"Emika, Tie nanaman kayo ni Josef sa rank 1. Nandun sa board o, tingnan mo." Salubong sakin ni Chrissa pag pasok na pagpasok ko ng classroom.
"Forever naman e. Kelan ba mabrebreak yan? Tss." Angal ko sakanya at pumasok na ng classroom.
Tumingin ako sa board, tie nga kami. Parehas na 94.78 yung average namin. Bale 95 na kapag ini-round off.
"Kelan ba maghihiwalay yung pangalan natin sa rank 1?" Naiiritang tanong sakin ni Josef. Naiirita siya? Pwes ako, mas naiirita ako sakanya.
"Tanong mo sa upuan mo baka sakaling sumagot." Mas naiiritang sagot ko sakanya.
Simula first year highschool, hindi na naghihiwalay sa rank 1 ang pangalan namin ni Josef. Hanggang ngayong 4th year na kami, hindi pa rin nabrebreak yung tie.
Third quarter na pero magkasama parin pangalan namin sa Rank 1. Hindi naman pwedeng tie pa rin kami sa pagiging valedictorian. Kailangan talaga, may isang tataas sa amin.
Tinalikuran na niya ako at umupo na sa upuan niya.
"Josef, tandaan mo. Isa lang saating dalawa ang magiging class valedictorian! Good luck." Nakangiting sabi ko sakanya.
"Don't expect na ikaw yun." Nag-smirk siya. Napakayabang talaga ng lalaking to! Doble pa sa yabang ko.
Kailangan mas galingan ko ngayong 4th quarter. Nag-promise kasi ako kay Sir Jaden na kelangan ako ang magiging class valedictorian this school year at isa siya sa magsasabit sakin ng medal.
Hindi man ako sigurado kung natatandaan pa niya yon at kung kilala pa niya ako ngayon, Kailangan ko paring gawin yung best ko para sa isang tao na naging inspirasyon ko magmula ng pagkabata ko.
Dumating na si Mrs. Santos, adviser namin.
"Good Morning class. Any violent reaction about your ranking?" Tanong niya samin wearing her smile.
Nagtaas ng kamay si Josef. "Miss, kelan po ba maghihiwalay yung pangalan namin ni Miss Santiago sa Rank 1?"
Natawa ng bahagya si Mrs. Santos at sumagot, "I dont Know Mr. Reyes. Why? What's the problem with that?"
"Ayaw ko po kasing nakikita yung pangalan ni Miss Santiago na katabi nang pangalan ko." Nagsitawanan yung mga kaklase namin.
"Mas lalong namang ayaw kong nakikita yang pagmumuka mo!" Sigaw ko sakanya.
Ganyan kami palagi. Buong araw, nagkakaroon ng kompetensya sa aming dalawa. Sanay na rin mga classmates namin.
"Mr. Reyes, Ms. Santiago, Let's talk." Obvious naman na gusto kaming makausap ni Mrs. Santos diba? Kagagawan talaga to ng lalaking to. Napaka-walang modo. Walang respeto sa babae. Wait for my revenge JOSEF ADRIAN REYES!
BINABASA MO ANG
His Dad
HumorFour years old palamang ako when my mom hired Sir Jaden as my tutor. Siya yung naging inspiration kong mag-aral, gusto ko kasi si Sir Jaden. But a years after, nag-paalam siya sakin, may malaking offer daw sakanya sa New York, dun na daw siya magtra...