“Wow!! Ang galing mo talaga Neyt, ibang klase ka talaga pre”, banat ni Ed sa tabi ko habang busy ako sa pagdadrawing ko ng kung anu-ano.
Napalingon ako sa direksyon ni Ed para magtanung kung anu ung assignment namin.
When this particular girl caught my attention, ang daldal niya talaga, she’s very talkative when our teacher leaves the classroom pero despite ng kadaldalan niya eh napahanga ako sakanya ng sobra dahil ang galing nyang maggitara at kumanta at syempre sa personality niya, hindi maarte sa katawan di katulad ng iba na nakakairita ang kaartehan.
“HOY! Neyt! Baka matunaw”,kalabit naman ni Ed. Nakakagulat naman ‘tong si Ed makakalabit naman kasi eh wagas.
“Hay nako tulala ka nanaman kay Lorize ahh! Hay nako Neyt iba na yan huh! Hahahaha”, baliw na to tinawanan pa ko.
“Dun kana nga sa upuan mo! Bumalik kana dun baka mamaya nyan dumating pa si ma’am at mapagalitan ka pa’t madamay ako for sure masesermunan tayo ng wala sa oras” litanya ko naman sakanya.
Loko talaga ung si Ed pinagtritripan nanaman ako, napatitig lang iba na agad siraulo talaga. Pero kung iisipin maganda nga si Lorize, matalino magaling kumanta at maggitara un nga lang makulit malapit siya sa ideal girl ko, ok narin siguro kahit crush lang :) .
Hay anu ba naman tong pinagiisip ko , tatapusin ko na nga lang tong drawing ko baka mamaya dumating pa si ma’am mahuli pa ko.
ll 1ll