Epilouge

827 13 3
                                    

"San tayo pupunta?" Tanong niya sakin.

"Sumunod ka nalang kuya" Oo. Alam kong mas matanda siya sakin at magkapatid naman kami kaya kuya ang dapat kong tawag sakanya.

Pinunta ko siya sa park.

"Bakit?" Tanong niya sa akin.

"Maguusap tayo." Sagot ko.

"Hindi ko man lang naisip na magkapatid tayo." Bakas parin sa mukha niya yung pagkagulat sa nalaman namin.

"Ako rin naman e. Anong dapat nating gawin kina mama at papa?" Tanong ko sakanya.

"Naalala mo ba yung ginawa satin ni Mrs. Santos? Kinulong tayo sa stock room. Ganon ang gagawin natin sakanila." Great! Ang talino naman ng kuya ko!

"Mika, itext mo ang mama. Sabihin mo nasa bahay tayo." Utos niya sakin.

Initext ko naman si mama. Pumunta na kami agad agad sa bahay nila. Kahit pareho silang lalaki ni papa. Napakaayos nito.

Gumawa naman kami ng lock sa labas nang kwarto niya.

Maya maya pa. Dumating na sila mama at papa. Agad naman kaming nagtago sa likod ng refregirator.

"Nasan kayo? Wala kayo dito anak." Initext ako ni mama.

Agad naman akong nagreply na nasa kwarto ni kuya.

Nang makapasok na silang dalawa agad naman naming sinara yung pinto at nilock ito.

"Mika, Josef, anong pakulo ito?" Tanong samin ni Papa.

"5 hours kayo dyan. At pag di pa kayo nagkaayos sa limang oras na yun. Dadagdagan pa uli ng lima. Okay ba yun dad, mom?" Natatawang sagot ni Kuya.

Madami silang dahilan para pakawalan namin sila.

"Ma, Pa, Gusto kasi namin ng pamilya." Sagot ko.

Habang naghihintay ng limang oras kung saan saan kami nagpunta ni kuya. Sa mall, park, school, ito siguro yung time para mag bonding. Ano na kaya ang nangyayari kina mama?

Nakalipas ang 5 oras. Bumalik na kaming bahay.

Binuksan na namin ang pinto at laking tuwa namin nang nakita si mama at papa na magkaholding hands.

"Mga anak, dito tayo titira. Bubuuin natin yung pamilya natin. Magtratrabaho kami ng mama niyo pero hindi kami magkukulang sainyo. Pangako iyan." Sabi ni Papa.

Agad naman namin silang pinuntahan dalawa at yinakap

-End

His DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon