Chapter 21

2.7K 95 4
                                    

Chapter 21 – The Main Reapers

Criza (Ciel)

Mga wala sa sariling nagtititigan lang kaming dalawa. Pangiti-ngiti, seseryoso tapos mangingiti ulit. Oo, mukha na kaming ewan dito. Pero ang mga sandaling 'to ang pinakamasayang parte ng buhay ko.

Nasa loob ako ng Tahanan ng Diyos, kasama ang taong mahal ko. Taong mahal ko na kasasabi lang na mahal niya rin ako. Ngayon, totoo na 'to. Seryosohan na. Mayroon nang 'kami', mayroon na kaming 'pinanghahawakan' sa isa't isa. Ang Diyos pa ang naging saksi sa pangyayaring 'to. Ano pa bang mahihiling ko?

Wala na, wala na akong mahihiling pa.

Napatingin ako sa gilid ko nang maaninag ko sina Marrette at Leeam na tumulong sa akin para gawin 'to. Nakita kong pareho silang nakangiti habang tatango-tangong nakatingin sa amin ni Nique.

"Thank you," sambit ko ng walang boses, at alam akong naintindihan nila 'yon dahil nag-thumbs up pa sa akin si Marrette. Dahil doon ay napatingin na rin si Nique sa gawi nila at natawa, natawa rin tuloy si Marrette.

Si Marrette ang gumawa ng paraan para mapapunta si Nique dito, si Leeam naman ang nag-play ng piano kanina habang kumakanta ako. Samantala, ako ang nakaisip na dito sa simbahan 'to gawin, pati na rin ang kantang inialay ko para sa taong mahal ko.

Naputol ang pinakamasayang sandali ng buhay ko nang...

*BOOM*

Saktong paglingon ko kay Nique ay siyang pagsabog sa taas ng terrace na nasa likuran lang niya. Sa sobrang lakas ng impact ay halos matumba ako pero agad din niyang nasalo. Nang mapatingin ulit ako sa taas ng terrace, nanlaki ang mata ko nang makitang gumuguho ito at babagsak sa amin.

"CRIZA/DUDE!" narinig ko pang sigaw nina Leeam at Marrette bago ko ipikit ang mga mata ko at hinintay ang pagbagsak ng mga bato sa amin.

Pero imbis na 'yon ang maramdaman ko, naramdaman ko na bumagsak ako sa isang malambot na bagay, or should I say, tao. Kaya agad kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Nique.

"Ciel, nasaktan ka ba?" base sa posisyon namin, alam kong niyakap niya ako ng mahigpit at tumalon papalayo sa mga bumabagsak na bato. At imbis na ako ang nasa ilalim, hindi ko malaman kung paano niya nagawang maiiwas ang katawan ko at hayaan na ang katawan niya ang bumagsak sa sahig.

"Nique,"

"Umalis na tayo dito," at inalalayan niya akong tumayo. Ngunit pagtayo namin ang siyang pag-alingawngaw ng isang putok ng baril.

*BANG*

At nanlaki ang mata ko nang makita ko kung paano saluhin ni Nique ang balang dapat ay tatama sa akin, gamit lamang ang kaniyang kaliwang kamay. Sabay mabilis na hinugot ang baril sa kanang hita niya at pinaputukan ang kung sinumang bumaril kanina.

Paano niya nagawa 'yon? At bakit may dala siyang baril?

Nabibigla pa rin ako sa nakita ko nang maramdaman kong inaalalayan niya ako palakad.

"Natabunan ang pintuan dahil bumagsak ang terrace doon, saan kami lalabas?" narinig kong sabi niya, at hinawakan ang kung anumang nasa tenga niya. "Marrette—,"

BOOK I: Touch Her and You'll be DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon