Prologue
Nine years ago....
MABILIS na naglalakad sa hallway ng ospital si Apolinario Montes. Tumawag sa kaniya ang personal assistant ng CEO nila, pinapapunta siya sa opisina nito. Iyon pa lang alam na niyang hindi basta-basta ang kailangan nito sa kaniya. Isang taon pa lang mula nang maging nutritionist siya para sa mga pasyente ng ospital na iyon. Bagong graduate siya at may ibang mas matanda at mas experienced na nutritionist sa ospital kaysa sa kaniya. Kaya bakit siya ang gusto nitong makausap?
Huminto siya sa harap ng isang pinto, nakakunot pa rin ang noo habang nakatitig sa nameplate na nakakabit doon. Dr. Edward Sy, Phd. C.E.O. Huminga siya ng malalim, kumatok at saka pumasok sa loob.
Nakatayo sa gitna ng opisina si Dr. Sy at may kasama itong isang matandang babae na halatang mayaman. There is something regal and authoritative in the way she stands. Sabay na tumingin sa kaniya ang dalawa.
"Ah. Here is our hospital's most promising new nutritionist. Mr. Montes, I would like you to meet someone," sabi ng kanilang CEO.
Lumapit siya sa mga ito. Nalaman niya na Matilda St. Clair ang pangalan ng may-edad na babae. Isang importanteng tao kung pagbabasehan ang magalang na tono ni Dr. Sy. Nakipagkamay siya kay Madam St. Clair na mataman siyang pinakatitigan. "You look like someone who can keep secrets."
Hindi napigilan ni Apolinario ang pagtaas ng kanyang mga kilay. Sumulyap siya sa matandang doktor na tumikhim naman. "Kaya kita ipinatawag kasi mayroon tayong VIPs na gusto kong ikaw ang personal na humawak. Alam ko na magaling at matalino ka. Pero higit sa lahat kailangan namin ng isang tao na mapagkakatiwalaan. We want their records to be confidential. In fact, ayaw namin na may makaalam na nandito sila sa ospital."
Ah. Naiintindihan na niya. Nakarating siguro sa CEO na hindi siya nakikipag-usap sa ibang mga tao sa ospital maliban na lang kung kailangan. Kahit ang kanyang ama na resident cardiologist doon ay bihira niya nakakausap kapag naka duty siya. Alam niya na tinatawag siyang snob ng workmates niya kapag akala ng mga ito hindi niya naririnig. Hindi siya apektado kaya hindi na lang niya pinapansin.
"Of course you will be properly compensated," sabi naman ni Madam St. Clair na sinalubong ng tingin ang mga mata ni Apolinario. Narealize niya kaagad na higit sa pera, mas mapapakinabangan niya ang pagiging acquainted sa matandang babae balang araw. Kaya pumayag siya sa trabahong alok nito.
Mayamaya pa nagpunta sila sa pinakamahal na silid sa ospital na iyon na matatagpuan sa dulo ng isang hallway na hindi basta-basta puwede puntahan ng kahit na sino. May sarili kasing reception area ang wing na iyon at hindi pinapapasok ang mga tao na wala sa guest list.
Parang isang hotel suite ang disenyo ng VIP room. May dalawang hospital bed, may maluwag na area na parang living room at may sariling banyo. Dalawang lalaki ang naabutan nila sa loob. Nakahiga sa kama ang isa, nakasuot ng hospital gown at nakatitig sa labas ng bintana. Ang isa namang lalaki na mukhang mas matanda sa dalawa ay nakaupo sa couch.
"Ang teenager na 'yon na nakahiga sa kama ay si Maki," pakilala ni Matilda St. Clair sa lalaki na ni hindi lumilingon sa kanila. "At siya naman si Keith." Turo nito sa nakaupo sa couch na tumingin kay Apolinario at tipid lang na tumango.
Hindi naman mukhang magkapatid sina Maki at Keith. Ang tanging napansin niyang pagkakapareho ng dalawa ay parehong payat at maputla ang mga ito. They must have been good looking when they were healthy. Unfortunately, that's not the case at the moment. Right now they look so lost, bitter and sad. Mukhang mga sinukuan na ang buhay.
BINABASA MO ANG
BACHELOR'S PAD series book PREVIEWS
RomancePatikim sa mga kuwento ng Bachelor's Pad series. Preview lang po ang mga nakalagay dito, hanggang chapter 3 ng bawat story sa series. Out po sa lahat ng bookstores ang book version ng series na ito kung gusto niyo pong mabasa ang buong kuwento. ^__^