12 - Magic Dimension

19.3K 531 38
                                    

Chapter Twelve
Magic Dimension

Gate of Stones.

Nandito na kaming muli ni Kierre. Bago kami pumarito'y pinaghandaan na namin ang pagharap sa bwisit na si Betas. Yung libro ni Blaite, yung wand, Soverlace, at Ringlack lang. Pati na rin yung iba pa naming kailangan. Pero kung iisipin, kahit pa labanan nila ako, useless. Hindi ako namamatay. Ang kampante lang sa pakiramdam. Humanda ka Betas, maling-maling kinalaban mo ako.

Gaya ng dati, I muted myself and Kierre para walang tunog kaming malilikha, maglakad man kami o magsalita. Nakalampas kami sa higateng ito, at muli sinalubong kami ng nakakasulasok na hangin ng Lawa ng Lason. Sa aking immortal, walang kaso yan sakin, pero kay Kierre meron. Alam naming dalawa na as long as buhay ako, hindi rin siya mamamatay. Pero it doesn't mean na hindi siya makakaramdam ng sakit gaya ng pagkalason, kaya hindi assurance na mananatili pa rin siyang malakas. Habang buhay ako, buhay din siya pero hindi ibig sabihin na malakas pa siya lagi. Tulad halimbawa, pag nalason si Kierre, maaaring ilang araw o linggo siyang nakaratay. Yun lang ang pagkakaiba namin. Ako, buhay at laging malakas. Manghina man ako pero panandalian lang. Hindi rin ako nagkakasakit. Kapag nasusugatan man ako, naghihilom agad. Unlike Kierre, nararanasan niya pa lahat kaya naman pinagplanuhan na namin kung pano siya ligtas na makakatawid sa Lawa ng Lason.

Bago pa man kami tumalon sa balon o sa portal, binalutan ko na siya ng panangga. Nasa loob kami ngayon ng isang transparent na bula na hindi natitinag ng kahit ano. Batuhin man ng bato, ilagay man sa lason, tusukin man o ano, hindi mabubutas. Kaya sa pagkakataong ito, ligtas na makakatawid si Kierre at ligtas na rin ang katawan kong masunog. Hindi na nakakawala ng kagwapuhan.

Nakatawid kami nang payapa sa lawa at narating na namin ang bukana. Lumabas na kami sa bula.

"This is it. Isuot mo na yung salamin." Gaya ng sinabi ni Kierre, sinuot ko na yung salamin. Sa madaling salita, ito ang magiging disguise ko. Sigurado kasi kaming wanted ang pagmumuka ko dito sa Fortress. Habang soot ko itong salamin, ang sinumang tumingin sa akin ay hindi ang totoong muka ko ang makikita.

Nakita kong nagtawa si Kierre.

"Oh bakit?" Tawa pa rin siya nang tawa. Ano bang pinagtatawanan nito? "Ano ba Kierre?"

"Wala wala. Tara na." sabi niyang nagpipigil pa rin ng tawa. Papasok na sana siya sa transparent walls nang pigilan ko't sinoot ko sa kanya yung salamin.

"Uy Dia!" Ay anak ng! Kaya naman pala tawa siya nang tawa sakin. Kapag soot pala yung salamin na yun, magmumuka kang ermitanyo. Bwisit.

Binalik niya sakin ang salamin. "Pagtiyagaan mo na lang. Hahaha! Ingatan mo ring wag matatanggal sayo yan. Handa ka na ba?" tumango ako sa kanya.

Huminga ako nang malalim. Unang beses kong makakapasok dito... sa aking tahanan.

I was in awe nang makita kong nakaapak kami sa ulap. Natatanaw ko na rin sa malayo ang dalawang kaharian na parehong nakalutang. Isang puting kumikinang at isang itim na napalilibutan ng nakakatindig balahibong fog. Ang White Kingdom at Black Realm. Magkalayo ang dalawang kaharian at napansin ko rin ang nagsisilbing boundary ng dalawa. Ang araw sa White Kingdom, at ang buwan naman sa Black Realm. Ang araw at buwan ay magkadikit. Sa kaliwa'y maliwanag, sa kanan ko nama'y madilim. Ngunit ang buong Fortress ay napalilibutan ng napakaraming bituin. Napakaganda pala ng aking tahanan.

"Ang ganda no? But not as healthy as before."

"What do you mean?"

"Nakikita mo yung mga damo doon sa pinakababa, ayun oh, dati purong-puro ang pagkakulay luntian niyan, ngayon parang wala nang buhay. Pansin ko rin ang sobrang pagkapayapa dito. Noon? Hindi nawawalan ng pixies, sprites, at iba pang creatures na lumilipad-lipad sa paligid. Pero ngayon, tignan mo, walang-wala. Mistulang may curfew ata sila." Napapailing na lang si Kierre. "Malaki na talaga ang pinagbago. Marahil ay dahil sa away ng dalawang kaharian. Kaya lahat dito sa Fortress ay naapektuhan. Tara na?"

A Heart's Antidote (Diamond Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon