8 - Mission

19.3K 534 56
                                    

Chapter Eight
Mission

Kasagaran ng pagdidiscuss ng professor naming ito na sobrang nakakaantok. Tanghaling tapat pa naman kaya sobrang sarap tulugan. Isip isip ko nga, ano bang gagawin ko? Magpaka-good student kaya ako o magpasaway? Tsk.

Last 15 minutes na lang at dismissal na pero itong si lolo prof aba at nagpaquiz pa. Badtrip. Gusto ko nang umuwi para masimulan na namin ni Kierre yung misyon naming hanapin ang nawawala kong puso. Ang gay pakinggan, tsk. At saka yung mahiwagang sombrero, hahanapin na rin namin.

"Pssst. Ed, anong sagot sa number 2. Ed." Pagtawag sakin ng pabulong nitong katabi ko. Si Quendrix. Nakita niya sigurong tuloy-tuloy ko lang sinagutan yung 20-item quiz. Akala ko pa naman matalino 'to. Kinuha ko yung papel niya at sinagutan. Nakakatamad magsenyas senyas.

Nang tumalikod si sir ay binigay ko rin agad sa kanya. Ngiting-ngiti naman ang loko. Tapos na ako at ipapasa na sana yung papel ko kaso pinigilan ako ni sir, sabay-sabay na daw. Kaleche, kating-kati na ako umuwi.

Ito namang babae sa harapan ko ay kumakamot sa ulo niya. Sinilip ko yung papel niya, hala nangangamote si Enikka. Tss. Yan kase, imbis na mag-aral nanggulo kagabi sa bahay.

Tumingin ako sa relo ko, 2 minutes na lang dismissal na. Yes! Pero itong si Enikka, hanggaang number 12 pa lang ang nasasagutan. Hindi ba marunong 'to mangopya o magtanong man lang sa katabi? Kaibigan naman niya lahat pero bakit nagsasariling-sikap siya? At bakit ko nga ba pinoproblema ang problema niya sa buhay. Tss.

"Pass your papers now. Class dismiss!" nagsiilawan na ang mga pundidong ilaw sa mga mata ko at nagmadaling ipasa yung papel, kinuha yung bag ko, at umalis na. Si Enikka nakaup-nevermind.

Nakalabas na ako ng room pero narinig ko ang bahagyang sigawan ng mga kaklase ko sa silid na pinanggalingan ko lang kanina. Napaatras ako. Aish, okay titignan ko lang kung anong nangyari.

Nanlaki ang mata ko. Nagcollapse si Enikka.

I was about to enter the room pero bigla akong nakaramdam ng panghihina. Tinignan ko ang pulso ko at mabilis na lumitaw at nagliwanag ang dalawang simbolo. Tinakpan ko agad ng kamay ko yung pulso ko sa kanan. Muntik nang may makakita.

Nanghina ako, pero bakit? May gumuhit sa chest part ko. Kakaibang pakiramdam. Nakita na kaya nila kami? Natanggalan na ba nila ako ng kapangyarihan? Ano bang nangyari.

Aligaga ang mga kaklase ko sa room. Binuhat ni Quendrix si Enikka at dinala nila ito palabas, papuntang clinic. Pati si sir Delmundo ay sumama na kaya naiwan ang mga gamit niya sa room.

Pumasok ako roon at kinuha muna ang papel ni Enikka. Kulang ang mga sagot. Sinagutan ko ito nang mabilis at isinama sa mga ipinasang papel kanina sa table saka ako dumiretso rin papuntang clinic.

Gustuhin ko mang pumasok sa loob pero hindi ko ginawa dahil sigurado akong crowded na doon. Sumandal ako sa pader at naghintay. Ano kayang nangyari kay Enikka? May sakit kaya siya?

Nagmuni-muni ako dito sa labas. Tinitigan kong muli yung pulso ko, bakit biglang lumitaw ang hallmark at emblem. Wag mong sabihing pangitain nanaman ito? Hindi naman ito ang unang beses na nanghina ako. Noon pa man nararanasan ko na ang ganitong panghihina. Nakakapagtaka. Ipinagpapalagay ko nga lang na bunga ng stress at pagod iyon pero this time, wala naman akong ginawang nakakapagod pero nanghina ako bigla. Nagbend pa ng kaunti yung tuhod ko, tila nanlambot na hindi ko maintindihan. At sa unang pagkakataon, lumitaw ng kanya yung mga simbolo sa pulso ko. Hmm, baka katandaan lang 'to. 149 years old na rin naman ako. At least forever young.

Lumabas na yung ilan kong kaklaseng sumama kay Quendrix at sir kanina. Huling lumabas si Quendrix.

"Oh Ed."

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon