Chapter 3 : Cold Breeze

14 0 0
                                    

Pinapakwento nga ni Ate Danie kung ano yung nangyari samin pero dahil mga 1:30am na , sinabi ko na itutuloy ko nalang bukas . Nagpaalam na si Ate at kakain lang daw siya at si Jer naman, maghahanap na naman daw ng pokemon niya, yung ma cacatch daw niya.

Naiwan ako magisa sa inuupuan namin pero sa kaliwa't kanan ko ang dami pading tao. Iba't ibang grupo , may mga kababaihan, kalalakihan, matatanda at halo halo . Isang boteng malamig ng Red Horse ang hawak ko at may isang case pa sa tabi ko. Hindi pa ako nalalasing , hindi ko alam kung bakit. Habang pumapatak ang beer sa aking lalamunan, onti onti kong naalala si Julia. Kung paano siya dumating sa buhay ko. Tulad nga ng naikwento ko na kila Jer at Danie na since 10years old magkakakilala na kami.

Tanda ko po nung 4th year Highschool kami, dahil ako nga yung bestfriend niya at lagi niya akong kinekwentuhan ng mga nanliligaw sa kanya. Maganda naman kasi talaga siya. Suki siya ng beauty contest, naging Ms.Nursing pa nga siya eh kaya minsan naiinsecure ako kasi ang popogi ng mga nanliligaw sa kanya. Pero wala siyang sinagot. Ang sabi lang niya sakin nun hindi pa daw siya ready ...

Ilang minuto din yung lumipas, yung isang bote na hawak ko hindi nauubos. Naka 6 na bote pala ako nung sa oras na yun. Nalasing nadin ako sa wakas. Ang sarap sa pakiramdam. Sumubsob nalang ako at di ko namalayan na nakatulog na pala ako..

Kinaumagahan. Nakapikit padin ako pero ramdam ko ang lamig. Nagtataka ako bakit ang lamig eh umaga na, ang lambot naman ng hinihigaan ko.. Pagkadilat ko, nakahiga nako sa kwarto namin nila Jer. Tinanong ko kung sino nagdala sakin ang sabi nila si Kuya Guard daw, hindi ako makapagpasalamat kasi hindi din nila maalala itsura ni kuya.

Almusal na naman. Mabubusog na naman ako sa dami ng pagkain . Mamayang gabi uuwi na kami sa katotohanan. Hays mahabang byahe na namin. Ang sakit na naman sa pwet sa pagkaupo ng matagal.

Dumaan ang tanghalian, miryenda na kami padin ay nagsasayahan. Videoke, swimming at syempre, inuman padin.
Natulog muna  ako ng mga alas tres bago bumyahe kasi nahihilo padin ako ng slight...

Nagising ako ng 6:30, at nagaayos na ang mga kasama ko at aalis na daw kami. Ang dami pading mga tao sa resort. Syempre madami ding chix nakita ko pa nga sila Liza Soberano eh, may shooting ata sila. Kaya siguro madami tao sa may resto.

Tinawag nako nila Kuya Tom at sumakay nadin kami nila Jer. So ayun, umalis kami ng 7pm sa La Union dumating na kami ng Manila mga 2:30am na. Dahil madaling araw na, doon muna kami pinatulog at wala namang pasok sa araw na ito.

Tinimplahan kami ng kape ni Ate Danie at inaya kami umupo sa sofa. At ayun, nagkwentuhan uli kami. At ayun na nga, tinanong na sakin ni Ate kung ano ba nangyare samin ni Julia. Kung bakit kami naghiwalay...

Ilang taon din kami naging magkasama. Magkasama sa saya pati nadin sa tampuhan. Di yata matatapos ang isang araw ng hindi kami naguusap at nagkukulitan. Kaya nakaka miss din eh...

Nung 4th year na kami nagbago ang lahat. Unti unting lumamig ang mainit naming pagsasama. Yung araw araw na masayang usapan namin. Napalitan ng malulungkot at puro bangayan....
Kasalanan ko siguro. Nasakal ko siya. Masyado akong naging mahigpit sa kanya. Hindi ko namalayan na sa higpit ng pagkakahawak ko sa kanya ang dahilan kung bakit sya bumibitaw. Yung ako na lang pala yung nakahawak. At ung bestfriend ko sumuko na. Uwian na namin at sinundo ko na siya sa building niya. Tahimik walang salitang maririnig sa kanya. Nung nasa Buenavides Lane na kami ni Julia, umupo kami sa isang bato at doon nagusap...

"Ayoko na Dave. Napapagod nako, alam kong mahal natin ang isa't isa pero hindi yun sapat para maging masaya tayo. Pinilit ko yung sarili ko na isipin ang masasayang alaala natin para makalimutan ko yung masama" ang mga sinabi niya na hindi ako pinagsalita...

Nakatulala lang ako sa kanya habang hawak ko ang kanyang dalawang kamay. Hindi ko na hinigpitan ang pagkakahawak ko ... Ang nasa isip ko lang nung mga oras na yun ay mahal na mahal ko si Julia pero hindi ko na dapat ipilit ang lahat...

"Naiintindihan ko. Sorry for all my mistakes. Kung nasasakal kita , kasi mahal kita. Hindi ko naman mapipilit na mahalin mo uli ako, hindi rin ako nagsisisi na naging girlfriend ko yung bestfriend ko. Ang masakit lang mawawala na nga  yung girlfriend ko, pati yung besftfriend  ko nasama" di ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko sa mga oras na iyon. .

Hindi nadin siya nakakapagsalita at nararamdaman ko na ang unti unting pagbitaw ng kanyang kamay saking mga kamay.. hindi ko na pinigilan kasi alam kong masasaktan siya.

"Salamat dave. Sa lahat lahat. Goodluck sa graduation mo ha" yan na ang huling salitang narinig ko sa kanya. Bago siya tumalikod...

Saktong umaambon pa nung break up scene namin ngayon, nakiramay ata ang langit. Wala nakong nasabi sa kanya nun. Ang binulong ko nalang sa sarili ko na hindi ako magpapaalam kasi hindi ako naniniwala sa goodbye. I hate goodbyes. Umaasa pa ako na magkikita kami uli...

Simula nung araw na iyon hindi na uli kami nagkita. Hindi nadin kami nagusap or nagtawagan. Siguro ayaw na namin guluhin ang isa't isa. Halos 4years nadin yun.. Nakakabalita nalang ako sa mga kaibigan namin. Sana naalala padin niya ako...

----
"Guys! Ready for breakfast?" Sigaw samin ni Arson. Yung senior samin, bumili pala sila ng Jolibee Breakfast meal.

"Bakit hindi mo uli kausapin si Julia?" Tinanong sakin ni Ate Danie.

Tara kain na tayo jerico. Sarap ng longganisa oh favorite mo...

PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon