Paano

14 1 0
                                    

"Paano ko pa mamahalin ang taong sumuko nang magmahal sakin?"

Nagsimula tayo sa isang malabong usapan. Nalaman mong mahal kita at ganun ka din pala. Akala ko ayos na. Akala ko tayo na. Hindi ko alam, may ineentertain ka na palang iba.

Masakit dahil akala ko ako. Nsaktan ako dahil akala ko mahal mo nga ako. Napatanong na lang ako. MINAHAL MO BA TALAGA AKO?

Ang solid lang kasi natanggap ko na lahat ng sakit. Pero heto ka na naman at muling nagbabalik. Nagparamdam ka at eto naman ako si kumag, hinayaan kitang lumapit. Sa madaling salita, okay. MAHAL PA RIN KITA.

Eto na naman tayo.
Alam mo na ulit na mahal pa rin kita. Na mahalaga ka pa rin sakin kahit pinagpalit mo ko nung una. Kahit pinaniwala mong AKO LANG.

Ang dami mong dahilan kaya napaniwala mo ko. At dahil mahal pa rin kita, pinapasok ulit kita sa buhay ko. Alam kong nasaktan ka niya, kaya andto ako para alagaan ka. Alagaan ka sa kabila ng LAHAT NG SAKIT NA AKING NADAMA!

Lumipas ang ilang araw na umabot sa buwan. Di ko akalain, napaamin din kita. Nadulas ka. Nabigkas mo ng biglaan ang mga salitang MAHAL NA MAHAL KITA. Di ko alam pero yung tibok ng puso ko ay lumundag sa SOBRANG SAYA!

Ang daming pumasok sa isip ko. Maniniwala ba ko? Nagsasabi ka na ba talaga ng totoo? At dahil NARAMDAMAN KO YUNG PAGMAMAHAL MO, buong puso muli akong nagtiwala SAYO.

Hinanda ko ang sarili kong isugal muli ang puso ko. Pinagdasal na sana'y ang PAGMAMAHAL MO AY TOTOO. Na kahit masaktan ako ay ayos lang basta PARA SAYO. Saktan nako ng kahit na sino basta MAHALIN MO LANG AKO.

Sobrang saya ko. As in Higit pa sa sobra. SOBRA SOBRANG SAYA!

Wala na akong mahihiling pang iba. Kasi hanggat naririnig ko ang maganda mong tinig. Hanggat nakikita ko ang ngiti sa'yong mga mata. Hanggat nadadama ko ang buo mong pagmamahal. Hanggat alam kong MAHAL MO AKO, KAMPANTE NA AKO. MASAYA NA AKO.

Ang dami nating ala alang pinagsamahan. Na akala koy sapat na para tayo ay mas magtagal. Na akala ko ay makakatulong satin upang mas mahalin natin ang isat isa. Ngunit hindi pala. Nagkamali ako kasi, HINDI PALA.

Nanlamig ang puso mo kasabay ng paglamig ng Enero. Naging mainitin ang ulo mo na dumating sa palagiang pagtatalo. Pinalampas ko lahat upang hindi na lumala at wag nang humaba pa.
Pero walang nangyari. Naging cycle na natin ang magkagulo.

Isang araw tinawag mo ako. Dali dali akong pumunta sayo kahit di ko alam kung anong plano mo. Ang saya ko dahil finally, hindi na mainit ang ulo mo. Nagyaya kang mag inom, sige gooo!

Habang tumatagos yung alak, iba na ang nararamdaman ko. Hindi ka mapakali at mayat maya tumitingin sa phone mo. At dahil deadma lang ako, shot na lang tayo. HINDI KO ALAM KUNG ANONG NAGAWA KO NANG BIGLA KONG MARINIG ANG MGA SALITANG TO...

"PINAPALAYA NA KITA. Masyado na kitang nasasaktan. Habang nasasaktan kita, doble yung sakit na bumabalik sakin. HINDI KO NA KAYA."

Sabay walk out ka.

Sobra akong nabaliw sa narinig ko. Kasi first time tayo magbbreak sa loob ng 3 years. Hindi ko alam. Magbabasag ba ko ng bote. Maglulupasay. Sa sobrang panghihina ko di ko na nagawang habulin ka. Pero para san pa? Tama pa ba na habulin kita? Paano ko pa mamahalin ang taong sumuko nang magmahal sakin? PAKISAGOT! PAANO?!!!

Nadurog ang buong puso ko. Nadurog lahat ng PLANO NATIN SA ISA'T ISA. Nawala lahat ng masasayang ala ala. Wala na. YUNG BUO NOON, ngayon ay durog na durog na.

After nun, hindi ka na nagpakita. Ayos na sakin na hindi kita hinabol. Hindi ako nagmakaawa. Hindi ako lumuhod sa isang taong walang isang salita.

After three days, you texted me:

"SORRY SA LAHAT. Wala akong iba. Alam kong sobra ka nang nasasaktan kaya tama na. Unfair na. Walang makakapantay sa pagmamahal na binigay mo sakin. Hindi madali makakita ng katulad mo. Mamimiss kita. Bye."

And for how many time, naniwala ako sayo. Naniwala ako sa last message mo.

And yes.
After a week.
Yes hello sa bago mo.
Wow. Just wow.

Lahat ng sakit bumalik. Akala ko okay na ko magmove on. Pero hindi pala. SOBRANG SAKIT. Gusto ko na mamatay sa sakit!

Ang makitang kasama siya ng pamilya mo. Kasama siya sa mga lugar na nasa plano ko. Ang kasama siya sa lahat ng lakad na noon ay ako ang kasama mo. NA NOON AY AKO! NA SA ISIP KO DAPAT AY AKO!

Hindi ko maexplain yung pakiramdam. Gusto ko na lang magpatiwakal para matapos na lahat. Pero hindi pala yun ang solusyon. Nagmahal ako ng maling tao pero alam kong nagmahal sakin ng totoo.

At sa three years na pagsasama natin, kailangan kong tanggapin na lahat ng tao ay nagbabago. Kahit mahirap, kinalimutan kita. Kahit masakit tinapos ko na din. Sa lahat ng kahit na iniisip ko alam kong may kapalit na okay. Na ayos. Na pagkakataon. Na maging mas mabuting ako.

Kaya eto ako ngayon, celebrating my three years of being single. Natrauma na ata ako sa sakit na naramdaman ko noon. Pero Im still waiting for my one and only na dumating and im praying for that. 😊

This was happened three years ago. And I'm happy that we are still friends as of now. Nabuild namin yung friendship dahil sa tulong ng same circle of friends. At aaminin ko, siya pa rin ang nag iisang ULTIMATE CRUSH ko. Pero hep. Hanggang dun na lang yun. Sila pa din until now and I respect that.

the one that got way Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon