Sa una Lang Masaya

9 1 0
                                    

Sa una lang talaga masaya , sa una mo lang mararamdaman na importante ka sakanya sa una mo lang mararamdaman na ayaw ka niyang mawala , sa una mo lang mararamdaman yung kilig dahil sa sobrang lambing niya sayo , sa una ka lang gigising na araw araw may napaka tamis siyang mensahe para sayo , sa una mo lang mararamdaman mahal na mahal ka ng taong minamahal mo at sa una lang kayo masaya sa mundong akala mo para lang sainyo , kaya wag ka mapanatag kung alam mong mahal ka niya , hindi mo hawak ang oras at bawat pag galaw ng kamay sa orasan may mga bagay na pwede magbago ng mabilisan , dadating ang araw na yung unang pagkakaintindihan niyo unti unting di na magkakaunawaan , yung unang akala mo masaya unti unting napapalitan ng lungkot at sakit , yung unang bawat pag gising mo may matatamis syang mensahe para sayo unti unting mawawala hanggang sa isang salita nalang ang masabe niya sayo , yung unang kilig na naramdaman mo sakanya unti unting mapapalitan ng luha , yung unang ramdam mong ayaw ka niyang mawala unti unting mawawala hanggang sa maramdaman mong hindi kana pala mahalaga , kaya kana pala niyang bitawan na para bang ganon lang kadali ang lahat at yung unang masaya kayo sa mundong akala mo para lang sainyo , unti unting guguho hanggang sa maramdaman mong mag isa ka nalang pala dahil lahat ng bagay na akala mo pang matagalan unti unting mapapalitan ng katanungan , kahit pa ibigay mo na ang lahat kung hindi parin sapat para sakanya kaya wag mong idedepende ang buhay mo sa isang taong sa bandang huli minahal mo na ng sobra at binigay mo na ang lahat nakuha ka paring saktan at iwanan dahil sa mundong ginagalawan mo palagi mong tatandaan sa una lang palaging masaya

the one that got way Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon