To my the one that got away ✋😔
Sa buhay natin may kanya kanya tayong pananaw . Yung iba pag mahal natin ipaglalaban natin yung iba naman pag mahal mo babalikan mo . Sa akin kasi pag mahal mo at hindi na siya masaya palalayain mo na . Sa totoo lang kaya ko naman siyang ipag laban kaso hindi ko nga lang kayang ipanalo . Lalo na siya na yung unang lumayo wala man lang paalam . Pero dahil dun na kaya ko ng ako na lang at wala ng ikaw nung una mahirap masakit nakakamiss . Mahirap kasing iwasan ka ng walang dahilan wala ka ding nagawa diba .Nakakapagod mag isip ng dahilan kung ano yun lalo wala naman talaga . Nakakapagod umiyak gabi gabi sa pag kamiss sayo . Kaya ko naman lahat yun hindi ko na nga lang kinaya eh nung nasabihan na ako ng mga tao sa paligid ko na "ang tanga mo naman hindi ka na nga pinapansin eh" "Ang bobo mo iwan mo na yan" Hindi ako yung may kasalanan pero bakit ako yung sinasabihan . Kinaya ko pa naman kahit papaano kahit sawa na yung mga kaibigan ko sa mga kwento ko tungkol sayo sawa na yung mga nasa paligid ko sa pangalan mo na nag mumula sa labi ko . Ang nag pasuko sa akin eh ang katotohanan na hindi ka na masaya na ayaw mo na halata na naman diba ? Nag mag mamanhid manhidan lang ako kasi mahal kita at hindi ko kayang wala ka sa tabi ko dahil sinanay mo kong nandyan ka lagi . Pero sa nangyari nasanay na ulit akong wala ka na . At ngayon bibitawan na kita salamat sa saya mahal ko . Ako pa rin naman yung no.1 fan mo na susuporta sa pag sasayaw mo . Naniniwala ako na nakakapag tapos ka kasabay ng pagkilala sayo ng mga tao . Isa ako sa mga nag titiwala sayo na kaya mo isa ako sa pinakamasaya na makita kang umakyat ng entablado . Nandito pa rin ako hindi na nga lang bilang girlfriend mo bilang bestfriend mo na nakilala mo nung una sa panahong hindi pa tayo nag sisimula . Mahal kita at lagi kang may espesiyal na lugar sa puso ko . Isang tawag mo lang nandito lang ako para sayo . Pasensya ka na mahal at kaya ko ng mag isa na kahit wala ka .
Ps. Kaya the one that got away yung tittle kasi umalis siya ng walang paalam siguro wala na talaga siyang balak bumalik