Chapter 12

3.9K 118 0
                                    

Chapter 12 – The Weapon Room

Criza (Ciel)

"Are you ready?" tanong ni Nique pagkasakay namin sa kotse niya. Sabado na naman, ibig sabihin, whole day ang training namin. Ang pinagkaiba lang ng araw na 'to sa mga nakalipas na linggo, sa weapon room na kami.

Hindi ko alam pero doble ang excitement na nararamdaman ko ngayon kumpara noong nasa fighting room pa lang kami. Siguro dahil madadagdagan na naman ang kaalaman ko, ang skills ko. Aminado akong mayroon din akong nararamdamang kaba pero lamang talaga ang pagkasabik. Gustong-gusto ko nang mahawakan ang mga gamit sa loob ng kwartong 'yon.

Lalo na ang baril.

"Yes, I'm ready," nakangiting sagot ko kay Nique. Nginitian niya rin muna ako bago paandarin ang kotse.

"Nasaan ang parents mo? Hindi ba sila nagtatanong?" maya-maya'y tanong niya.

"Hmm? Tanong tungkol saan?"

"Late ka nang umuuwi tuwing weekdays at wala ka sa bahay niyo tuwing Sabado. Hindi ba sila nagtataka?" bahagya pa siyang sumulyap sa akin.

"Ah, 'yon ba?" tumango siya bilang sagot. "Madalas ang nagiging pag-alis nila ngayon, at puro sa labas pa ng bansa. Tapos ilang araw bago sila umuwi. Kakauwi pa lang nila, aalis na naman," nakangusong kwento ko. "Wala na kaming bonding time," dagdag ko pa.

Narinig ko naman ang marahang pagtawa niya. "Para kang bata. Hindi sanay mahiwalay sa parents niya,"

Mas napanguso ako. "Aminado naman ako, at hindi ko talaga itatanggi 'yan. Nami-miss ko na sila. Kaya focus na lang din ako sa training natin para kahit papaano ma-divert 'yong attention ko,"

"That's good,"

"Iba kasi 'yong pagka-busy nila ngayon. Kung busy na sila dati, doble 'yong ngayon. Aish,"

"Baka... maraming magagandang offer or opportunity para sa negosyo niyo kaya mas tutok sila ngayon," napalingon ako sa kaniya.

"Talaga? Ganoon ba 'yon?"

"Well, ganoon kasi ang experience ko. Madalas kasi, ipinapasa sa akin ni Dad ang iba't-ibang business proposals na natatanggap namin. At kung talagang mahal mo ang negosyo mo, pag-aaralan mo bawat proposal na 'yon. Isang maling pirma kasi, malaki ang epekto non sa iniingatan mong negosyo," tatango-tango akong nakatingin sa kaniya habang bahagya pang nakanguso. "Minsan naman, personal na meeting pa kasama ang potential clients or business partners. Mahaba-habang discussion din 'yon hanggang sa magkasundo ang both parties. Sa ngayon, hindi pa ako huma-handle ng ganiyang cases. Bihira lang din ako mag-approve ng business proposals. Madalas naglalagay lang ako note or recommendation, then si Dad na ang bahala. Kasi kailangan talaga personal na pag-usapan 'yon," tutok pa rin ako sa pakikinig sa kaniya. "Kapag napagkasunduan na, pirmahan naman ng kontrata ang magaganap para maging official business partners kayo,"

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon