Abala si Arrian sa pagdidilig ng mga rosas sa hardin ng ancestral house ng mga Monterossa. Ginawa niya iyong libangan para kahit papaano ay maibsan ang kanyang pangungulila kay Brian. She could stare at the roses all day. Naaalala kasi niya ang rosas na ibinigay sa kanya ni Brian. She was sure that he picked the long stem of rose in the garden.
Her Tito Amado already suggested that she should return to Manila now that Brian was missing, but she refused. She would patiently wait for Brian to return in the place where he left her. And she wouldn't go anywhere else.
Lumapit si Manang Juanita sa kanya. "Señorita Arrian," tawag nito sa kanyang pansin.
"Ano po iyon, Manang?"
"Señorita, may bisita kayo. Kaibigan daw ni Señorita Brian sa Maynila. Gusto kayong makausap."
"H-ha? Sino naman po sa mga kaibigan ko ang mapupunta rito? Babae po ba?" The thought that finally he would hear something from Brian, she immediately stopped with what she was doing. "Nasaan siya, Manang Juanita?"
"Nasa salas kasi pinatuloy ko na. Naka-unipormeng pansundalo. Mukha namang mabait at saka guwapo!" Halata sa boses ng babae ang kilig nang sabihin nito ang mga huling salita.
"Sus! Kayo talaga, Manang. Mahilig sa guwapo."
Natawa lamang ito.
Napailing na lamang siya. Pagkatapos ay tuluyan na niyang iniwan ang ginagawa at pumasok sa loob ng mansion.
Nakita niya ang lalaking nakasuot ng military fatigue sa sala. Nangunot ang kanyang noo. Hindi pa niya kailanman nakita ang lalaki. Kaibigan daw sa Maynila ni Brian? Miyembro ng Task Force Black Scorpion?
Kaagad na napatayo ito nang makita siya. "Magandang araw, Miss Arrian," kaagad na bati nito sa kanya.
"Hi!" she greeted him. "Kaibigan ka raw ni Brian?" kaswal na tanong niya.
"Yup," kaagad na sagot nito. "Ah, I am Dale Amante. It's nice to meet you, Miss Arrian." Inilahad nito ang kamay sa kanya.
"Nice meeting you, too, Mr. Amante," she pulled a smile. Inabot niya ang nakalahad na kamay nito upang makipagkamay. He held her hand firmly. Kaagad na binawi niya ang kamay nang pisilin iyon ng lalaki. Kinilabutan siya. "What can I help you?" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. This Dale Amante was Brian's friend, but she could feel something about him that was off.
"Naparito ako upang sunduin kayo, Miss Arrian. Isa ako sa mga kasamahan ni Brian sa trabaho. Ako na ang inutusan niya para sunduin kayo kasi napakarami niyang ginagawa sa opisina," tugon nito na hindi inaalis ang paningin sa dalaga.
"Si Brian?" Kaagad ang pagkabuhay ng kanyang dugo nang marinig ang pangalan ng lalaking iniibig. "Kumusta na siya?"
"He's okay, Miss Arrian. Nami-miss ka na niya. Kaya ka nga niya pinasusundo sa akin ngayon dahil gusto ka na niyang makita."
Sukat sa narinig ay walang mapagsidlan ng kaligayahan si Arrian. Brian was okay and he was sending someone to get her back to Manila. And they would see each other there. She got so excited that she couldn't wait.
"Sige, sasama ako sa'yo. Magbibihis lang ako. Sandali..."
"Okay. Bilisan mo lang, Miss Arrian. Sabik na kasi talaga si Brian na makita ka."
"Hintayin mo lang ako rito. I'll be right back." Iyon lang at nagmamadali na siyang pumunta sa kanyang silid upang magbihis ng damit.
"Señorito Brian, kayo pala... Magandang tanghali po," bati ng isa sa mga guwardiya nang makita siya. Kaagad na bumukas ang gate at ipinasok niya ang minamanehong sasakyan.
BINABASA MO ANG
MONTEROSSA Series 1: HER ARROGANT BODYGUARD (Published under TBI!!!)
RomansSince the death of his beloved fiancée, Lt. Brian Monterossa swore not to love any woman again, that he will only love once. But when he met Arrian, the woman he had to protect from bad guys who wanted her dead, his promise was put to a test. Supla...