HER ARROGANT BODYGUARD -Chapter 6-

10.2K 209 8
                                    

Brian was already done washing the car. He tidied up everything. And he conditioned the car’s engine, too. Now he was just waiting for Arrian.

But she didn’t pop up yet. Baka siguro nag-aayos pa. Alam naman niya kung paano mag-ayos ang mga babae. Matagal. Ang dami pa kasing seremonyas na ginagawa.

He patiently waited for fifteen more minutes, but she didn’t really show up.  Nasaan na kaya ang babaeng iyon?

He went inside the house to look for Arrian. Hindi niya makita ang babae. He checked her room, but she wasn’t there either. Now, he started to panic. Saan nagpunta ang babaeng iyon?

Nakita niya si Yaya Crising. Nilapitan niya ang ginang. “Nakita n’yo ba si Arrian, Yaya Crising? Hindi ko siya mahanap eh.”

“Nakita ko siya kaninang lumabas sa likuran ng bahay, hijo. Hindi ko na lang siya sinita sa pag-aakalang pupunta siya sa garahe.”

“Hindi siya pumunta sa garahe, Yaya Crising. At hindi ko siya mahanap sa loob ng bahay.”

“Naku! Baka lumabas siya ng bahay, Brian.”

“Shit!” hindi mapigilang mura ng binata. Now, that stubborn lady worried the hell out of him. She couldn’t be alone somewhere, unguarded. Baka mapahamak ito.

“Pasensiya na talaga, hijo. Ako pa yata ang magiging dahilan kapag napahamak si Señorita,” tuluyan nang napaluha si Crising. Tulad niya ay nakabadya ang sobrang pag-aalala sa mukha nito.

“Huwag ninyo na pong sisihin ang sarili ninyo, Yaya Crising. Hindi po kayo ang may kasalanan kundi si Arrian mismo,” alo niya sa matanda.

He needed to find Arrian asap. Bago pa man may masamang mangyari rito. Pero saan niya hahanapin ang babae?

“Saan ba parating namamasyal si Arrian, Yaya Crising?” tanong niya sa ginang habang malalim ang iniisip.

“Sa SM Mall of Asia, Brian. Kapag gusto niyang mag-malling ay doon diya pumupunta.”

“Sige, yaya, hahanapin ko lang muna ang babaeng iyon.” Iyon lang at nagpaalam na siya sa ginang na aalis na. He was fervently hoping that he could find Arrian in Mall of Asia, and that she was just okay and safe from harm.

Paroo’t parito ang ginawang paglalakad ni Arrian sa loob ng malawak na building ng SM Mall of Asia. Bawat bagay na maibigan niya ay kanyang binibili kaya wala pang isang oras ay kaliwa’t kanan na ang bitbit niyang paperbags.

Bago niya naisipang umuwi ay kumain muna siya sa Shakey’s.

“Thank you,” she postered her widest smile as she talked to the waiter who served her food.

“You’re welcome, Ma’am. Anything else po?”

“Ah, wala na.”

Pagkatapos ayusin ang kanyang inorder sa mesa ay umalis na ang waiter. She started to eat. Kung saan-saan kasi siya nakarating at nagugutom na siya.

While she ate, she felt a prick of guilt in her conscience. Tumakas kasi siya kay Brian kanina. Hinahanap na ba siya nito? Nag-aalala na ba ito sa kalagayan niya?

“Hmp! Bahala na nga siya sa buhay niya,” she whispered to herself as she consumed her pizza. Basta nag-eenjoy siya. Period.

Pagkatapos niyang kumain ay lumabas na siya ng MOA. Ang pinakamalapit na exit ang tinugpa niya. May mangilan-ngilang tao lamang na naroroon at mukhang nasa likurang bahagi na yata iyon ng mall. Naghintay siya nang masasakyang taxi. Hindi pa man siya matagal na nakatayo sa gilid ng kalsada ay may humintong isang puting van sa kanyang harapan.

MONTEROSSA Series 1: HER ARROGANT BODYGUARD (Published under TBI!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon