Chapter 6 : Destined

16 0 0
                                        


"Akala ko'y habang buhay tayo, akala ko'y hanggang dulo. Kay haba pa ng kalsada , dito naba tayo bababa" 

Ang kantang pinapakinggan ko habang naglalakd sa Garden. Habang pinagmamasdan ko ang mga mahahalimuyak na bulaklak.. Hindi ko parin naiwasan na isipin si Julia. Yung pangako niyang magdadate kami sa isang lugar na puro bulaklak at magagandang tanawin. Tinupad ko naman, kaso ako nalang magisa...


Tumawag na sakin sila mommy at pupuntahan ko na sila .... Habang naglalakad ako bigla akong napahinto.. Akala ko tila isang panaginip ang nakikita ko. Nakita ko si Julia ng naglalakad, nakangiti habang pinagmamasdan ang mga bulaklak .. Ang ganda parin niya, huli ko siyang nakita ni hindi ko manlang nakita ang kanyang mga ngiti, dahil natatakluban ng lungkot... Masaya ako kasi nakita kong masaya na siya. Nakita ko na kasama niya si Aaron, ang bagong nagpapasaya sa kanya..


Masaya ako na natupad niya ang pangarap namin. Ang pinagkaiba lang eh, Natupad ko yung pangako ko sa kanya at siya natupad niya ang pangarap namin kasama ng iba..

Wala nakong balak na kausapin siya. Ang importante nakita uli siya. Ang tagal din ng hindi ko siya nakita.. Tanggap ko na . Naglaho na ang bestfriend ko.. Nakita ko na lumabas sa Aaron at si Julia lang pumasok magisa. Nasa may entrance siya at ako papalabas, kaya hindi ko maiiwasan na hindi kami magkakasalubong. Kinabahan ako na naexcite kasi makakaharap ko siya. Hindi man tulad ng dati, pero atleast masilayan ko uli siya... 

Papalapit na kami sa isa't isa pero siya sa iba nakatingin, hindi niya padin ako napapansin.

Nang papalapit na ako sa kanya, bigla siyang napa lingon sakin.. Alam kong nakita niya ako. Diretso padin kami ng paglalakad..........


Biglang tumigil ang oras namin at naalala ko lahat ng alalala. Hindi yung memories naming dalawa pero yung memories nilang dalawa... Yung pangako namin sa isa't isa, natupad nga niya pero sa iba..

Nakita ko siya... kasama si Aaron. Nakita ko sila sa Eastwood. Habang papalakad ako pauwi, nakaupo sa isang tabi magkahawak ang kamay at nagkekwentuhan. Nakaramdam ako ng pagmamanhid ng katawan at kinabahan pero nung nakita kong masaya  siya. Hindi ko nalang siya pinansin. Pangarap din namin ang kumain sa Isdaan sa Tarlac at nagulat ako na kumakain siya kasama ang family niya, kasama si Aaron. Ang sabi mo dati gusto mo kumain dun kasama ako at ng parents mo... atleast nagawa niyo na.

Hindi ko alam kung pinaglalaruan ako ng tadhana kasi hanggang sa La Union, nandoon ka...

Habang nagkekwentuhan kami nila Jer at Ate Danie. Natanaw ko kayo ni Aaron na nakaupo sa buhangin at nagkekwentuhan. Hanggang sa maiwan ako magisa na umiinom, natatanaw ko kayo. Ang nasa isip ko lang eh masaya kana talaga sa kanya.. Nalasing nga ako nung gabi na iyon at pagkagising ko nasa kwarto nako, kaya kinabukasan pinuntahan ko si Kuya Lifeguard para tanungin kung sino yung nagdala sakin sa kanya. Tinuro niya yung isang babae na nakatalikod na nakacheck-in lang pala sa 3rd floor. Pagka kita ko , si Julia. Hindi ako naniwala kasi hindi ko inakala na naalalala niya padin ako. Pero hindi ko na kinwento at nilihim ko nalang sa sarili ko yun..


Papalapit na kami sa isa't isa at nakatingin nadin siya sakin... Habang papalapit na kami naisip ko yung kinanta ko nung kasal nila Jasper... Habang kinakanta ko yung "A thousand years", nakita ko siya. Sobrang ganda niya, suot ang pink na dress. HIndi ko alam kung nakita niya ako kasi busy sya nun kay Aaron.. Akala ko tapos na yung pakikipaglaro sakin ng tadhana pero may pahabol pa pala..


Nung pumunta kami sa Paskuhan nila Jer at nung Kambal, nakita ko siya habang nag fifireworks display.. Hawak niya ang kamay ni Aaron at tila masaya na....


Balak ko nung una eh kamustahin ko siya or ayain ko man lang mag coffee para mahaba haba ang usapan, pero pagkatapos lahat ng inisip ko.. I've just decided na act normal nalang. Hindi ko na guguluhin ang bestfriend ko. We part our ways already. 


So, nagkasalubong na nga kami... Hindi nako kinabahan , I just said "Uy Hi Julia" and she just smiled......  hindi na kami tumigil sa paglalakad at dirediretso sa paglakad...


Yung taong pinahalagahan at minahal ko ng sobra , yung taong araw araw kong kakwentuhan at kaasaran. Ngayon, hindi ko man lang narinig ang mga tinig niya..




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon