" Promise me, na kahit magkalayo man tayo ngayon. Hahanapin parin natin yung isa't-isa" sambit niya habang nakatingin sa malayo. Andito kami ngayon ng bestfriend ko sa tree house ng park sa village namin. "Dahil Kahit saang sulok paman ng mundo yan hahanapin at hahanapin pa rin kita" dagdag niya.
"Pano kung isa sa'tin ay mapagod na? O kaya mawalan ng pag-asa?" Malungkot na tanong ko at saka napatungo. Naramdaman kong tumingin siya sa'kin kaya napatingin rin ako sa kaniya.
"Hindi kana man ata mapapagod diba? Dahil ako kasi hinding hindi ako mapapagod at mawawalan ng pagasang magkikita tayo ulit" siserong sambit niya habang nakangiti.
"Ako rin naman e" nakangiting sagot ko.
"Pinky promise?" Tanong niya habang inaabot yung kamay na naka pinky promise sign. "Pinky promise" sagot ko at ginaya siya.
"Teka may ibibigay ako sa'yo" sabi niya at tumayo para kunin yung bag niya at may kinuha dun . ng makabalik siya inabot niya kaagad yung ibibigay niya 'kuno'
"Eto chuckie para sayo chucky" nakangiti niyang inabot sa'kin ang chuckie. "Inomin mo yan habang nagbyayahi kayo para maalala mo ako hihi" usal niya habang may malaking ngiting nakatingin sa'kin.
"Hala Ruru nag-abala kapa hihihi pero thank you pa rin" nakangiting sagot ko. Kaya chucky tawag niya sa'kin kasi mahilig ako sa chuckie.
BINABASA MO ANG
Chasing love
Teen FictionI don't know how to describe this. Just read nalang po hihihi