Chapter Nineteen
The OwnerSa tagal ng lumipas na panahon, bakit ngayon ko lang ito napagtanto?
Nang sinabi ko kay Enikkang mahal ko siya, bigla kong nakitang nabalot ng hiwaga ang nasa loob ng dibdib niya-'yung puso niya parang lumiwanag na maihahalintulad ko sa liwanag sa pulso ko. Maging ang loob ng dibdib ko'y may aurang pumalibot at talagang nasaksihan ko ang koneksyon ng hiwagang iyon sa aming dalawa. Ako lang ang nakakita ng mga 'yon. Nakatingin lang sa'kin si Eni kaya bago pa niya mahalatang may napansin ako'y niyakap ko na lang siyang muli.
Habang nagdadrive ako pabalik ng condo pagkahatid kay Enikka'y hindi 'yon mawala-wala sa isip ko. Nakita ko ang puso niyang may dalawang marka. Ang mga marka ko.
Enikka has my heart all along.
Pagkarating ko sa condo'y napili kong 'wag na lang munang sabihin sa dalawa. Tutal palagay ko'y tulog na rin sila dahil dis-oras na ng gabi.
Wala na rin namang silbi pa. Masaya na ako sa lagay namin ngayon. 'Yung pakiramdam na may mahal ka at mahal ka rin. And that's what matters. Nothing else.
Masaya rin akong malaman na nasa kanya ang puso ko dahil kung nagkataong nasa iba pala, gugustuhin ko ring na kay Enikka na lang sana. Nakakatawang isipin dahil ang engot ko. Dapat pala'y sinilip ko na noon 'yung puso niya. Pero sabi nga nila, all things fall into the right time.
***
Kinabukasa'y nagpunta kami ni Eni sa mall. Ito ang unang pagkakataong nagpunta kaming mall. Naglaro kami, kumain, nagkaraoke, at binilhan ko siya ng headband.
"Ayan, para hindi na humaharang 'yang bangs mo."
"Ayaw mo ba sa bangs ko?"
"Ayokong natatakpan ang muka mo. Gusto ko malinaw kong nakikita lagi ang muka mo."
Napansin ko naman ang pagblush niya't pagnguso. "Siguro ganyan ka rin kasweet dati sa mga naging girlfriend mo 'no?"
"Wala akong nun. Ikaw lang. Saka never akong naging sweet, ngayon lang." Napansin ko naman ang pagkagulat niya.
"HUWEH! Ang tanda-tanda mo na kaya tapos first-timer ka?" aba't nang-asar pa!
"Grabe! Parang gurang na ako ah! Tss. Lika na uwi na tayo." Saka ako biglang tumalikod.
Bigla naman siyang humawak sa dulo ng shirt ko. "Hala sorry na. Pero, diba matanda ka na talaga? Naiisip ko nga kung Lolo Baby o Daddy Baby ang itatawag ko sa'yo eh." Saka pa siya tumawa.
"Ahh ganon? Inaasar mo ako?" lumapit ako sa muka niya't dinikit ang ilong ko sa ilong niya. Lalong namula ang muka niya.
I'm thinking of kissing her pero pinigilan ko muna. Lumayo na ako't kinuha 'yung kamay niyang nakahawak sa t-shirt ko. "This hand should be holding this." At pinagsalikop ko ang mga kamay namin.
"At dahil bad girl ka, bibitinin muna kita." Saka ako ngumuso at kumindat. Hindi ko alam kung sino ba ang mas kinikilig sa'min-ako o siya. Well, mas expressive ang mga babae 'pag kinikilig. Ang guys, sa loob lang ang explosion ng kilig. Hangga't maaari hindi namin ganoon ka-ipinapakita.
Bumili muna kami ng J.Co Donuts bago umalis. Pampasalubong kina Kierre. Baka wala na silang makain dun at maisipan nilang kainin na ang isa't isa, mahirap na. Oh dammit! When did I learn to have a dirty mind?
Pagkarating naman nami'y wala kaming kababalaghang naabutan. Nanonood lang 'yung dalawa sa sala ng, kung 'di ako nagkakamali'y, Harry Potter and the Chamber of Secrets. Kumpleto ko kasi ang series. Marahil ay nagmu-movie marathon 'tong dalawa. Pinagsaluhan namin ang pagkai't nakinood na rin kami ni Eni.
BINABASA MO ANG
A Heart's Antidote (Diamond Series #1)
FantasyHe doesn't have a heart. A literal heart. Not until one day... fate started doing experiment in their lives. Magic, spells, charms, and wizardry - will any of these help him? A search for a way, a journey for a purpose, and a tale of love. A Heart...