leeam. Gusto kong pumunta ka sa rooftop ng main building—,"
"Look, your school is a mess. What's happening? Nandito ako sa office mo, kararating ko lang. Pumunta ako dito dahil nagtawag ng sub-reapers si Marrette mula sa headquarters—,"
"That's the point. Phoebe is on the move again. That fucking lady! At gaya ng sinasabi ko, pumunta ka sa rooftop ng main building. Iniwan kong bukas ang secret storage doon. Gusto kong ikaw ang umasikaso sa mga sniper na nasa paligid. That shitheads are bothering me," utos ko habang tumatakbo pa rin.
BINABASA MO ANG
BOOK I: Touch Her and You'll be Dead
AkcjaUNDER FINAL MAJOR REVISION Kasabay ng pagtatagpo nila ay ang simula ng kanilang pakikipaglaban. Sa una, magkasama pa silang lumalaban. Sa huli, sila na mismo ang maglalaban. Reeam Dominique Imperio Criza Louise Velmon ayemsiryus2018