"Walang Nasimulan pero may kataposan"

3 0 0
                                    

"Walang Nasimulan Pero May Katapusan"

Mahirap humawak ng mga bagay na hindi mo hawak.
Na tanging sa imahinasyon mo lamang ito'y nakatatak.
Nangarap na magkameron ng salitang "TAYO",
Sa pamamagitan ng ikaw at ako.
Ngunit lahat ng ito'y naging malabo.
Nang mapagtanto kung ano nga ba ang nararamdaman para sayo.
At ako'y napako mula sa dulo ng pag-ibig ng kwentong ito .

Pag-ibig na mag-isa kung tinahak.
Kahit ang puso'y unti-unting nawarak.
Naging bunga ng araw-araw na pag-iyak.
Binalot ang aking isipan ng mga katanungan.
Katanungan na dapat bang ikaw ay akin pang mahalin?
Kahit alam kung ikaw ay hindi namam sa akin.
Damdamin mo noong ubod ng saya,
Mahal saan na nga ba napunta?

Gusto ko bumalik sa umpisa.
Sa kung paano tayo nagkakilala.
Kung saan pinakinggan mo lahat ng aking drama.
Ang mga ligaya 'ay kita sa ating mga mata.
Sa mga labi ay kita ang saya.
At ngayon sa aking mga mata ay isa na lamang ang nakikita.
Sakit at luha.
Nagbabakasakaling baka meron pang pag-asa.
Pag-sa na buhayin muli ang nasimulang saya,
At hindi na bumalik sa nakabibinging pag-iisa.

Magiging estranghero ang lahat, ikaw,ako ang minsan na tinawag kung "TAYO",
Kahit alam kung mag-isa lang akung naiwan dito.
Mawawala na rin yung kilig at saya na bumuo sa ating kwento.
Yung tawanan at kulitan na minsan ay hinahanap-hanap ko.
Yung pag-aantay sa bawat tawag mo.
Mga mensaheng nagbibigay sa araw ko.
Mahal hanggang dito na lang ba talaga tayo?.

Ang storya na hindi natin nasimulan,
Heto at nagkameron na ng katapusan.
Kailangan ko ng lisanin ang mga alaalang minsan ay nagbigay ligaya sa akin.
Pag-ibig mung hindi naging akin,
Kay sakit rin namang isipin.
Bakit kasi ang hirap pigilan nitong damdamin.
Yan tuloy kinailangan mo na itong tapusin.

the one that got way Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon