9:30 in the evening , papauwi na ako galing sa work ko sa may Eastwood. Hays. Nakakapagod na araw , napakadaming pinagawa at nakaka drain ng utak... Naglakad lakad ako sa City Walk, nagpalamig para kahit papano marelax ng slight ang utak ko. Naisipan ko din makinig sa banda na tumutugtog sa labas. Soundtrip din yun kahit papano...
Tumayo ako sa may gilid kasi wala na akong mahanap na upuan eh. Pero nawala naman yung pagod kasi yung mga kinakanta nila , paborito ko talaga ...
"Hawakan mo ang kamay ko nang napakahigpit, pakinggan mo ang tinig ko di mo ba pansin"
Ikaw at ako .... ang laki ng parte ng kantang yan sa buhay ko. Kasi kung hindi dahil jan , wala ako ngayon kung nasaan ako.....
Natapos na nga ang tugtugan at umalis nadin ako, nag abang nadin ako ng Taxi sa may McDo kasi coding yung kotse ko kaya hindi ko nadala.. Pagsakay ko sa taxi, ang sarap sa feeling hays. Ang lamig ng aircon at hinihiling ko na sana yung kanta na tumugtog yung aakma naman sa mood ko.. sana yung masaya
Sana nga masaya... biglang tumugtog yung "Hanggang Dito na lang " ni TJ Monterde. Ang galing naman hays. Kanina masaya mood ko, tapos ngayon ganyan ung maririnig ko. tiniis ko nalang at natulog para hindi ko marinig yung kanta..
Nakauwi na ako sa Condo ko sa may Espanya, malayo layo din kasi ung office ko sa condo ko, kaya nga sabi ng mommy ko lumipat na lang ako sa Eastwood kaso ayoko naman. Ako lang magisa dito , ako nagluluto, naglalaba, naglilinis. Parents ko kasi nasa province, sa Quezon. Mas gusto daw nila dun kasi mas sariwa yung hangin at tahimik.
Kinabukasan pumasok na uli ako sa office, at kasama ko ang bestfriend kong si Jerico, since High school magkasama na kami niyan, pati nga din sa trabaho ehh. "Pre! May announcement daw si boss mamaya" ang sabi sakin ni Jerico. Inabangan naming dalawa kung ano ba yung iaannounce ni Mr.Lao , Chinese kong boss, masungit kung tingnan pero sobrang mabait sa tao.
"I'm happy to announce that we will have our companny vacation in Subic his weekend" nakakatuwa naman at makakatakas sa mga officeworks at iba pang bagay.
Kakatapos lang ng office hours namin ni Jerico at plano namin dumaan sa grocery para makabili ng baon. Bago pa kami magbalak umalis dumating sa harap namin si Mr. Lao.
"Mr.Sanches and Mr.Gusi, I would like to commend your performance, You two did a splendid job for the past weeks"
Natuwa na lang kami ni Jer dun sa sinabi ni boss. Parang nabawasan yung pagod namin. At ayun na nga , bumili na kami ng mga mababaon na pagkain sa sasakyan kasi may foods naman na daw dun sa resort. ( sana may inuman) ang binulong sakin ni Jer hahaha. Inabot kami ng 1 oras sa pagbibili ng pagkain at pagtapos dumaan kami sa UST, kung saan kami gumraduate ni Jer. Dinaanan kasi namin yung tropa naming si Jasper.
Professor si Jasper sa UST, college pa lang kami magaling na talaga yun sa Programming kaya ayun, nagturo padin siya nun parang hindi nagsasawa sa hirap hays. Pinapunta niya kami dun para imbitahan sa kasal niya. Ikakasal na kasi sila ng 6 years girlfriend niyang si Lea.
Dumating na kami sa UST at dumiretso sa Lover's Lane (kung tawagin nila ) at hinintay na si Jasper.
"Uy pre ! Buti nakadaan kayo, sana makapunta kayo sa kasal namin , sa November 2,2017 pa naman , dito lang sa UST Church" Ayun . Nagkakwentuhan pero saglit lang kasi may klase daw na daw siya.
"Jer! Uwi nako , pagod nadin ako eh"
Nagpaalam nako kay Jer at umuwi na. Bukas na kasi yung outing namin eh...Nag book ako ng Uber pool para makatipid tsaka malapit lang naman ako..
Pagpasok ko ba naman sa Car, ang awkward may mag couple...
Tapos samahan mo pa ng nakakalig ng kantang "You and Me" ng LifeHouse. Kahit sa harap ako nakaupo eh nakikita ko pa sila sa salamin. May naalala lang ako na hindi na dapat alalahanin ...Nakauwi na nga ako at kumain ng hapunan. Pagkatapos, inayos ko na yung mga bag na dadalin ko sa 3 day vacation namin. Ang dami kong dinalang damit pati nadin mga pagkain. Pagkatapos ko magayos, nag laro muna ako ng PS4 ko, NBA2k17 para makapagrelax. Hindi ko namalayan 2 hours nako naglalaro at 1am na pala. Hays. Makatulog na nga para hindi antukim bukas...