Kinabukasan nagkaroon ng groupings sa Filipino subject namin para sa report. Pinabilang kami hangang lima at kung sino ang magkakaparehas ng number eh sila ung magkakagrupo. Nagtanung tanung ako kug sinu-sino ang group no. 3 sakto naman na pinagtanungan ko si Ashi na group 3 din pala.
"Ashi anung group mo?"
"Three. Bakit?"
"Magkagrupo pala tayo."sabi ko nalang. "Oi, Ashi group 3 ba kayo?" tanong ni Lorize kay Ashi.
"Oo, group 3 nga kami bakit? Group 3 ka din ba?"
"Oo group 3 din ako. Naks groupmates nanaman tayo." sabi naman ni Lorize
Dahil sa narinig ko ay pumalapak ang tenga ko, yes kagrupo ko siya ang swerte mo naman talaga noh Clarence Neyt pagkakataon na to para makilala mo siya ^__^. Nang makasettle na kami lahat sa kanya kanyang grupo ay nagassign na si ma'am ng mga leader, at para sa grupo namin ang leader ay si Ashi ang kwento ni Paulo sakin ay nakakatakot na leader daw si Ashi pero wah pakels as long na andito si Lorize eh ok na ko. Hahahah.
"Oh. Kagrupo ka pala namin Neyt." sabi ni Lorize sakin.
"Oo. Ayaw mo ba?" sagot ko. "Oo ayaw ko bakit? Hahaha joke lang. May magagawa pa ba ko eh andito kana." grabe pala tong mangbara kung di lang kita crush nako nako.
"Aray, basag" biglang banat ni Ashi sabay tawa. Baliw talaga 'to. -___-
"Sige una na ko may itatanung pa pala ako kay ma'am" paalam niya samin ni Ashi.
Basag ako dun ahh, tas tinawanan pa ko ni Ashi. Pero ok narin kasi atleast napapansin na niya ko kahit lagi niya akong binabara. ^____^
Lumipas ang ilang araw at unti-unti na akong nalalapit sakanya dahil sa report namin at madalas ko narin siyang nakakasama, kung minsan naman ay nagkakaroon ako ng lakas ng loob na tumawag sa telepono nila at makausap siya tungkol sa report namin kahit sandali lang.
"Neyt, ikaw ba ung tumawag samin kagabi?" tanong niya saakin.
"Oo ako nga bakit? Napagalitan ka ba?" tanong ko dahil kagabi ang lola niya ang nakasagot ng telepono at baka mamaya ay napagalitan pa siya ng dahil sakin.
"Aah. Wala naman. Pwede ba wag kana muna tumawag samin"
"Okay sige" ang tanging sagot ko sakanya baka nakukulitan na siya sakin dahil madalas akong tumatawag sakanila.
Uwian na namin ng makasabay ko sia sa paglabas ng gate. Himala ata at hindi niya ako inaasar ngayon?.anu kayang meron?
"Oi!! Lorize, Neyt dalian niyo kaya diba? Kayo nalang hinihintay namim eh!" sigaw ni Ed sa gate.
"Andiyan na! makamadali naman akala mo aalis ung playground." litanya ni Lorize habang naglalakad kami papunta ng gate. May practice kasi kami sa playground para sa sayaw namin sa MAPeH. Habang naglalakad kami napansin kong tahimik ata siya, iba ang aura niya ngayon hindi siya nantitrip at hindi rin siya madaldal kagaya ng lagi kong nakikita sakanya. Malungkot siya un ang napagtanto ko.
Tinanung ko si Michael kung bakit malungkot si Lorize siya kasi ang higit na nakakakilala rito dahil sa matagal na silang magkaibigan.
"Ui 'chael ba't parang badtrip ata si Lorize ngayon?"
"Ewan ko diyan. Baka siguro nagaway sila ng boyfriend niya"
"May boyfriend pala siya, ngayon ko lang nalaman un ah." medyo disappointed kong sagot kay Michael.
Hay wala na pala akog pag-asa sakanya dahil may boyfriend na siya.
"Oh. Ba't naman mukha kang nalugi sa narinig mo?" tanung niya sakin dahil sa nakita niyang pagbabago sa muka ko.
"hahahaha. Ba't Neyt? May balak kang ligawan si Lorize noh???" singit naman nitong si Ed.
"Hala ka siya?! Siraulo to, may boyfriend nga diba?" sagot ko naman.
"Sus! Deny pa. Edi ibig sabihin may balak ka ngang ligawan siya kung sakaling wala siyang boyfriend?" tanung pa ulit ni Ed.
"Naks! Binata na si Neyt, bilog na utot! Hahahahaha." sabi naman ni Charina habang tumatawa kasabay ng dalawang mokong sa tabi ko, kanina pa rin pala nakikinig tong babaeng 'to sa usapan namin. Hays napagtulungan nanaman po nila ako.
"Mga baliw talaga kayo eh noh! Trip niyo nanaman ako. Naman!" inis na sabi ko sakanila.
"Tumayo kana nga diyan at tara na pumunta na tayo sakanila para makapagumpisa na tayo sa praktis at pwede ba tama na kakatitig kay Lorize baka matunaw" aya nilang tatlo saakin.
"HOI! KAYONG APAT ANUNG TINATAMBAY NIYO PA DIYAN MAGPRACTICE NA KAYA KAYO NAKAKAHIYA NAMAN SA MGA NAGANTAY" sigaw naman ni Ashi mula sa may pinagpapraktisan namin, pumunta na kami agad baka mapagalitan pa lalo mahirap na.
After naming magpraktis ay naguwian na kami. Gabi na pala. Hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi ni Michael na may boyfriend na pala si Lorize. Hay grabe ang swerte naman ng boyfriend ni Lorize, sana ako nalang ang boyfriend niya.
"Panu kaya pagnagbreak sila ligawan ko kaya siya?" sabi ko sa sarili ko.
Anu ba yan, kung anu ano nanaman iniisip ko pati sarili ko kinakausap ko na.
Baka mamaya niya may makarinig sakin at isipin pa na baliw ako. Makatulog na nga.
ll 3 ll