Chapter Ten
ManliligawBuong pagbabike ko papunta kila Enikka ay tahimik lang kaming dalawa. Pero kahit ganun, alam kong lumuluha pa rin siya. Bukod sa alam ko ngayon ang naiisip niya, napansin ko rin ang patak ng mga luha sa bag niya.
Habang nagpepedal ako sa bike nagulantang ako sa napansin ko sa magkabilang gilid ng payapang kalsadang ito, nakalutang yung mga bato. What the fvck? Someone's definitely playing right now.
"Enikka, kumapit kang mabuti." Sabi ko sa kanya't binilisan ang pagtipa ko sa pedal ng bike. Natatakot ako hindi para sa sarili ko pero para kay Enikka. Dahil alam kong yang mga batong yan, at any time ay pupuntiryahin kami.
"Waaaaaahhhh!" sigaw ni Enikka nang inulan na kami ng mga bato. Natamaan rin ang gulong kaya natumba kaming dalawa.
Tumingala ako sa madilim na ulap at nakita ko ang mga nagliliparang... mga Drakkis kasama ang pinuno nilang si Betas. Napamura ako ng malutong.
"M-MonMon?" shit! Si Enikka nga pala. Hindi niya pwedeng makita ang mga nasa itaas. Itinayo ko muna siya't dinala ng mabilis sa tabi ng malaking bush. Tinakluban ko muna siya nung panyo ko. "T-Teka lang. Wag mong tatanggalin yan. May mga nambabato Enikka. Gang yata. Wag ka munang gagalaw. Wag mong tatanggalin yan."
Ikinumpas ko ang kamay ko't patatamaan sana ang mga hampaslupang kalaban pero naalala kong bawal akong sumambit ng spells. Lalo nila akong pupunteryahin, at mapapahamak si Enikka.
Bigla namang nagsalita ang pangit na si Betas. "DIAMOND GEMLACK SOVERTHELL!!! HA-HA-HA!!!" at kumislap ang maladugong kulay na mga mata nito. Sinugod ako ng mga alagad niya kaya napasalampak rin ako. Saka sila lumipad muli sa itaas. Unti-unti silang naglaho habang nangingibabaw ang malademonyong halakhak ni Betas. Umikot-ikot ang mga ito't bigla na ngang nawala. Sh*t. Alam na nila. At sa malamang ay si Betas rin siguro yung nagpalipad sa akin nung boomerang nung isang linggo. Peste.
Ang mga Drakkis ay mga mala-aninong nilalang sa Magique Fortress na katawang dragon at mga mukang halimaw. Literal na mukang halimaw. Marami silang kayang gawin-ang manghigop ng kaluluwa, mangain ng mga organs, or ang pinakamild na pagpatay lang. At ang pinuno nila, si Betas, ang pinakamalaki. Nakakatakot silang tignan. Sila ay nasa ilalim ng pangangalaga ng mga Black wizards, ng Gemlacks. I wonder, ano naman kayang balang pangkasa laban sa akin ng mga Soverthells. Nakakatouch talaga ang mga kauri ko. Imbis na iwelcome nila ako sa kanilang daigdig, hayun at nag-aaway away pa para lang mauna sakin. Ang ganda pa naman ng thought na pinag-aagawan ka. Pero in my case, pinag-aagawan nila ako para kanilang alipinin at gawing miserable ang buhay ko. How very thoughtful of them.
Nilapitan ko agad si Enikka. "Enikka, okay ka lang ba? Ayos ka lang ba? Saan masakit?" napansin ko bigla ang malaking gasgas sa kanang tuhod niya. "Enikka, you're wounded!!! Halika dali, gamutin natin yan. May panggamot ba kayo sa bahay? Come on." At tinulungan ko siyang tumayo.
"M-MonMon, ano yung mga lumilipad? Ayos lang ako, ayos lang ba ikaw?" hinawakan niya ako sa muka, hinuhuli yung mga mata ko, at sinisiyasat ang katawan ko kung may galos ba o ano.
"Okay lang ako. Halika na. Delikado dito."
Dahil nasira na yung bike ko ay idiniin kong buhatin na lang siya sa likod ko. Napakabigat ng babaeng ito. Grabe. Katamtaman naman siya pero ang bigat.
"Ang bigat mo ah." Pagbibiro ko sa kanya. Trying to lighten up the atmosphere.
"S-Sorry."
"Shhh. Ang tahimik mo kasi eh, di ako sanay." Humigpit pa ang yakap niya ibabaw ng mga balikat ko. And I don't know if it's just me pero parang uminit yung muka niyang nakadikit sa may tenga ko ngayon. Is she blushing again?
BINABASA MO ANG
A Heart's Antidote (Diamond Series #1)
FantasyHe doesn't have a heart. A literal heart. Not until one day... fate started doing experiment in their lives. Magic, spells, charms, and wizardry - will any of these help him? A search for a way, a journey for a purpose, and a tale of love. A Heart...