Chapter 3

7 2 0
                                    

A/N: Thankyou sooooo much nga pala sa kaibigan kong gumawa ng cover ng story ko ahihihihi ROBERTSON VERSOZA <3

"Ma'am Audry gising na daw po" naalimpungatan ako sa sinabing yun ng isa sa mga maids namin.

"Hmmm 10 minutes" mahinang usal ko sa kanya saka nagtalukbong ng kumot.

"E-eh ma'am ang sabi kasi ni Sir Astrid kaylangan niyo daw gumising ngayon at baka malate daw po kayo" gising niya habang tinatapik ang balikat ko.

"Hmmmmmmm" naiusal ko lang para dina ako kulitin pa. Mayamaya lang eh nakarinig na ako ng bukas at sara ng pinto. Baka lumabas na siya.

Matutulog na sana ulit ako ng marinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto.

"Audryanna Imperial gigising ka o gigisingin kita?!!!!" rinig kong sigaw ni kuya Astrid habang padabog na naglalakad at inis na hinablot ang comforter ko. Mabilis akong napabalikwas sa sinabing yun ni kuya.

"E-eto na nga ooh tatayo na" inis na sabi ko habang padabog na tumayo at saka inis na binaling sa kaniya ang paningin ko.

"Tss go take a bath and fix yourself, malililate kana sa first subject mo. You know ayaw ko ng late" seryosong usal niya habang nakapamulsa. Nakasuit na siya kaya malamang papunta na to ng trabaho.

Nginusuan ko lang siya at hindi na sumagot pa. Dumeretso ako sa bathroom at hindi na siya nilingon. Nakakainis siya! Psh.

Matapos kong mag-ayos ay mabilis akong bumaba at dumeretso sa dining table. At dun nakita ko sila mom, dad at kuya Astrid. Wala na si
kuya Ashton at kuya Aaron. Malamang nauna na yun sa School.

"Good morning dad, mom, kuya" bati ko sakanila at isa-isa silang hinalikan sa pisnge. Ginantihan nila ako ng ngiti isa-isa.

"Oh baby umupo kana at kumain. Isasabay kana lang daw ng kuya mo sakanya bago siya pumasok ng office" nakangiting usal ni mommy. Dun ako umupo sa tabi niya at sinimulang kumain.

"Why is your hair like that? Masyado kana bang nagmamadali at hindi kana nakapagsuklay pa?" Masungit na usal ni kuya Astrid habang nakatingin sakin.

"Seriously kuya? Uso to ngayon noh. Ika nga 'messy hair don't care'." Nakangusong sagot ko sa kanya. Wala talaga tong ka style style tss.

"Psh. Finish your breakfast at sumunod ka sa Parking lot. Mauuna na'ko dun" sabi niya habang dahan dahang tumatayo "Mom, dad mauna na ako" pagpapaalam niya kela mom at dad.

"Sige baby ingat ka" nakangiting usal ni mommy kay kuya. Si daddy naman ay nakangiting tinanguan lang siya.

Maya maya lang eh natapos na ako sa pagkain kaya nagpaalam na ako sa kanila at sumunod kay kuya sa parking lot ng bahay namin.

Mabilis lang ang naging byahe namin papuntang Damarion Academy dahil di naman ito gaanong malayo.

Chasing loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon