Chapter 36

2.3K 91 6
                                    

Chapter 36 – Their Plan

Danica

"Sinigurado mo bang walang nakasunod sa atin?!" singhal ko nang makarating kami sa base namin.

"Opo, Ma'am," sagot naman ng tauhan ko.

"Good," bumaba na ako mula sa sasakyan. "Ibaba niyo na siya at ipasok niyo sa kwarto," utos ko patungkol kay Criza. Naglakad na ako papunta sa main door at hindi ko pa man 'to nabubuksan, bumukas na 'to mula sa loob at sumalubong sa akin ang nanlilisik niyang mga mata.

"Anong ginawa mo?" bahagya pa akong nagulat dahil kilala ko siya bilang isang kalmadong tao at madalas wala ka ring makikitang emosyon sa kaniya pero iba ngayon. Hindi ko lang nakikita, nararamdaman ko pa ang galit niya. Nagtatangis ang mga ngipin niya sa galit, bahagya pang nanginginig ang labi niya at para akong sinasaksak ng nanlilisik niyang mga mata.

"A-ano bang sinasabi mo? Nakuha namin si Criza," medyo kinakabahang sagot ko.

"Hindi ba't sinabi kong huwag mong hahayaan na masaktan si Leeam?!" napaatras ako nang pasugod niyang sinabi 'yan sa akin.

Kumunot ang noo ko at bahagyang natawa. "That reminds me, bakit nga ba sinabi mo 'yan bago kami umalis?"

"Huwag mong ipasa sa akin ang pagsagot. Ikaw ang tinatanong ko, anong ginawa mo?!" napasinghap ako nang kuwelyuhan niya ako at idiin sa main door. "AKALA MO BA HINDI MAKAKARATING SA AKIN?!"

"Bitiwan mo ako—!"

"Bakit pinasabog mo ang mga kotse ng ganoon kalapit si Leeam?! Bakit pinili mong banggain ang sinasakyan niya?! BAKIT?!" saka niya ako pabatong binitiwan.

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. "Goddamn it! Ano bang nangyayari sa'yo?!" huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "Kung hindi ko pinasabog ang mga kotse sa ganoong distansya, hindi kami magkakaroon ng pagkakataon na makuha si Criza! Kung hindi ko pinabangga ang sinasakyan niya, hindi kami makakatakas! Ano bang gusto mong mangyari?! Ang masunod ang plano na makuha si Criza o masunod ang kagustuhan mong huwag masaktan ang Leeam na 'yon?!" dahil doon ay natahimik siya. "Ang dating ay parang pinoprotektahan mo pa ang babaeng 'yon! Baka nakakalimutan mong kapatid siya ni Reeam! Madadamay at madadamay talaga siya!" lumapit ako sa kaniya dahilan para magkaharap kami. "Ganiyan din ang ginawa mo noon sa simbahan. Nagbigay ka rin ng special instruction na huwag sasaktan si Leeam Dominique Imperio. Now, tell me. Ano bang mayroon sa babaeng 'yon?" ngayon bumalik na ang mukha niyang walang emosyon at seryoso akong tinititigan ngayon. "May gusto ka ba sa kaniya?"

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon