17 - Acceptance

16.7K 545 61
                                    

Chapter Seventeen
Acceptance

Nag-abang pa kaming tatlo ng ibang mga salitang mabubuo mula doon ngunit wala ng iba pa. Isa iyong sagot na puno pa rin ng mga katanungan.

"'Yan lang?" ani Lin.

"Anak ng kalapating uwak! Mapiprito ko talaga 'yung gansang 'yun 'pag nakabalik akong Fortress! Alam niyo ba ang hirap na pinagdaanan ko makarating lang sa kinaroroonan ng Golden Goose na 'yan?" makadamdaming sabi ni Kierre na nakahawak pa sa dibdib niya at ang muka'y parang nasa isang acting workshop na nagsasanay ng pag-arte. Sa lagay niya, para siyang isang palaboy na kinawawa-madungis, sira-sira ang damit, gulo ang buhok, at parang nabugahan ng itim na usok. Boy version rin ni Sisa, pwede.

"Shh. 'Di kami interesado. Nag-iisip ako." Pangbubwisit niya kay Kierre.

"Hindi! Hindi ako papayag na hindi niyo alam ang nangyari sa'kin! Hindi ako papayag!!!" humawak pa siya sa ulo niya't pailing-iling na parang malapit-lapit nang mabaliw. Ano nga bang nangyari't ganyan ang kinahinatnan niya?

Lumapit ako sa kanya't hinawakan sa magkabilang balikat. "Huminahon ka muna Kierre. Inhale, exhale. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa'yo o matatawa. Lin, kunin mo nga 'yung camera. Kelangan may remembrance tayong minsan nang naging gusgusin itong si Kierre."

"Dia naman! Pambihira! Nagpakasasa ako sa sakripisyo doon tapos..."

"Joke lang! 'To naman. Syempre nangingibabaw ang pasasalamat ko sa GG ko diba? Pero bago pa tayo magdrama dito, umupo ka muna. Saka mo ikwento sa'min." Pagkalma ko sa kanya. Kung sisiyasatin kasi ng maiigi si Kierre, mababagtas mo sa kanya ang pagod at stress.

Kailangang maging attentive listener kami. Hindi sa gusto kong pakinggan lang ang saloobin ni Kierre, gusto ko rin kasing malaman kung ano nga ba ang nangyari. Kung matatandaan ko, isang linggo yata siyang nawala.

Nagsimula na siyang magkwento. "Ayon sa mapang binigay ni Sefrie-."

"'Yung Fire Faerie?" pagsingit ni Lin.

"Oo, 'yung first love ko."

"Tss. Tuloy na!" Kailangan talagang ikabit 'yung pagiging first love niya kay Sefrie?

"Matatagpuan raw ang Golden Goose sa isang lake sa Crystal Falls. Tinungo ko iyon, akala ko'y magiging madali lang pero nagkamali ako. Ang Reverse Lake ay nasa Depth Whirl."

"Hala! Mahirap makalagpas doon ah? Unless water creature ka."

"Kaya nga. Tapos ang Depth Whirl pa ay ang huling destination sa Crystal Falls. Paikot ang mga yamang-tubig. Unang layer ang dagat, sunod paloob ang ilog, tapos isang lawa, tapos sa gitna, 'yung falls. Parang target circle ang itsura. At 'yung Depth Whirl, nasa loob ng talon. Sa tuktok pa naman non nakatira si Gwen, ang Water Naiad, kaya kitang-kita niya ang lahat na magsusubok pumasok."

"Parang ayoko nang marinig pa ang kwento mo. Baka mamaya, kaya pala sira-sira 'yang damit mo ay dahil sa mga mermaids, o di kaya nakipagsagupaan ka pa water dragon. Hindi ko kakayanin." Paghawak ko pa sa dibdib ko, pang-asar lang.

"Neknek mo Dia! Makinig ka. Gusto kitang konsensyahin kaya ko 'to kinukwento." Aangal pa sana ako pero nagpatuloy na siya. "Ang nangyari, bumalik ako sa Crimson para humingi ng tulong kay Sefrie. Yaman lang din namang bestfriend niya si Gwen, sinamahan niya ako sa boundary ng Crimson at Crystal. Kinausap niya si Gwen na patawirin ako. Kaya 'yun nakarating ako sa Depth Whirl ng walang kahirap-hirap."

"Hay nako, nag-aksaya lang tayo ng oras pakikini-."

"Hindi pa kasi tapos. Pagkarating ko doon, wala akong choice kundi tumalon sa Depth na paikot-ikot. Halos makapusan ako ng hininga sa pagkalunod."

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon