Book 1: Mr. Invincible (Rob Mitchell)

22.7K 181 36
                                    


PROLOGUE


"IS this it?" tanong ni Rob.

"Yes," proud pang sagot ni Ross. Pinsan ni Rob si Ross sa father side. Hindi man sila lumaking magkasama dahil noon pa man sa amerika nakatira si Rob habang si Ross ay nasa pilipinas, nagkikita pa rin naman sila dahil bumibisita naman si Ross sa Amerika tuwing may panahon ito. At ilang taon ding nagtrabaho bilang abogado si Ross sa Amerika bago nagdesisyong bumalik ng Pilipinas.

Mula naman ng maging talent manager si Rob ng bandang Wildflowers na lahat ng miyembro ay Pilipina, mas napadalas naman ang pagpunta ni Rob sa Pilipinas.

At ngayon nagdesisyon si Rob na manatili pa sa Pilipinas ng mas matagal. Of course, his stay is work-related. Dahil wala namang ibang dahilan ang makakapagpanatili kay Rob sa iisang lugar ng matagal.

Pinagmasdan ni Rob ang building sa harapan nilang magpinsan. Rob wasn't impressed. Limang floor iyon at mukha namang malaki. Sa bagay na iyon pasado ang gusali kay Rob. Subalit kupas na ang kulay ng pintura niyon sa labas at mukhang abandonado. It was located at the farthest corner of a street. Kahilera ng mga nagtataasan at naggagandahang condominium building. The building looks out of place in this high class area.

"Are you sure this is the "great place to stay" that you told me?" duda pa ring tanong ni Rob.

Tumawa si Ross. "Yes it is. Ang sabi mo sa akin gusto mo ng unit sa isang building na masisiguro mo ang privacy mo at maganda ang security, right? Well, dito ako nakatira. High tech ang amenities at security features. Makakasundo mo rin ang ibang residente. Hindi ka rin mag-aalala na baka masyadong maraming tao dahil as far as I know, labing tatlo lang ang nakatira dito. Kapag pumirma ka ng leasing contract, pang labing apat ka lang. The owner is peculiar but I know you can deal with that. Let's go in."

Nagpatiuna maglakad palapit sa entrada ng building si Ross. Hindi pa rin kumbinsido si Rob na sumunod sa pinsan. May tinutuluyan naman ng condominium si Rob. After all, ilang buwan na rin naman siya sa Pilipinas. Subalit sa kung anong dahilan nadidiskubre ng kung sino-sinong babae kung saan siya nakatira. Sa tuwing umuuwi siya palaging may babae sa labas ng pinto niya, offering their body in exchange of a chance to become famous.

Matapos kasi umere ang contest kung saan naging judge si Yu Agustin, ang leader ng bandang Wildflowers, alam na yata ng lahat ang mukha ni Rob at ang katotohanang siya ang manager ng pinakasikat na banda sa mundo. At least, bago nag lay low sa industriya ang Wildflowers. Nagkaroon kasi ng isang segment na pinakilala siya ni Yu on national television.

Mula noon napakaraming tao na ang lumalapit kay Rob. Karamihan ay mga babaeng gustong maging modelo, maging singer, maging artista, etc. Rob loves women. Sino bang lalaki ang hindi? At lalong hindi siya santo para masabi niyang hindi siya pumatol ni minsan sa mga babaeng lumalapit sa kaniya. Mas discreet lang si Rob kaysa iba dahil pinapangalagaan niya ang trabaho niya. But Rob hates it when someone starts violating his privacy. At iyon ang ginagawa ng mga babaeng sumusulpot sa labas ng pinto niya.

Nauubos na ang pasensiya ni Rob sa pangit na security ng dati niyang condominium building. Kahit kasi sinabi na ni Rob sa guwardiya at receptionist na huwag magpapapasok ng kung sino-sino at huwag ipaalam ang unit number niya wala pa ring nangyari.

Kaya nagdesisyon na si Rob na humanap ng ibang matitirhan.

Umangat ang mga kilay ni Rob nang makalapit sila ni Ross sa one sided glass door sa entrada ng building. Hindi iyon bumukas agad. Tumingala muna si Ross sa itaas na bahagi ng glass door. Napasunod ng tingin si Rob at ilang segundo pa bago niya nakita ang maliit na CCTV camera doon. Halos hindi iyon kapansin-pansin dahil mukha lang iyong disenyo sa pinto. Makalipas ang ilang segundo bumalik ang tingin ni Rob at Ross sa salaming pinto dahil nagsimula na iyong bumukas.

BACHELOR'S PAD series book PREVIEWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon