Pagkatapos nung "the great escape"namin na yon sa outing. Sandamakmak na trabaho ang kapalit. Halos isang buwan na paulit ulit lang yung ginagawa namin sa office
Kain...
Ligo...
Work...
Kain...
Break..
Work...
Kain...
Tulog...Hassle talaga. Umulan kasi ng projects ngayon eh. Pero may kasabay naman na sweldo kaya sulit pa din.....
Busy man sa trabaho hindi natapos ang isang araw na hindi siya sumagi sa isip ko..
Kamusta na kaya siya? Tanong na gusto kong malaman...November 2, 2017
Kasal na nila Jasper at Lea sa UST Church. Doon kasi sila nagkakilala, magkakaklase kasi kami. Ang dami nilang inimbitahan na kabatch namin. Parang mini reunion yung naganap. Dumating yung paboritong prof namin na si Sir Rod. Yung class president naming mabait na si Ervin..
Nasa labas palang kami ng simbahan nagkakagulo na kami sa mga kamustahan at panay picturan.. Sa dami ng invited na tao pumasok na agad kami nila Jer, Franco at Jessy. Si Franco at Jessy nga pala yung tropa naming kambal. Si Franco yung ka course namin tapos si Jessy, journalism yung course. Naging close din namin si Jessy dahil lagi siyang sinasama ng kapatid niya sa gala namin...
Nagsimula na ang kasal. Dahan dahan ng naglalakad sa altar si Lea. Pineplay yung themesong nilang "You were just a dream that I once knew" . At habang papalapit na sila sa isa't isa , sumagi sa isip ko yung mga matatamis na alaala nung masaya pa kami ni Julia...
Pangarap namin yun na ikasal din kami sa school na to. Sa UST kasi dito nag grow yung relasyon namin, dito rin nalanta....
Nasa harap na nga ng altar si Lea at habang ginagawa ang celebrasyon. Di parin nawawala sa isip ko yung mga pangakong naglaho.. naglaho nalang bigla..
"You may kiss the bride"
Ang pangarap kong marinig habang hawak ko ng mahigpit ang mga kamay ni Julia..Natapos na ang kasal at reception nadin. Sa wakas makakakain na... Katable ko padin sila Jer pati ung kambal . 10 yung upuan pero 4 lang kami. Siguro may iba pang uupo...
Habang nagkakasiyahan biglang inannounce ni Jasper na pumunta daw ako sa harap. Pinakanta nila ako, nahihiya ako at nagulat pero dahil kaibigan ko naman yung newly weds kumanta ako...
Pinakanta sakin yung "a thousand years"."I have died everyday waiting for you .." Sumakto ata sakin tong lyrics na to ah. Inisip ko nalang na dapat maganda yung kalalabasan ng kanta ko. Syempre unforgettable tong day na to para sa newly weds eh...
Natapos na nga yung kasal at ang daming nangyari ngayong araw. Ang dami naming nakitang kaibigan. Masasaya at malulungkot na alaala....
Umuwi na kami at matapos yung araw na yun.... hays balik na naman sa hassle na buhay..
December 10, 2017
"Pre! Punta daw tayo sa Paskuhan inaya ako nila Franco"
Paskuhan? Yan ang celebration ng thomasian tuwing pasko. Damang dama mo ang pasko kapag kasama mo mga kaibigan mo. Tapos pumunta kapa ng paskuhan? Solid na solid talaga.
3 years nadin ako hindi nakaka attend ng Paskuhan.. busy na kasi eh. Wala ring time.
Huling punta ko. Kami pa ni Julia. Ang saya namin noon lalo na mga paborito naming banda ang kumanta.
Tulad ng Silent Sanctuary, Kamikazee pati Parokya ni Edgar.
Yung soundtrip, ang sarap sa feeling. Buong gabi na yun hawak ko lang ang kanyang mga kamay...Yung gabi na yun parang "You and Me against the world" . Nasa isip namin na kami lang yung tao sa malawak na field ng UST. Kami lang yung sumasabay sa bawat pagkanta ni Chito..
Ang ganda din ng mga fireworks na lumilipad sa langit.. Parang mga ngiti din ni Julia habang nakatingin sa langit. Habang tinititigan ko siya binubulong ko ang mga katagang
"Someday. Pupunta tayo sa lugar na tayo lang. Yung puro bulaklak , yung napakadami na nila pero ikaw padin ang pinakamaganda""Huy Dave. Kanina kapa nakatulala at nakangiti jan, naaalala mo na naman si julia no?" Tumango nalang ako , pagod nako magtago ng nararamdaman...
Callalily at Silent Sanctuary yung banda ngayon sa paskuhan. Masaya naman pero hindi ganong kasaya tulad nung 2014. Kasi kulang... walang parokya ni edgar eh..
Nag fireworks display nadin kami at narealize ko na masaya din pala yung ngayon kasi dati dalawa lang kaming magkasama. Ngayon 5 pa. Si Jer, si Franco, si Jessy pati yung boyfriend niyang si DJ..
Bago ka umuwi, kumain muna kami sa Jolibee. Puno yung mga kainan eh tsaka hindi nadin kami naginuman kasi may mga trabaho pa bukas...
Umuwi nako ng maaga kasi may lakad nga pala kami ni Mommy pati ni Tita Carla. Pupunta raw kami sa Garden ng pamilya ng pinsan ni mama , na si Tito Wesley. Sa wakas makakapunta nadin ako sa garden na punong puno na magagandang bulaklak. Hindi man siya kasama ko, kasama ko naman si mommy at tita...
Kinabukasan dumating na kami sa Garden.
Naglakad lakad kami at nagpipicturan sila mommy. Ako naman, isa lang ang naiisip ko sa mga oras na yun.
Lahat ng pinangarap natin noon. Nagawa na natin. Hindi man tayo malapit sa isa't isa pero natupad ko yung pangako ko sayo....
Samahan mo pa ng magagandang awitin na mas nakakaakit sa puso't damdamin...