Nakatambay kami sa corridor habang gamit naman ni Michael ung gitara ko, hindi kasi pumasok ung isang teacher namin kaya naman eto kung anu-ano ang ginagawa namin.
Dahil nakakabagot na, kinuha ko ang gitara kay Michael at tumugtog ako ng isang kanta ng parokya na 'gitara'.
Nagulat nalang ako ng may isang boses na sumasabay sa paggigitara ko kahit na mahina ay alam kong siya ang kumakanta. Napahinto ako at napalingon sa likod tama nga ako siya nga ang kumakanta at sumasabay sa pagtugtog ko. Habang tumatagal ay nakikisabay narin pala sila Michael, Ashi, Ed, Pam sa pagkanta, nang tumagal ay iba iba narin ang tinutugtog ko. Nakakatuwa lang kasi ngayon nalang ako ulit nakatugtog ng ganto kasama ang mga bagong kog mga kaibigan.
Huminto ako sa paggigitara dahil siyempre nakakapagod din kaya ...
"Pahinga muna mamaya na ulit tsaka breaktime na di pa tayokumakain gutom na ko" sabay abot ulit ng gitara ko kay Michael. "Ikaw muna tumugtog kakain lang ako." bilin ko sakanya,
Habang pababa ako ng hagdan ay nakasabay ko sa pagbaba si Lorize.
"Galing mo pala maggitara. Kala ko sa padrawing ka lang magaling pati pala paggigitara." sabi niya sakin habang bumababa ng hagdam mejo nagblush naman ako dun hindi kasi ako sanay ng soya mismo ang pumupuri sakin eh.
"kaso .... Ang panget mo pala! Hahahaha." tawa niya naman ng nakakaloko. Grabe talaga tong babae na to kala ko madaldal lang siya pero lakas din pala mangasar at tinawanan pa talaga ako huh.
"Aray. Makapanget naman wagas? Di kaya ako panget, pogi pogi ko eh, tsaka dami kayang nagkakagusto sakin noh! Panget bang matatawag un?!" depensa ko naman.
"Baka naman akala mo lang un? Hahaha." aba nangaasar talaga siya.
"Di noh! Nagpapansin nga sila sakin eh, sa sobrang dami hinahayaan ko lang sila ganun ako kaheartrob noh!" asik ko naman sakanya, pero ang totoo niyan oo madami rin naman nagkakagusto sakin pero di ako hearthrob ahh joke lang un, medyo naiinis na kasi ako eh tinawag niya akong panget.
"Hahahahaha!!! Sinu nagsabi nanay mo? Hearthrob pa ang gusto. Hahaha" sabi niya habang tawa parin ng tawa "Panget! Panget!" dagdagnpa niya lakas talaga mangasar. -____-
"Oo na panget na ko. Ok na masaya kana?" naasar na talaga ako naku nako.
"pikon! Pikon si bading!" asar niya pa ulit malapit na pala kami sa baba buti nalang at makakaalis na ko sa pangaasar niya sakin.
"ewan ko sayo" sabi ko nalang habang nanagaasar parin siya -___- hinayaan ko nalang siyang mang-asar , wla namam akong laban sa kanya eh. Hangang makarating kami sa canteen buti nalang at tumigil na siya mang-asar, makabili na nga ng makakain na gutom na talaga ako.
Nang makabili na ko ng pagkain ko ay umakyat narin ako sa room. Nakakabored talaga dito sa room kapag walang klase, makadrawing na nga lang pampawala ng kaboringan at para walang istorbo ay sa dulong upuan ako umupo na tabi ng bintana.
"Ganda naman niyan! Ikaw ba talaga nagdrawing niyan?" sulpot niya sa tabi ko at sabay upo niya sa bakanting silya sa tabi. Sa pagkagulat ko ay lumagpas ang isang linya sa dapat na direksyon nito sa dinodrawing ko.
"Hindi. Hindi ako nagdrawing nito! Nakita mo naman na ako nagdra-drawing diba? Tinatanung mo pa pa." sabi ko ng may iskarkastikong tono dahil sa pagkayamot.
"Sungit mo naman bading, napikon ka lang kanina eh!"
"Hindi ako napikon noh!"
Hay grabe ang kulit nya talaga hindi parin niya ako tinatantanan asarin. Pero okay lang sakin kahit napipikon na ko atleast alam kong napapansin niya ako at nakakausap ko siya. Hahahaha. Lakas talaga ng dating niya sakin napapangiti nalang ako sa mga naiisip ko eh ... *-*
"Gusto mo sumama gumala mamaya pagkatapos ng klase?" biglang tanung niya, oo nga pala andito pa nga pala siya, muntik ko na malimutan dahil sa nagpapantasya nanaman ako ng dahil sakanya.
"O-okay lang naman. Sinu-sino bang mga kasama?" tanong ko naman.
"sila Ed, Pam, Chari, Ashi, Daine at ako, ewan pa si Neza at Michael kung sasama. Anu sumama kana dami pang arte eh."
"Sige na nga sasama na ko. Saan ba tayo gagala?" dagdag ko pang tanung.
"Sa bahay nila Chari, dun tayo tatambay"
"Aah. Kela Charina pala sige sama ko."
After class pumunta na nga kami sa bahay nila Charina, ngayon nalang ulit ako nakapunta dito ahh. Nakakamiss maglakwatsa dito sa lugar nila, dito din kasi ako lumaki at same school lang din kami nung elementary. Pagkapasok namin sa bahay nila ay naroon pala ang mama niya na nakakilala saakin.
"Hi tita!" bati ko sa mama ni Chari.
"Oh, Clarense kamusta na ang mama mo? Ngayon nalang kita ulit nakita ah."
"Okay naman po si mama" sagot ko,
"Ma! Mga clasmates ko po" singit bigla ni Chari at isa-isang silang pinakilala.
"Neyt, close pala kayo ng mama ni Chari?" tanong ni Ed.
"Oo nga 'di niyo manlang nabanggit na matagal na pala kayong magkakilala ni Chari" sabi ni Michael.
"Classmates kami nung elementary si Daine naman classmate ko nung grade 6 and naging clasmate ko sila parehas nung third year" paliwanag naman ni Chari.
"Aah kaya pala kung kung makipagusap sa mama mo si Neyt eh parang close sa mama mo" sabi ni Ed.
Tumambay lang talaga kami dito sa garahe nila habang tumutugtog ng gitara si Michael o kaya naman ako at siyempre nagmeryenda din kami. 'Your Guardian Angel' pala ung tinutugtog ni Michael ngayon ganda talaga niyang kantang yan.
"Ui Chari! May bike ba kayo?" out of the blue na tanong ni Lorize.
"Meron bakit?"
"Peram naman ako, medyo nakakabagot na kasi eh" paalam ni Lorize.
Buti naman at nakikita ko na ulit ung makulit na si Lorize. Wala na ung lungkot na nakita ko sakanya nung nakaraang araw. Nakita ko na ulit ung sweet niyang ngiti at namiss ko talaga ung pambabara niya saakin. :3
"Oi panget! Gusto mo magbike pagod na kasi ako eh!" sigaw niya mula sa kabilang kalsada.
Tumango lang ako sabay tayo mula sa gutter na kinauupuan ko para kunin ug bike sakanya. Pero sa di sinasadyang pagkakataon ay naout of balance siya kaya naman napatakbo ako at nasalo ko siya agad, at sa pagkasalo ko sakanya ay doon ko lang natitigan ng husto ang mukha niya, ang kanyang mga mata na may pagka almond brown na medyo singkit, matangos na ilong, pingkish din ung cheeks niya at ngayon ko lang din natitigan ng matagal ang kanyang soft red cherry lips na parang ang sarap halikan. Hihihi. :"3
Natauhan lang ako sa pagkatulala ng bigla nalang siyang bumitaw sa pagkakapit saakin, nahihiya tuloy ako sa ginawa ko. Shemay naman!! nagbu-blush ako habang iniisip ung nangyari kanina. >_<"
"Thank you sa pagsalo panget, muntik na ko dun ahh. Hahaha!" sabi niya sakin.
Tumakbo na pala palapit ung iba para tanungin kung ok lang kami at Thank GOD okay din siya. Pero dahil sa nangyari hindi ako makagalaw at makapagresponse ng maayos sa mga tanong nila sakin tanging mga tango lang ang naisagot ko sakanila. Kaya naman kinuha ko ung bike at nagbike nalang ako para madistract ako sa nangyari kanina.
At dahil hindi ko parin magawang makalimutan ang mga pangyayari ay ako naman ang na-out of balance kaya naman nasemplang ako. Aray naman sakit nun ahh ...
Pero sa totoo lang kinikilig ako dun ahh. Hihihi :'3. Ba't ganun parang bumilis ung tibok ng puso ko nug napatitig ako sa mga mata at labi niya.
ll4ll