Chapter 5: Mood

14 0 0
                                    

2:30am na natapos ang duty ko ... Nakakapagod talaga at nakaka drain ng utak. Kumain muna ako bago umuwi sa bahay namin sa Sta.Mesa , buti nalang nadala ko yung car ni daddy kasi hindi niya ako masusundo ngayon..

Sinakay ko si Arianne kasi on the way naman yung house niya. So ayun, mga 3am umalis na kami sa St.Lukes at buti nalang malapit lang. Kaya mga 3:30am nakauwi nako sa bahay..

10:30am nako nagising kasi friday ngayon, wala akong duty until monday kaya nagpapahinga lang ako. Kumain muna ako ng almusal na luto ni Daddy at nagpaalam nadin kasi may gala kami ni Pau mamaya.


"Julia. Kita nalang tayo sa UST mamaya, dadaanan ko kasi kapatid ko dun eh"

Kaya mga 12:30pm pumunta ako sa UST para kitain si Pau pati ang kapatid niyang si Lara. Si Pau nga pala, isa sa naging bestfriend ko nung college kahit hindi kami magka course. IT din siya at kaibigan siya nila Jerico, Jessy at Franco, si Dave din pala... Tumambay ako sa tapat ng Beato kasi taga CFAD yung kapatid ni Pau para doon nalang kami magkikita. Mga 1:10 dumating na silang magkapatid at pumunta na kami sa Fishermall para manuod ng cine, nagiintay nadin kasi dun si Aaron. Si Aaron nga pala, kaklase ko na nung college at ngayon magka work kami. After 3 years, nagka boyfriend na uli ako, at siya yun.


Dumating na nga kami sa Fishermall at nanuod ng Star Wars , maganda daw kasi.... At tama nga ang reviews na nabasa namin kasi maganda yung story. Kumain muna kaming apat sa Tokyo tokyo bago magsimba sa Padre Pio, linggo linggo kasi ako nagsisimba pero dahil nakasimba na sila Daddy at Mommy kanina, inaya ko nalang sila Pau at Aaron doon. 6:30pm kami nakadating dun at napaka lakas ng ulan, buti nalang nakapasok pa kami sa loob kahit madaming tao. Ang sarap sa feeling pag nakakasimba.... Mga 7:30pm naglibot libot kami sa Eastwood. Napansin namin na ang daming tao sa may gitna, so nacurious kami at lumapit, may event pala at may mga guest bands at singers. So, ayun naabutan namin kumakanta si Darren Espanto. Tapos nung tiningnan namin yung ibang guest. Omaygad! Si TJ Monterde pala dadating kaso 9:30pm, makikita ko na uli siya , pangalawang beses palang to. Nung unang beses , mga 5 months ago pero exact place lang din, dito sa Eastwood.


Mga 10pm, hinatid na kami ni Aaron sa bahay ni Pau, magoovernight kasi ako dun , tsaka ininvite ako ni Tita Marilou, yung mommy nila Pau at Lara. Si Aaron naman uuwi ng province nila bukas, sa Batangas. Kaya ayun, bonding kaming tatlo..

Di kumpleto ang overnight kapag walang beer, malamig na bote ng San Mig Light ang iniinom namin, at ayun nagkwentuhan kami..

"Bes. Musta naman kayo ni Aaron? masaya naman ba kayo?" ang tanong sakin ni Pau.

For me, Masaya na ako kay Aaron. He really makes me a different person. He really loves me, mahal na mahal niya ako... So, isang oras na namin pinaguusapan si Aaron at biglang nasingit si Dave.... 

Si Dave nga pala, He is my bestfriend turn into my lover but faded as a stranger... Nagsisinungaling ako pag sinabi kong hindi ko na siya iniisip at naaalala . almost 10 years is not that easy to forget. Pero nakaraan na ang 10 years na iyon. It is done. We are done. What important is I'm happy and I hope he is also happy...


"Bes. Hindi na ba kayo uli nagkita after the breakup?"

After the breakup, naputol nadin ang communication namin. No more text messages, pati nadin sa Facebook and Twitter.. Kilala na ako ni Dave eh, alam niyang di nagbabago desisyon ko so hindi na niya ako kinulit. Akala nila madali lang sakin yung nangyari na yun pero it hurts me everytime I think of him.. He really changes my life. He makes me happy because he is my bestfriend. Hindi ko naman pinagsisihan na naging kami , ang pinagsisihan ko lang ay kung bakit bestfriend ko pa yung minahal ko. I lost 2 people eh. 2 Important people after my parents ....

Nagpapasalamat nalang ako na dumating si Aaron to help me forget my mistakes to Dave.. 


"Naiintindihan kita bes. Alam kong mahirap yan pero atleast masaya kana ngayon diba? Diba you told me na nakita mo si Dave ?"


Akala ko wala na kasi masaya na ako kung anong meron ako ngayon.. Pero nung nakita ko siya, bumalik lahat ng pagsasamahan namin... Kung paano niya ako inaasar dati nung High School kami, kung paano niya nililigtas sa mga nambubully sakin nung 4th year, kung paano niya ako pinoproktehan sa mga nambabastos sakin noong 1st year college. At kung paano niya pinakita na mahal niya ang bestfriend niya.... I believe in Second chances pero ayoko na siyang masaktan...

  and Yes, I saw him 5 months ago. Nung kasama ko si Kuya Zach sa Eastwood. Nanunuod kami parehas kay TJ Monterde at natutuwa ako kasi napanuod namin ng sabay si TJ..  

.





PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon