Chapter 2 : Escape

20 0 0
                                    

Umaga na . Araw na ng outing namin at nagkitakita na kami sa office, mga 3 van yung nirent namin kasi madami kami eh. Doon kami sa likod ng black na van umupo ni Jer para nakaka relax kasi mahaba haba din yung byahe , mga 8 to 10 hours siguro.

8:30am kami umalis sa Eastwood , mainit na nga at medyo traffic sa balintawak kaya natulog muna kami ni Jer.

Mga 11:30 ginising kami ng ka officemate naming si Danie para mag lunch . Si Danielle Samonte, si Ate Danie for short. Siya yung ate namin sa office , tahimik at mabait. Nag stop over kami sa Tarlac para maglunch, 3 hours din pala yung byahe kaya nakaka gutom nadin. Sa "Isdaan" kami kumain kung saan may tacsiyapo , Yun yung pede mong ilabas yung galit mo sa isang tao sa paraan ng pagbato at pagbasag ng mga pinggan, bagay sa mga niloko hahaha.

Matagal ko ng ginusto na makapunta at kumain dahil sa masasarap na seafood pati na nga din sa tacsiyapo, kaso busy sa work at sa ibang bagay. Isa't kalahating oras kami kumain , siyempre nagpahinga nadin kami saglit.

5:30pm nakadating na kami sa isang resort sa La Union. Diretso kami sa kwarto nila Jer at ni Kuya Tom. Si Kuya Tom yung team leader namin, para na namin siyang tatay. Mga 7:00 pm kumain na uli kami , ang masaya pa dun eh madaming pagkain. Nakakabusog talaga , pinuno namin yung isang resto sa loob ng resort. Ilan ba naman kami , mga 50 kami eh..

Pork, Chicken,Beef,Seafoods pati desserts? Yan lang naman yung kinain ko kaya nga busog na busog ako. Mga 9:30pm may live band sa may bayside. Kung seswertehin ka naman oh, Silent Sanctuary pa. Ang bandang iyan kasi ang isa sa banda na gustong gusto ko dati pa. Ang lakas kasi makapag pa relate eh .

"Tumingin saking mata magtapat ng nadarama, di gustong ika'y mawala dahil handa akong ibigin ka. Kung maging tayo, sayo lang ang puso ko"

Favorite ko yang kanta na yan, ang daming memories jan kasi favorite din niya. Habang kumakanta sila eh umiinom naman kami nila Jer, Ate Danie, Kuya Tom at iba pang kawork namin. Hating gabi na nagiinuman padin kami, nightlife nga daw eh. Biruin mo 12 na pero parang umaga padin sa sobrang dami ng tao.

Nag alisan na ung mga kasama namin,yung iba natulog na, yung iba kumain at may ibang pinuntahan. Naiwan kami nila Ate Danie at Jer at ayun nagkakwentuhan na.

Dahil may tama nadin kami , Lovelife ang napagusapan namin, Una yung kay Ate danie, kinwento niya yung asawa niyang si Kuya Renz at ang anak niyang si Carly. Susunod na usapan eh yung kay Jer, kaso wala kasing Lovelife yung bestfriend ko, playboy kasi eh. Nung isang buwan lang, nag out of town sila ni Diana , nung isang linggo, nanuod lang sila ng Wonderwoman ni Andrea at nung isang araw lang, pinakilala niya sakin si Agatha. Loyal ba kamo? Siyempre si Jerico yan eh.

Ayun na nga. Napunta na sa akin ang usapan. Dahil sariwa padin sakin at naaalaala ko padin, kinwento ko na yung buhay pagibig ko..

Hindi lang si Jer ang bestfriend  ko nung Highschool , pati na din si Julia. Si Julia yung bestfriend ko na naging girlfriend ko,  ngayon ex ko na

Nagkakilala kami ni Julia dahil magkapitbahay kami dati sa Quezon. Magkaibigan ang nanay namin. At dahil dun,parehas na kami ng pinagaralan nung elementary, highschool pati hanggang UST. Pero hindi siya IT tulad namin ni Jer, nagtake siya ng Nursing kasi pangarap niya daw yun. Yung first 2 years namin na yun sa UST ay naging mahirap at masaya, kasi minsan nauubusan na kami ng oras sa isa't isa pero dahil mag bestfriend nga kami nahahanapan namin ng 1 paraan ang 1 milyon na dahilan para di kami magkita. Sabay kami kumakain tuwing break, minsan sumama samin si Jerico na kada linggo ata iba yung pinapakilala samin. Sabay din kami umuuwi dahil magkatabi lang yung condo namin sa may espanya, at tuwing may long vocation or holiday, sabay sabay kami umuuwing tatlo sa Qeuzon province. Matagal na akong may gusto kay Julia, dati akala ko puppy love lang pero nung nag college kami, doon lumakas yung tibok ng puso ko sa kanya, takot akong umamin noon kasi nga mag bestfriend kami.

Natatakot akong mawala ang bestfriend ko sa oras na umamin ako ng aking nararamdaman. Sinabi ko nadin yun kay Mommy at Daddy para malinawan ako, at ang sabi nila eh maganda daw na aminin ko, gustong gusto naman nila si Julia kasi nga kababata ko at mabait nga daw.
Feb 14 at Valentine's Day noon, madaming nagbigay sa kanya ng chocolates, teddy bears at flowers eh ako nun walang dala. Pero hindi ako nawalan ng pagasa, nung pauwi na kami. Binigyan ko siya ng isang stem ng Rose at nakita ko ang ngiti sa kanyang mukha, ang ningning sa kanyang mga mata at ang tamis ng kanyang labi. Kiniss nya ako , nagulat ako kasi hinalikan ako ng bestfriend ko. Ang nasabi lang niya "Nakakainis ka naman eh! Ang tagal ko ng inaantay to eh" na speechless ako sa sinabi niya . Hindi pa ako nakakapagsalita nagsalita uli siya. "Bestfriend kita, masaya ako na kasama ka. Para nadin naman tayong mag bf/gf eh? . Ang nasabi ko na lang dun para mas official. Lumuhod ako at sinabing "Julia, my bestfriend. Will you still be my bestfriend that I do really love?"    At ang nasabi nalang niya nun ay ngumiti . "Yes . I will still be your bestfriend that will love you every single day"...
---
At yan ang storya namin ni Julia. Kinilig ang dalawang kasama at kahit lasing na eh halata namang naintindihan nila.
"Ang saya naman ng story niyo? So, ano yung other side ng kwento mo?"

Other side?kung may masaya syempre may malungkot ...

Madaling araw na at ang lamig na ng simoy ng hangin. Parang siya lang, unti unting naging malamig sakin.

PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon