Lumipas ang mga araw ng mapansin kong madalas ko na pala siyang sinusulyapan, may klase man o wala lagi nyang nakukuha ang atensyon ko.
'Bat ba kasi ang ganda niya at lagi siyang nakangiti ayan tuloy di ko maiwasang di tumingin sakanya' yan ang lagi kong naiisip kapag napapatulala ako sakanya.
"Mr. Garcia, pakisagot nga tong tanong na 'to, anu ang dalawang sangay ng ekonomiks?" biglang tanung ng ni ma'am saakin.
"Huh?! Anu po un ma'am? Anu po ung tanung niyo?" hala yari nahuli ako ni ma'am na di makikinig.
"Hay nako Garcia, di ka nanaman nakikinig, sabi ko ano ang dalawang sangay ng ekonomiks? Kung saan-saan kasi nakatingin baka naman matunaw yan. Tingin sa harap kutusan kita diyan gusto mo? Mga batang ito kung anu-ano inaatupag niyo, mag-aral muna kayo. Blah.blah.blah." litanya ni ma'am.
Hays naku naman napahiya tuloy ako sa buong klase ma'am naman kasi eh, tas masaklap pa dahil tinawanan nila ako at nakita niya tuloy akong nakatingin kaya lalo akong nahiya eh.
"Garcia, ano ang sagot sa tanong ko?" tanong ulit ni ma'am. At dahil sa taranta ay napatayo naman ako bigla dahilan para tumawa ulit ung mga klasmeyt ko. Anu ba yan kala ko naman nakaligtas na ko sa tanung niya di pa pala, sasagutin ko na nga lang kesa naman lalo pa kong mapahiya sa klase.
"Makroekonomiks at mikroekonomiks po ma'am" sagot ko habang nakatayo. Kahit na nakatingin ako sa harap ay nakikita ko pa rin siyang tumatawa sa periperal vision ko kasabay ng mahinang pagtawa ng mga kaklase ko.
"Sa susunod na may mahuli pa akong hindi atenttive sa klase ko, magkakaroon kayo ng instant quiz kahit di pa nadidiscuss ang topic. Maliwanag ba?"
"Yes ma'am!" sabaysabay na sagot namin.
Pagkaupong-pagkaupo ko palang eh binanatan naman ako ng mga pangaasar ng mga klasmeyt kog mga lalaki.
"Pre naman kasi sa susunod na titingin ka eh wag papahuli, tska wag titig sulyap lang", pangaasar naman ni Paulo sakin habang nagtatawanan naman ng mahina ang iba.
"Tigilan niyo nga ako napahiya na nga ako tinawanan niyo pa." napasmirk nalang ako sa sakanya.
Natapos na ang klase at breaktime na, halos lahat ng mga kaklase ko eh bumaba na sa canteen para bumili ng makakain. Napalingon ako sa direksyon ng kinauupuan nila dahil narinig kong nagtatawanan sila.
"Ganda mo talaga eh noh, grabe pati bading napapatulala sayo! Hahaha!." sabi ni Chari habang di parin nagpapatinag sa pagtawa.
"Grabe naman napahiya si Neyt dun ah, loko kasi di nakikinig ayan tuloy napagalitan ni ma'am" sabi naman ni Ashi.
"Makabading naman Chari wagas? Hahaha sabagay mukha naman talaga siyang bading. Tara na nga at kumain na tayo nagugutom na ko baka madami nang tao sa canteen niyan" sabi namam ni Lorize sabay alis papuntang canteen.
Napayuko nalang ako sa armchair ko at napabuntong hininga nalang dahil sa mga narinig ko. Grabe talaga tong sila Chari gawin pa daw ba kong bading? Pati tuloy si Lorize eh iniisip na bading talaga ako.
Sana talaga maging close din kami para naman mapatunayan ko na lalaki ako at hindi bading.
Alam ko na gagawa nalang ako ng paraan para mapalapit sakanya, ang talino mo talaga Neyt >:))
Pero sana talaga mapansin niya ako. hayss naman ....
ll 2 ll
PS: sorry po dun sa first chapter kung bitin hindi ko lang alam kung panu uumpisahan eh. >__<
thanks dun sa kung sinu man ang nagbabasa nito .. :)